You are on page 1of 8

Rehiyong Kultura ng

Iceland
Ang kultura at paniniwala ng Iceland ay
mayaman din at kilala rin sila sa
kanilang kontribusyong pampanitikan
na pinamana simula pa noong ika-12
na siglo. Ang sining ng Iceland sa
paghahabi, at pag-ukit ng mga larawan
sa kahoy ay kasama sa kanilang
maunlad na tradisyon at
kultura. Isama pa rito ang paggawa
nila ng mga chords o kwerdas.
May mga ilang lugar na may mga
propesyonal na sinehan, orkestra ng
simponya, opera, maraming gallery o
museo, tindahan ng mga libro, at marami
pang espasyo para sa lahat ng uri ng
sining. Kilala ang bansa sa pagiging
mapagmahal sa kanilang sining,
panitikan, kultura, at mga tradisyon.
Kasama sa kultura nila ang apat na kilala
at tanyag nilang folk dance. Ang antas ng
karunungang bumasa at sumulat sa
bansang Iceland ay sinasabing kabilang
sa pinakamataas na literacy rate sa
mundo. Ang pagmamahal ng mga taga
rito sa panitikan, sining , at pang
intelektwal na gawain at sports gaya ng
chess ay laganap.
• Icelandic ang pangunahing wika ng
Iceland at ito ay isang mataas na
inflected North Germanic na
lenggwahe o wika. Ang mga wikang
Danish at Ingles naman ay itinuturo
rin sa mga paaralan sa
Iceland. Kung tutuusin,
napakahigpit ng Iceland sa
pagsuporta sa kanilang
lingguwistika.

Ang Norse Paganism ay isang paniniwala ng
mga taga Iceland at ito ay itinuturing na
pangunahing relihiyon ng mga Norsemen
noong ika-9 siglo AD sa nasabing bansa.
Noong ang Kristiyanismo ay dumating sa
Iceland noong 1000 AD, doon lang nakilala
ang paniniwalang ito. Pormal na ipinahayag ng
korona ng Denmark ang Lutheranismo bilang
relihiyon ng estado noong ika-16 na siglo kaya
ang pagtataas ng populasyong may relihiyong
Kristiyanismo ay nagtapos din sa panahon ng
Pietism sa Iceland.
• Kung mapapansin mo, ang Viking heritage at
Icelandic ay sadyang ipinagmamalaki ng mga
Icelander at kanila itong pinangangalagaan para
mapanatili ang kanilang kultura at tradisyon.


• Ang lipunan at kultura ng mga taga Iceland ay
kinikilala sa mataas na respeto at antas ng
pagkakapantay ng kasarian sa bansa. Naging lubos na
progresibo ang bansang Iceland dahil sa karapatan sa
batas, ang mga babae ay nirerespetong magkaroon
ng mga posisyon at negosyo at napapanatili nila ang
kanilang mga pangalan kahit pagkatapos ng kasal, at
marami pang progesibong gawi na hindi


• kinasasanayan ng mga bansa ngayon.
Pinakamalawak at isa sa mga
pinakaprogresibo ang batas ng Iceland sa
pagproprotekta sa mga bata.


• Tungkol naman sa pamumuhay ng mga tao
sa Iceland: Naitala noong taong 2006 na ang
bansang Iceland ay niranggo bilang 4th o ika-
apat na pinakamasayang bansa sa buong
mundo.

You might also like