You are on page 1of 11

6.

2 Konsepto ng Bayani
Bayani

● Ang isang Bayani ay hindi lang tumulong sa kanyang kababayan kundi ang tumutulong sa
kapakanan ng kanyang Inang Bayan.
● Binuo ni Pangulong Fidel V. Ramos ang National Heroes Committee noong Marso 28,
1993, sa ilalim ng Executive Order No. 75
● EXECUTIVE ORDER NO. 75 – CREATING THE NATIONAL HEROES COMMITTEE UNDER THE
OFFICE OF THE PRESIDENT
Katangian ng isang Bayani

● May konsepto ng Bansa at pagkatapos ay naghahangad at nakikibaka para sa kalayaan


ng bansa.
● Mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang Sistema o buhay para sa
kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
● Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga sumusunod na henerasyon.

Mga Bayani (Noon at Ngayon)


Bayani Noon:
1. Jose Rizal
2. Andres Bonifacio
3. Heneral Antonio Luna
4. Apolinario Mabini
5. Emilio Aguinaldo
6. Emilio Jacinto
7. Francisco Balagtas Baltazar
8. Gabriela Silang
Bayani Ngayon:
1. Ninoy Aquino
2. Cory Aquino
3. Efren Penaflorida
4. Efren Bata Reyes
5. Manny Pacquiao
6. Overseas Filipino Workers
7. Mga Guro
8. Mga Doctor
9. Mga Bumbero
10. Mga Pulis at Sundalo
11. Mga Magsasaka
6.1 Korapsyon

● Ang Korapsyon, Katiwalian, o pangungurakot (corruption) ay maaaring ituring na


krimeng tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan na isinasagawa ng isang tao o
organisasyong may hawak na kapangyarihan o awtoridad upang makakuha ng
pansariling benepisyo.
Uri ng Korapsyon

● Graft

● Pakikipag sabwatan

● Pandaraya sa Halalan

● Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan

● Panunuhol at Pagtanggap ng Suhol (Bribery)

● Pangingikil (Extortion)

Bakit nangyayari ang Korapsyon?

● Pagiging ganid o sakim sa pera at kapangyarihan

● Hindi nakukuntento sa nakukuhang benepisyo

● Matinding pangangailangan ng pera

Epekto ng Korapsyon

● Kahirapan

● Pagtaas ng utang ng pamahalaan

● Mababang kalidad ng pamumuhay

6.3 KALAGAYAN NG SERBISYONG PABAHAY,


PANGKALUSUGAN,TRANSPORTASYON,EDUKASYON ATBP.
SERBISYONG PABAHAY
Isa sa mga pilit na timuruganan ng ating pamahalaan ang serbisyong pabahay para sa mga
mamamayan. Sa pagdami ng populasyon ay batid natin na marami pa ang mangangailangan ng
tahanan pagdating ng panahon. Ang mga isyu ukol sa mga pabahay ay masasabi natin dapat
tugunan ng ating pamahalaan Pangunahin na nito ang mga biktima ng kalamidad na hangangsa
ngayon kung di man nakatira sa mga tent ay mga walang sariling tahanan at napipilitang
makatira sa mga kamag-anak Ang isyung ito ay mas masidhi sa mga urban areas ng bansa kung
saan mabilis na tumataas ang populasyon Ayon sa "Developing a National Informal Settlements
Upgrading Strategy for the Philippines" isang pagsusuri ukol informal settlements sa bansa
noong 2014, ang ating bansa ang isa sa mga pinakamabilis sa Asya pagdating sa urbanisasyon
Maliban sa Metro Manila, may lima pang lungsod sa bansa na may populasyon na umaabot sa
750,000. Ito ay Cebu na may 2.3 million ang populasyon: Davao na may dalawang milyon,
Cagayan de Oro, na may 1 1 million; Angeles City na may 97 million. at Metro Iloilo-Guimaras na
may0.79 million. Ayon sa pagsusuri, 80% ng ating GDP ay mula sa mga lugar na ito.

Sa Batas Republika bilang 7279 ng Saligang Batas ng Pilipinas na may pamagat na ISANG
BATAS NA MAGTATADHANA NG ISANG KOMPREHENSIBO AT PATULOY NA PROGRAMA SA
PAGPAPAUNLAD NG KALUNSURAN AT PABAHAY MAGTATATAG NG MEKANISMO PARA SA
PAGPAPATUPAD NITO, AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN, naghahandog ang gobyerno ng
mga programang tutugon sa mga Pilipinong walang bahay na matitirhan. Dahil dito, may
pagkakataon ang mga mamamayan na magkaroon ng disenteng tirahan kahit pa wala silang
kakayahang makapagpundar ng sariling bahay dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Nungit
ang tanong, sino-sino ang mga nararapat bigyan ng pribilehiyo ng programang pabahay?

Nakasaad sa Batas Republika bilang 7279 na Ang "Mga kapus-palad at walang-tirahang


mamamayan" ay tumutukoy sa mga benepisyaryo ng Batas na ito at sa mga indibidwal o
pamilyana naninirahan sa lungsod o malalungsod na mga lugar na ang kua o pinagsamang kita
ng pamilya ay napapaloob sa hanggahang-antas ngkahirapan (poverty threshold) na Itinakda ng
National Economic Development Authority at hindi nagmamay-ari ng mga pasilidad ng
pabahay. Dito ay kasama ang mga nakatira sa mga pansamantalang tirahan at walang seguridad
ng pagmamay-ari

Malinaw na nakasaad sa batas na ang mabibigyan ng pagkakataon na maging benepisyaryo


ng programang pabahay ay ang mga mahihirap na walang kakayahang makapagpundar ng
sariling tirahan at pansamantalang nakatira sa walang segundad ng pagmamay-ari Batay sa
isang report ng Commission on Audit noong 2018, nasa mahigit 190,000 housing units na ang
naipatayo ng National Housing Authority para sa mga pulis, sundalo, informal settlers at maging
sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Ang masaklap, sa nabanggit na bilang halos 40 porsiyento
lang ang may nakatira, ang iba nasa 60 porsiyento, nakatengga at bakante lang Sa gitna na
malaking kontribusyon na ito, lantaran din naman ang pagdami ng mga informal settlements o
homelessness. Sinasabing nasa mga 1.5 million o 15% ng ating urban population ay informal
settlers Bakit nga ba mataas ang bilang ng informal settlements sa ating mga urban areas?

Isa sa pinakamalaking rason dito ay kahirapan. Marami ang pumipiling tumira sa mga
informal settlements dahil malapit ito sa trabaho Menos gastos sa pamasahe at miski baon
Pangalawa, libre ang pagtira sa mga informal settlements. Sa ganitong paraan. napapahaba ng
mga informal settlers ang kanilang pisi. Isa ring mahalagang rason kung bakit dumarami ang
informal settlements ay ang kawalan ng maayos na urban planning Ang ating mga syudad ay
hindi naging handa sa influx ng mga migrants at pagtaas ng populasyon. Ang espasyo para sa
mga tirahan ay nailalaan lamang sa mga may kaya Kaya nga hindi nakakapagtaka kung bakit sa
pagitan at sulok ng mga magagarang subdibisyon ay laging may nakasuksok na informal
settlements. Ito ay ebidensya na hindi abot kaya ang presyo ng pabahay. kaya't kung ano mang
maabot na lupa, titirikan na lamang ng barong barong. Ang pagtanggi ng maraming mga
informal settlers sa paglisan ng kanilang tahanan kapag sila ay pinapa-alis ay hindi
pagmamalaki. Kadalasan ang pagtanggi na ito ay nangangahulugan ng survival. Marami sa mga
informal settlers ay lubhang mahirap at walang access sa mga batayang serbisyo pati na rin sa
kapital, social security, social networks o makakapitan, pati na rin kaligtasan mula sa mga
panganib na kaakibat sa pagtira sa mga danger-prone areas. Sa mga urban centers kung saan
mabilis ang buhay, ang eviction ay magdudulot pa ng sukdulang kahirapan. Ang dami ng mga
paraan upang maiayos ang ating mga informal settlements. Una maaring gawin ang shum
upgrading kung saan inaayos ang disensyo at anyo ng mga shum areas. Maanring masubukan
ang in-site o near-site relocation Ang mga ito ay mga lohikal na hakbang Ang pagpapalayas kasi
ng mga shum settlers ay hindi nakakatulong sa mga maralita. Ang eviction sa kanila na walang
maayos na pabahay ay magdudulot lamang ng saklo ng pambagong urban settlements.
Alalahanin natin kaya sila nakatira doon ay para survival.Hindi ito malayang pagpili Ito ay resulta
ng "no choice" bunsod ng kahirapan

Maraming mga isyung kinakaharap ang programang pabahay ng gobyemo Gayunpaman,


sinisikap ng ating pamahalaan na matugunan ang pangangailangang ito para na rin sa seguridad
ng bawat pamilyang Pilipino. Bahagi na ito sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng bansa upang
higit na umangat ang pamumuhay ng lahat. Naniniwala ang lahat na magiging mas masaya ang
mamamayang Pilipino kung ang bawat pamilya ay may maayos at maaliwalas na tahanan

SERBISYONG PANGKALUSUGAN
Malaki ang pakinabang na nagagawa ng bawat indibidwal sa lipunan na kanyang
kinabibilangan. Ang kaalaman at lakas ng bawat isa ay malaki ang kontribusyon sa mas matatag
at maunlad na bansa. Nakasalalay sa tao ang pagbubuo ng desisyon para sa pang- araw-araw na
kahihinatnan ng kaniyang buhay at maging ng lipunang kaniyang ginagalawan. Kaya naman
mahalagang malusog ang kanyang pangangatawan upang malusog din ang kaniyang pag-iisip
Ito ay isinasa- alang alang ng pamahalaan upang lubos na mapakinabangan ang mamamayan at
maging katuwang ito sa pagbubuo ng tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong pagkilos para
sa maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa

Mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan

May mga programa para sa mga bata, kabataan, kababaihan, at para sa lahat. Ang
Department of Health (DOH) ang pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na
mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan. Ilan sa malalaking programa ng kagawaran ay ang
National Health Insurance Program (NHIP). Ito ay ang Complete Treatment Pack na
pagbabakuna, programa sa mga ina at kababaihan, at programa laban sa mga sakit, Ang
Philippine Health Insurance (PhilHealth) ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng
mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan,
at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan

Maraming Pilipino ang nakikinabang sa programang Philippine Health Insurance ng


pamahalaan. Sa tulong ng Philhealth, maraming mamamayan ang nakapagpapagamot at
nabibigyan pa ng libreng gamot. Kasama rito ang libreng pagpapagamot sa mga sakit na
dengue, asthma, at katarata, maging sa malalalang salat gaya ng kanser. Sa pamamagitan ng
NHIP maipagkakaloob sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap, ang mga serbisyong
pangkalusugan, pag-iwas man ito sa sakit o paggagamot ng karamdaman. Higit ding mapaunlad
ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng DOH. Layunin nitong marating ang
pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit sa bansa. Nagtatalaga rin ng mga doktor, nars, at komadrona sa malalayong
munisipyo upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga tao nito.

● Complete Treatment Pack


Itinataguyod at higit pang pinalawak ng pamahalaan ang pagbabakuna o imunisasyon ng
mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio. tigdas, at trangkaso. Kasama pa rito ang
pamamahagi ng mga bitamina gaya ng Vitamin A, iron, at iodine laban sa sakit sa dugo at mata.
Isinasagawa ang mga ito sa mga sentrong pangkalusugan o health center na matatagpuan sa
iba-ibang bahagi ng rehiyon. Malaking tulong ang serbisyong ito dahil nababawasan ang
malubhang pagkakasakit ng mga bata na kung magkaminsan ay sanhi rin ng pagliban nila sa
paaralan.

● Programa sa mga Ina at Kababaihan

Isa pa sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ang pangangalaga sa kalusugan


ng mga ina. Kasama rito ang regular na pagpapatingin sa sentrong pangkalusugan ng mga
nagdadalang-tao, libreng bitamina para sa kanila, at libreng bakuna laban sa sakit gaya ng neo
tetanus Humihikayat din ang mga ina na regular na magpatingin sa doktor sa mga health center
na makikita sa maraming bahagi ng kommidad. Kalakip pa rito ang libreng mga gamot na
kailangan para sa kanilang mga sakit. Maraming ina ang nakikinabang sa mga serbisyong ito.

● Programa Laban sa Iba pang mga Sakit

Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis ay madali nang malunasan sa tulong ng
programa ng pamahalaan laban sa sakit na ito. Maliban sa walang bayad ang pagpapatingin,
may mga gamot pang ibinibigay ang mga health center para sa tuluyang paggaling ng mga
mamamayang may karamdamang ito. May programa rin sa pagpapalaganap ng impormasyon
sa pag-iwas, tamang pagsugpo, at paggamot sa human immunodeficiency virus infection at
acquired immune deficiency syndrome (AIDS) Patuloy ang pangangalaga ng pamahalaan sa
kalusugan ng mga mamamayan lalo na tuwing nalalapit ang tag- ulan kung saan maraming mga
bata ang nagkakasakit. Kasama sa panlaban sa pagdami ng nagkakasakit na mga bata ang
paglilinis sa kapaligiran tulad ng pagbobomba kontra lamok na may dalang sakit

TRANSPORTASYON

Isa sa mga pinaglalaanan ng malaking pondo ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng


transportasyon at komunikasyon dito sa ating bansa. Ang programang pangtransportasyon ng
pamahalaan ay may layuning palawigin at paunlarin ang sistemang pangtransportasyon upang
mas mapadali ang mga transaksyon at ugnayan ng mga mamamayang Pilipino personal man o
hindi

Ang Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas o Department of Transportation (DOT) ay


isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkuling
mangalaga at magpalawak ng independente. mahusay, at maaasahang sistema ng
transportasyon at komunikasyon bilang epektibong kagamitan para sa pagkabangon at pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa. Ilan sa mga ahensya ng pamahalaan na namamahala sa sistema
ng transportasyon ay ang mga sumusunod

● Land Transportation Office (LTO)


● Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
● Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
● Maritime Industry Authority (MARINA)
● Philippine Coast Guard
● Philippine National Railways (PNR)
● Sistema ng Magaan na Riles Pankulan ng Maynila (MRT)
● Manila International Airport Authority (MIAA-NAIA)
● Mactan Cebu International Airport Authority
● Philippine Ports Authority (PPA)
● Civil Aeronautics Board (CAB)
● Toll Regulatory Board (IRB

Sa isang buong taon, humigi't kumilang sa P50 bilyong piso ang milalalaang badjet para sa
pagsasagawa at pagpapabuti ng sistemang pangtransportasyon sa buong bansa. Sa
kasalukuyan, unti-unting napapaunlad ang kalagayan ng transportasyon dahil na rin sa
proyektong Build Build Program ng kasalukuyang administrasyon Kabilang na rito ang
pagpapalapad ng mga kalsada, pagpapaayos ng mga tulay, pagpapabuti sa sistema ng tren at
paliparan at pagpapaunlad ng mga terminal
PROGRAMANG PANG-EDUKASYON

Isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng buhay ng tao ang magkaroon ng edukasyon.


Walang sinuman ang hindi naghahangad ng edukasyon sa anumang aspeto at larangan. Kasama
ito sa mga pangarap na gustong makamit lalong-lalo na ng mga kabataan. Ngunit ano nga ba
ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Ano-ano ang mga programa ng pamahalaan para sa
edukasyon ng mga mamamayang Pilipino lalo na ang mga kabataan"

Nakasaad sa Batas Republika 10533 na ang batayang edukasyon ay nilalayong. tugunan ang
mga pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang
pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at
mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nag-
aaral na out-of-school at sa mga may espesyal na pangangailangan. Ang kindergarten ang
unang yugto ng edukasyon, ang elementarya ang ikalawang yugto at ang pangatlong yugto ang
sekondarya na kung saan kinapapalooban ng junior high school na apat na taon at dalawang
taon sa senior high school bilang bahagi ng programang K-12. Sa pagpapatupad ng sistemang
ito, ang pangunahing wika o unang wika ay tutukoy sa wika o mga wika na unang natutuhan ng
isang bata, kung saan siya nakaugnay, at kinikilala bilang isang katutubong wikang ginagamit
niya sang-ayon sa iba, na siyang pinakaalam niya, o pinakaginagamit. Kasama rito ang Filipinong
sign language [wikang de-senyas] na ginagamit ng mga indibidwal na may kaugnay na
kapansanan Ang rehiyonal o katutubong wika ay tutukoy sa tradisyonal na uri ng pagsasalita o
uri ng Filipinong wikang de senyas na naroon sa isang rehiyon, lunan, o lugar

Sa pagbubuo ng kurikulum, ang DepEd ay bubuo ng disenyo at mga detalye ng kurikulum sa


pinabuting batayang edukasyon Makikipagtulungan ito sa Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon (CHED) upang magbuo ng magkaugnay na mga kurikulum sa batayan at tersiyaryong
edukasyon para sa kasanayang pandaigdig ng mga Pilipinong nagsisipagtapos Upang matiyak
ang kahandaan sa kolehiyo at upang maiwasan ang remedyal o pag-ulit ng mga klase sa
batayang edukasyon, makikipag-ugnayan ang DepEd sa CHED at sa Pangasiwaan sa Edukasyong
Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA)

Upang makamit ang isang mabisang kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon.


magsasagawa ng mga konsultasyon ang DepEd sa iba pang mga ahensiya ng pambansang
pamahalaan at iba pang mga stakeholder gaya ng bagaman hindi limitado sa, Kagawaran ng
Paggawa at Empleo (DOLE). Komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal (PRC), mga samahan ng
mga paaralang pribado at publiko, mga pambansang organisasyon ng mga mag-aaral, mga
pambansang organisasyon ng mga guro, mga samahan ng mga magulang at guro at mga
samahang pangkalakalan sa mga bagay na makaaapekto sa mga naturang sangkot na
stakeholder

Upang matiyak na natutugunan ng programa sa pinabuting batayang edukasyon ang mga


kahingian para sa mahuhusay na guro at pinunong pampaaralan, magsasagawa ang DepED at
CHED ng mga programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro, sa pakikipagtulungan ng
mga kaugnay na katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at mga samahang di-
pampamahalaan Bahagi na rin ng programa ng pamahalaan ang katiyakan na may trabahong
maghihintay para sa mga magtatapos ng High School kung hindi muna makakapag-aral ng
kolehiyo. Sa mga mag-eenrol ng kurso sa kolehiyo, ang pamahalaan ay naghahandog ng mga
scholarship para sa mga interesadong estudyante

Iba't Ibang Usapin Hinggil sa Urbanisasyon

● Ang urbanisasyon ay isang proseso kung saan ang mga bayan at mga siyudad ay
nagkakaroon ng paglobo ng populasyon sanhi ng patuloy na pagdami ng mga taong gustong
manirahan at makapagtrabaho sa lugar. Ang nagyayaring mabilis na urbanisasyong ito
hanggang sa kasalukuyan ang itinuturong dahilan ng paglago ng bilang ng mga slum o
karaniwang tirahan ng mahihirap sa ating mga lungsod.
● Ang paglipat ng mga mamamayan patungo sa sentro ng kalakaran ay hindi garantiya ng
isang marangya at maayos na buhay sa bayan o sa siyudad. Sapagkat sa kabilang banda, ito ay
maaaring makapagdulot ng mas malalang problema sa lipunan. Ang National Capital Region,
halimbawa, bilang sentro ng kalakalan sa bansa, ay nahaharap sa iba't ibang hamong
panlipunan na bunga ng urbanisasyon.
● Isa sa mga magagandang naidudulot ng urbanisasyon ay ang pagkakaroon ng Takas
paggawa nalilimitahan dito ang naidudulot ng nasabing penomena. Dahil sa kabilang banda,
ang mabilis na para sa mga industriya at ilan pang pagawaan sa mga urban area. Gayunpaman,
hindi lamang paglobo ng populasyon sa isang lugar ay nakalilikha ng polusyon. Hindi mailalayo
na dadami at dadami ang mga basura mula sa kabahayan at mga pagawaan. Ang pagdami ng
basura ay maaaring makapagdulot ng iba't ibang sakit sa mga tao.
● Ang pagkakaroon din ng mga iskuwater sa mga lungsod ay isang malaking problema
para sa lugar. Malaking suliranin para sa mga nasa iskuwater ang sanitasyon at pagkukuhanan
ng malinis na tubig. Dahil na rin sa lumalaking populasyon, ang pinagkukunang yaman at ang
hanapbuhay ay hindi makatutugon sa pangangailangan ng mga tao kung kaya't mas lumalala
ang kahirapan sa bansa na siyang nagbibigay problema sa seguridad ng mga tao. Bunga nito,
hindi mailalayo ang mabilis na pagdami ng krimen bunsod ng kahirapang naidudulot ng
urbanisasyon.

Usapin Hinggil sa Malawakang Pagkasira ng Kalikasan at Pagkakaroon ng kalamidad

● Hindi maitatanggi na ang Filipinas ay napakayaman sa likas na pinagkukunang yaman.


Tahanan ang bansang ito ng iba't ibang uri ng halaman at hayop. Sa halaman, ayon kay
Encarnacion (2016) humigit- kumulang ay may dalawang milyong uri ng mga ito ang
matatagpuan sa ating bansa karamihan sa mga ito ay dito lamang sa ating bansa matatagpuan.
Samantala, humigit-kumulang 1,200 naman ang uri ng mga hayop na matatagpuan sa
Filinings /IRON Foundation Inc. 2004.
● Unti-unti na ring nasisira ang kagubatan dahil sa ginagamit ng mamamayan. Idagdag pa
rito na mawawalan ng tirahan ang mga hayop sa kagubatan kung patuloy ang pagkasira ng
kanilang tahanan.
● Isang nakikitang dahilan ng patuloy na pagkasira ng kalikasan ay ang hindi pagiging
mahigpit ng ating batas at tila ba sumasang-ayon ito sa mga malalaking industriya o ahensya na
siyang lalong nagpapahirap ng kalikasan. Ang Executive Order no. 79 na nagpapabilis sa proseso
ng pagkuha ng permiso sa pagmimina ay isang malaking hakbang tungo sa pagkasira ng
kalikasan. Kung magiging madali na para sa lahat ang magsagawa ng pagmimina, maraming
punongkahoy ang mapuputol sapagkat ito ang panimulang hakbang sa nasabing aktibidad.
● Dahil sa malawakang pagkasira ng kalikasan at dahil sa heograpikong lokasyon ng
Pilipinas na nasa Pacific Ring of Fire, umuusbong ang iba't ibang uri ng kalamidad. Mahirap
makalimutan ang Bagyong Yolanda na minsa'y humagupit sa ating bansa, ang bagyong ito ang
naitalang pinakamalakas na bagyo na naranasan sa buong kasaysayan ng ating daigdig.
● Sa kabila nito, tila kulang ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga biktima.
Maraming naging anomalya pagdating sa tulong na ipinaabot ng mga Filipino mula sa iba-ibang
panig ng bansa maging sa tulong ng mga dayuhan. Ang mga paunang relief good hanggang sa
mga proyektong pabahay ay hindi lubusang napapakinabangan ng mga biktima.

REFERENCES

● https://www.slideshare.net/GoogleAccount36/konsepto-ng-bayani-pptpdf

● https://www.slideshare.net/AngelMae16/korapsyon-isyung-panlipunan

● https://www.studocu.com/en-us/document/daytona-state-college/filipino/
pambansang-serbisyo-sa-mamamayan/23964997
● https://youtu.be/xVMGZNSbAZs?si=nTpx9AyHCP06B8RJ

You might also like