You are on page 1of 1

Buod ng Talumpati ni Dilma Rousseff

Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil


Enero 1, 2011
salin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Si Dilma Rousseff ang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansang


Brazil. Ngayon ay nasa harap siya ng maraming mga brazilian para
ipabatid ang kaniyang pangako ng kaniyang administrasyon Tinitiyak ng
aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan
gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat. Hindi ako
titigil hanggat may brazilian na walang pagkain sa hapag , may mga
pamilya pakalat-kalat sa lansangan at mga naghihirap Hindi ito naiibang
tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat
gampanan ng lahat sa lipunan. Sa pagsugpo nang labis na kahirapan,
kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang
mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa
kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Kailangan ang paglagong ito,
kasama ang matatag na programang panlipunan upang malabanan ang hindi
pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.

You might also like