You are on page 1of 9

SIPI MULA SA TALUMPATI NI DILMA ROUSSEFF SA KANIYANG INAGURASYON

(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)


Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin, ang lumikha
ng mga pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng
pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi
nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang
mamamayan.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang
pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan
nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at
kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.

Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat gampanan ng lahat sa
lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko
at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa negosyo at mga anggagawa, mga
unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa
kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong
pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa
kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang malabanan ang
hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang
pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na paniniwala na sinisira ng inflation
ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin
papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na
deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang pag-aalinlangan sa mga
multilateral na paraan na ipaglaban ang maunladat pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na
pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy
ng kapital na ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes na
nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang pagpupunyagi ay
walang pagbabagong nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga pangunahing
pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito na may tiyak na
pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid,
ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng
pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng pamumuhunan sa
punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang
pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na
pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program, pananatilihin natin ang
pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na pagtutulungan ng pagkilos ng


pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at
mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na
pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang pangmatagalang mga pondong pampribado.

Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa


kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na transportasyon. Walang duda
na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit
ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.

Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses


Mga Tanong:

1. Ano ang nais makamit ni Pangulong Dilma Rousseff sa kanyang pamumuno sa Brazil?
2. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil batay sa mga sinabi ni Pangulong Rousseff.
3. Paano niya ito mapabubuti ayon sa kanyang talumpati?
4. Paano nagkakatulad ang sitwasyon ng Brazil sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa
ating bansa?
First woman president
2010 October - Dilma Rousseff, of President Lula's Workers' Party, wins second round
run-off to become Brazil's first female president.
2011 January - Opening of road connecting Brazil's Atlantic coast with Peru's Pacific
seaboard.
2011 May - Chamber of Deputies votes to ease restrictions on the amount of land
farmers must preserve as forest, raising fears of further deforestation in the Amazon.
Amazon under threat

Image copyrightGETTY
IMAGES

Amazon is home to 30% of all plant and animal life in the planet.

Iron ore mining dilemma in Amazon

2011 June - Government launches Brasil Sem Miseria (Brazil Without Poverty) welfare
scheme, aimed at lifting millions out of extreme poverty.
2012 August - Parliament approves affirmative action law for universities that requires
them to reserve 50% of their places for state school students, and increases the number
of spaces allotted to black, mixed-race and indigenous students.
2012 October - Brazil enacts controversial law meant to protect forests and force
farmers to replant trees on scattered swathes of illegally cleared land. Aspects of the
law are criticised by both the farm lobby and environmentalists.

Civil unrest
2013 June - A wave of protests sweeps the country. People take to the streets in dozens
of cities to demonstrate over poor public services, rising public transport costs and
expense of staging the 2014 World Cup. The protests continue into the autumn.
2013 October - The rights to explore Brazil's biggest oilfield are awarded to a consortium
led by the state-run energy giant Petrobas backed by French, Anglo-Dutch and Chinese
firms.

President under pressure


2014 October - Dilma Rousseff wins another term as president.
2015 March - Petrobras state oil company implicated in massive corruption scandal that
brings hundreds of thousands onto the streets in protest at President Rousseff, who
was company chairperson during the period in question.
2016 February - World Health Organisation declares a global public health emergency
following an outbreak of the Zika virus centred on Brazil.
2016 August - Olympic Games are held in Rio de Janeiro.

Senators vote to remove President Dilma Rousseff from office for illegally using money
from state banks to bankroll public spending. Michel Temer is sworn in to serve the rest
of her term to 1 January 2019.

You might also like