You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pamahalaan

Kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan upang magkaroon ng katahimikan


at kaayusan sa bansa. Mahalaga ang katatagan ng bansa na siyang pangunahing layunin ng pamahalaan
upang mapangalagaan ang karapatan, pag aari at buhay ng mga mamamayang Pilipino. Mahalaga ang
pamahalaan upang ang mga tungkulin at paglilingkod nito sa mga mamamayan ay maisagawaat
maipatupad. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga batas at tuntuning dapat sundin ng mga
mamamayan.

Mga Tulong ng Pamahalaan:

1. Paglulunsad ng K-12 Program

Noong 2013 ay nilagdaan ni datig Pangulong Aquino III ang R.A. 19533 na nagsusulong sa
pagpapatupad ng programa kung saan dadag dalawang taon ang pag aaral ng mga estudyante upang
makasabay ang Pilipinas sa international education standards. At upang madagdagan ang kaalaman ng
mga estudyante

2. Abot-alam Program

Layunin ng programang ito na turuan at gawing produktibo ang mga kabataang 15-30 taong gulang na
hindi nag aaral o out of school youth sa tulong ng ALS o Alternative Learning System.

3. National Dengue Prevention and Control

Noong 1993 inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan ang programang ito sa Rehiyon 4 at NCR kung saan
malawakan ang isinasagawa sa buong bansa taon taong pakikipagtulungan ng World Health
Organization at UNICEF simula 1998.

4. Pagpapalawak ng Saklaw ng mga Programa ng PhilHealth

higit na pinalawak ng pamahalaan ang saklaw o sakop ng PhilHealth at ng mga at ang mga serbisyong
ginagawa nito. Bukod sa pagpapatayo atpagsasaayos ng mga pasilidad,nagpadala rin ang pamahalaan ng
doctor,nurse, komadrona at community health teams sa malalayong lugar upang gamutin at tulungan
ang mga nangangailangannating kababayan.

5. Pagbibigay ng Scholarsip sa mga Matatalinong Estudyante

Ayon sa Republic Act 10648 itinatadhana ng pamahalaan na ang sampung nangungunang mag aaral
na magtatapos sa bawat pampublikong paaralan ay pagkakalooban ng scholarship upang makapagpatuly
ng pag aaral ng walang binabayaran okalahati lamang ang binabayaran sa kolehiyo
Paano tayo makatutulong sa pagkakaisa sa ating rehiyon at bansa?
Tinaguriang pag-asa ng bayan ang mga kabataan, kaya isa sa maitutulong
namin upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa at rehiyon ay sa pamamagitan
ng pagiging modelo o mabuting mamamayan. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral
upang maging isang epektibong lider na nagpapahalaga sa pagkakaisa ng bawat tao.
Ngunit hindi magiging sapat ang bawat tulong ng isang bata at kailangan parin
ng kooperasyon ng mga matatanda lalong lalo na ang mga opisyal na nagtatrabaho
para sa ating gobyerno. Sila ang tatayong lider ng ating bansa kaya’t sila dapat ang
manguna sa pagpapakita ng mabuting ehemplo sa mga mamamayan katulad na
lamang ng pagsunod ng mga pinapatupad na batas sa ating bansa.
Kailangang mag-umpisa sa atin ang pagbabago, dahil ang bawat isa ay may
malaking bahagi sa pagtulong upang magkaisa ang ating rehiyon. Isa din sa dapat
ikonsidera ang pagpili ng ating mga nanunungkulan na tapat, mapagkakatiwalaan, at
may takot sa Diyos. Ang pagkakaroon ng isang responsableng pinuno ay tunay na
makakatulong sa mabilis na pagunlad at pagkakaisa n gating bansa.

You might also like