You are on page 1of 2

TALAMBUHAY NI DILMA ROUSSEFF

Si Dilma Vana Rousseff (ipinganganak 14 Disyembre 1947) ay isang


ekonomista at politiko sa Brazil. Siya ay kasalukuyang nasisilbi bilang ika-36 Pangulo
ng Brazil. Siya ang unang babae sa puwesto. Siya ay dating Chief of Staff ni Pangulong
Luiz Incio Lula da Silva mula 2005 hanggang 2010.

Anak ng isang negosyanteng Bulgarian, lumaki si Rousseff sa isang pamilyang upper


middle class sa Belo Horizonte, Minas Gerais. Siya ay naging sosyalista sa kanyang
kabataan, at matapos ang coup d'tat noong 1964 sumapi siya sa iba't ibang
makakaliwa at Marxistang urban guerrilla groups na lumaban laban sa diktadurang
militar. Si Rousseff ay nahuli at nabilanggo mula 1970 at 1972, sa panahong iyon ay
naiulat pinahirapan (tortured).

Matapos mapalaya, nagsimula ulit si Rousseff ng buhay sa Porto Alegre kasama ni


Carlos Arajo, na kanyang magiging ka-partner ng 30 taon. Tumulong sila sa pagtatag
ng Partido Democrtico Trabalhista (PDT; Democratic Labour Party) sa Rio Grande do
Sul, at lumahok sa ilang kampayang panghahalan ng partido. Siya ay naging Secretary
of the Treasury of the City of Porto Alegre sa administrasyong Alceu Collares, sumunod
ay naging Secretary of Energy of the State of Rio Grande do Sul sa administrasyong
Collares at Olvio Dutra. Noong 2000, matapos ng panloob na alitan sa gabineteng
Dutra, iniwan niya ang PDT at sumapi sa Partido dos Trabalhadores (PT; Workers'
Party).

Noong 2002, sumapi si Rousseff sa komiteng gagawa ng polisiya sa enerhiya ng


kandidato sa pagkapangulo na si Luiz Incio Lula da Silva. Nang manalo si da Silva sa
halalan, inanyayahan niya si Rousseff upang maging Minister of Energy.] Noong 2005,
isang krisis pampolitikang dulot ng isang corruption scandal ang nagtulak sa pagbibitiw
ni Chief of Staff Jos Dirceu. Si Rousseff ang humalili sa puwesto, at nanatili hanggang
31 Marso 2010, nang siya ay bumabab upang tumakbo sa pagkapangulo. Siya ay
nahalal sa isang run-off noong 31 Oktubre 2010, tinalo niya ang kandidato ng Partido
da Social Democracia Brasileira (PSDB) na si Jos Serra, at nahalal muli noong 26
Oktubre 2014 laban kay Acio Neves, kandidato rin ng PSDB.
Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang
"tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at
impormasyon.

You might also like