You are on page 1of 14

Ayon sa UNESCO, ang Brazil batay sa

kasaysayan ay kilala sa pagkakaroon ng


diskriminasyon sa aspektong sosyal,
ekonomiko at kultural. Tulad din ng Pilipinas,
ang Brazil ay sumailalim sa dalawampu’t isang
taong pamamalakad na diktaturyal. Kung kaya’t
damang-dama ng mga Brazilian ang kasiyahan
nang manumpa sa katungkulan noong Enero 1,
2011 ang kauna-unahang babaing pangulo ng
bansa sa katauhan ni Pangulong Dilma
Rousseff.

Gawain 1: Character Profile


Basahin at unawain ang talata na
nagpapakilala kay Pangulong Dilma Roeusseff.
Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang
talahanayan sa kasunod na bahagi.
Sino ba si Dilma Rousseff?
Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-
unahang babaeng pangulo ng Brazil matapos
manalo sa eleksiyon noong 2010. Siya ay si
Dilma Rousseff. Isinilang siya noong
Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte, Brazil.
Ang kaniyang ama ay isang
Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang
Brazilian.
Estudyante pa lamang si Dilma ay naugnay na
siya sa isang militanteng sosyalistang grupo
kung saan nakasama niya si Carlos Araujo na
kinalaunan ay siya niyang naging pangalawang
asawa. Noong 1970, dahil sa kaniyang
pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong
na tumagal ng tatlong taon. Habang nasa
kulungan, nakaranas siya nang labis na
pagpapahirap tulad ng
electric shocks. Nang siya ay makalaya,
tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977)
at pumasok sa lokal na politika bilang kasapi
ng Democratic Labor Party. Sa loob ng
dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff
ang pagiging consultant at mahusay na
tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva
bilang pangulo noong 2002, kinuha
niya si Rousseff bilang consultant. Matapos
ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister
ng Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa
hinawakang posisyon, siya ay kinuha
ni Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong
2005 hanggang mapagdesisyunan
niyang tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni
“Lula” noong 2010.
CHARACTER PROFILE
A:Pangalan : __________________________________
B. Tirahan : __________________________________
C. Kasarian : __________________________________
D. Hanapbuhay : ______________________________
E. Pagkamamamayan :__________________________
F. Naging tagumpay : ___________
G. Kahanga-hangang katangian : _________________
Basahin nang malakas at may damdamin
ang sumusunod na pahayag at
pagkatapos ay magbigay ng iyong sariling
opinyon tungkol dito.
1. “Ang ating pangunahing tungkulin ay
ang magsikap na maiangat ang bansa
mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng
pagpapairal ng katapatan at mabuting
pamamalakad sa pamahalaan.” –
Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III
(Inagurasyong Talumpati, 2010)
2.“Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na
solusyunan ang mga di pagkakaunawaan sa
ibang nasyon nang mapayapa – hindi dahil
naduduwag tayong harapin ang mga
panganib, kundi dahil ang pakikipagkasundo
ang matibay na mag-aalis sa pagdududa at
takot.” – Pangulong Barack Obama (Salin
mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013)
3. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng
kabataan: ang magkaroon ng edukasyon at
oportunidad sa trabaho na naranasan ng
nakaraang henerasyon. Ang pagkakataon na
makapag-ambag sa lipunan at magkaroon ng
matatag na kinabukasan.” – Prime Minister
Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening
Ceremony ng Danish Presidency, 2012)
4. “Ang pangunahing banta sa kapayapaan ng mundo ay hindi
ang di-magandang ugnayan ng mga bansa, kundi ang
paglaganap ng kasamaan. Ang tinutukoy ko ay ang terorismo,
drug trafficking, organisadong krimen at ang sindikatong mafia.
Ang lahat ng krimeng ito ay nagsilbing banta sa buhay, progreso
at pag-unlad lalo na ng mahihirap. Sa kasalukuyan, ang mga
krimeng ito ang pangunahing hadlang sa pagkakamit ng mga
layunin ng United Nation.” – Peru Pres. Ollanta Humala (Salin
mula sa 68th Session ng General Assembly ng United Nation,
Set. 25, 2013, New York)
5. “Hindi natin mahihiling na makaiwas sa
kaguluhan ng mundo. Ngunit kung tayo ay
makatutulong sa paglutas nito at makikiisa sa
paghubog ng magandang kinabukasan.
Masasabing tunay na makabuluhan ang
pakikiisa ng Germany sa European
Cooperation.” – Pres. Joachim Gauck (Salin mula sa talumpati sa
pagbubukas ng Munich Security Conference noong Enero 31, 2014)

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon


(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa
sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na
batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga
institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na
naghahangad ng kabutihan para sa kapwa.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa
kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.
Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na paniniwala na sinisira
ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap
na pamilya.
Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang pag-aalinlangan sa
mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad 132
at pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na ipinakikipaglaban.
Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang pagpupunyagi ay
walang pagbabagong nagaganap.
Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.
Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong pang-edukasyon.
Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.
Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga ang
pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo ng Republika at ng
mga Ministro.
Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na binuo ng
mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang pangmatagalang mga
pondong pampribado.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.
Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World Cup at
Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.
Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses Congress in Brasilia, kinuha nong Pebrero. 26, 2014,
mula sa (http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff-inaugurati_1_n_803450.html)

You might also like