You are on page 1of 3

Ang Brasil,[1] opisyal na tinatawag na Pederatibong Republika ng Brasil (Portuges: República Federativa do Brasil), ay

ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking
bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang
nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi).
Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa
47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na
kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang
buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa
Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga
makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

Ang salitang "Brasil" ay nagmula sa salitang Portuges na brazilwood, isang katutubong puno na minsang naging sagana
sa dalampasigan ng Brasil. Sa Portuges, ang brazilwood ay tinatawag na pau-brasil, kung saan ang salitang brasil ay
karaniwang binibigyan ng etimolohiyang "pula katulad ng baga", na nabuo mula sa Latin na brasa ("baga") at ang
hulaping -il (mula sa -iculum o -ilium). Dahil nakapagbibigay ang brazilwood ng malamlam na pulang tina, ito ay
pinahahalagahan nang mataas ng industriya ng tela sa Europa at ang pinakaunang pinakinabangang produkto mula sa
Brasil. Sa loob ng ika-16 na dantaon, malalaking tipak ng brazilwood ang inaani ng mga katutubo (kadalasan ay mga
Tupi) sa baybayin ng Brasil, na kung saan ipinagbibili ang troso nito sa mga mangangalakal na Europeo (kadalasan ay
mga Portuges, ngunit may mga Pranses din) bilang kapalit ng mga sari-saring mga bagay mula sa Europa.

ang opisyal na wika ng Brasil ay Portuges (Artikulo 13 ng Saligang Batas ng Republikang Pederal ng Brasil), kung saan
halos buong populasyon ay nagsasalita nito at masasabing tanging wikang ginagamit sa mga pahayagan, radyo,
telebisyon, at mga gawaing pangkalakan at pampamahalaan. Ang pinakasikat na kataliwasan dito ay ang matatag na
batas ng wikang pasenyas na ipinasa ng Pambansang Kapulungan ng Brasil.

Si Dilma Vana Rousseff (ipinganganak 14 Disyembre 1947) ay isang ekonomista at politiko sa Brazil. Siya ay
kasalukuyang nasisilbi bilang ika-36 Pangulo ng Brazil. Siya ang unang babae sa puwesto.[1] Siya ay dating Chief of Staff
ni Pangulong Luiz Inácio Lula da Silva mula 2005 hanggang 2010.[2]

Anak ng isang negosyanteng Bulgarian, lumaki si Rousseff sa isang pamilyang upper middle class sa Belo Horizonte,
Minas Gerais.[2] Siya ay naging sosyalista sa kanyang kabataan, at matapos ang coup d'état noong 1964 sumapi siya sa
iba't ibang makakaliwa at Marxistang urban guerrilla groups na lumaban laban sa diktadurang militar. Si Rousseff ay
nahuli at nabilanggo mula 1970 at 1972, sa panahong iyon ay naiulat pinahirapan (tortured).[2][3]

Matapos mapalaya, nagsimula ulit si Rousseff ng buhay sa Porto Alegre kasama ni Carlos Araújo, na kanyang magiging
ka-partner ng 30 taon.[2] Tumulong sila sa pagtatag ng Partido Democrático Trabalhista (PDT; Democratic Labour Party)
sa Rio Grande do Sul, at lumahok sa ilang kampayang panghahalan ng partido. Siya ay naging Secretary of the Treasury
of the City of Porto Alegre sa administrasyong Alceu Collares, sumunod ay naging Secretary of Energy of the State of Rio
Grande do Sul sa administrasyong Collares at Olívio Dutra.[2] Noong 2000, matapos ng panloob na alitan sa gabineteng
Dutra, iniwan niya ang PDT at sumapi sa Partido dos Trabalhadores (PT; Workers' Party).[2]

Noong 2002, sumapi si Rousseff sa komiteng gagawa ng polisiya sa enerhiya ng kandidato sa pagkapangulo na si Luiz
Inácio Lula da Silva. Nang manalo si da Silva sa halalan, inanyayahan niya si Rousseff upang maging Minister of
Energy.[2] Noong 2005, isang krisis pampolitikang dulot ng isang corruption scandal ang nagtulak sa pagbibitiw ni Chief of
Staff José Dirceu. Si Rousseff ang humalili sa puwesto, at nanatili hanggang 31 Marso 2010, nang siya ay bumabab
upang tumakbo sa pagkapangulo.[2] Siya ay nahalal sa isang run-off noong 31 Oktubre 2010, tinalo niya ang kandidato ng
Partido da Social Democracia Brasileira (PSDB) na si José Serra, at nahalal muli noong 26 Oktubre 2014 laban kay Aécio
Neves, kandidato rin ng PSDB.[4]
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
P. 133
“Family Feud”

GAWAIN 5: Pag-unawa sa Akda

Istilo: Magandang Buhay

P.133-134
GAWAIN 6 : Opinyon Mo’y Ipahayag

P. 134

Istilo: Celebrity Bluff

GAWAIN 7 : Pagsusuri sa Pagkakabuo


ng Talumpati
P. 134
Istilo: Itanong kay Dugong
(Sunday Pinasaya)

GAWAIN 8 : Kaugnay na Balita


P. 135
Istilo: 24 Oras

You might also like