You are on page 1of 7

SINO BA SI

DILMA ROUSSEFF?
 Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng
Brazil matapos manalo sa eleksyon noong
2010.
 Isinilang noong Disyembre 14, 1947 sa Belo,
Horizonte, Brazil.
 Siya ay naugnay na sa militanteng
sosyalistang grupo kasama si Carlos Araujo na
kalaunan naging kanyang pangalawang
asawa.
 Noong 1970, siya ay nakipaglaban sa
pamahalaang diktaturyal kung kaya’t sya’y
nakulong ng tatlong taon.
 Habang nasa kulungan nakaranas siya ng
labis na pagapapahirap tulad ng electric
shocks.
 Nang siya’y nakalaya’y tinapos niya ang
kanyang pag-aaral (1997) at pumasok sa lokal
na politika bilang kasapi ng Democratic
Labor Party.
 Ginampanan ni Rousseff ang pagiging
consultant at mahusay na tagapamahala ng
partido.
 Nang nangampanya si Luis “Lula” de Silva
bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si
Rousseff bilang consultant.
 Siya ay hinirang na Minister ng Enerhiya
pagkatapos ng eleksiyon.
 Siya ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang
Chief of Staff noong 2005 hanggang sa
nagpadesisyunan niyang tumakbo sa
eleksyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.
Sagutin
Anong impresiyon ang iyong nabuo matapos
mong malaman ang ilang impormasyon kay
Pangulong Dilma Rousseff?
- Ang impresiyon ko ay si Dilma Rousseff
napakatapang na tao kahit alam na siya’y
makukulong at mapaparusahan kung siyay
makipaglaban sa pamahalaan, siya’y
napakaresponsable dahil nagampanan nya
ang kanyang gampanin, at siya’y hindi
madaling sumusuko sa mga problemang
hinaharap.
Gawain 2: Concept Mapping
Bumuo ng hinuha at palagay kung ano kaya
ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa
kaniyang kababayan. Pagkatapos ay
subuking palawakin ang ideyang ibinigay
sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng pangungusap.
- Sasabihin nya na hindi lang lalake ang
pwedeng maglingkod para sa kanila, dapat
hindi sila mawawalan ng inspirasyon na
mabuhay kahit sa anong pagsubok, dapat
hindi sila basta-basta mawalan ng pag-asa
bumangon para sa panibagong buhay at pag-
asa kaya dapat magtiwala sila sa sarili at
magtiwala sa panginoon na naandyan na
handa agad tumulong.

You might also like