You are on page 1of 2

LIBRENG EDUKASYON!

By: Ma. Eden Figuracion


(STEM 12, ISAIAH)

Edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan ng isang


indibiduwal pati na rin ng kanyang bansa. Ilan lamang ng resulta
ng magandang sistema at libreng edukasyon ay ang tumataas ng
ekonomiya, mas nagiging produktibo ang mga manggagawa, tumaas
ang kalidad ng edukasyon, yumayabong ang pamumuhay ng bawat
Pilipino.
Isa ako sa mga naniniwala na makakatulong ang libreng
matrikula sa mga estudyante na papasok at pumapasok kolehiyo
upang makapagtapos ng pagaaral at makahanap ng magandang trabaho
na siyang magaangat nito sa kahirapan gayun na din sa ating
bansa. Ayon panga sa ating pangulo na si Duterte ang mga
kabataan ang magiging daan sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa.
Ikinataba ng puso naming mag-aaral ang pagpirma ni Pangulong
Rodrigo Duterte sa batas na naglalayong magbigay ng dekalidad na
pang-kolehiyong edukasyon para sa mga Pilipino nito lamang
nakaraang Ikalima ng Agosto.
Ang Edukasyon ay para sa lahat! Sang-ayon ako sa nakasaad
sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Seksyon 1 "Dapat
pangalagaan at itaguyod ng estado ang karaptan ng lahat ng mga
mamamayan sa mahusay sa edukasyon sa lahat ng antas at dapat
magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng
gayong edukasyon." ibig sabihin, obligasyon ng gobyerno na
ibigay ang karapatan at pangangailangan ng mga nasasakupan nito
lalo na ang sapat at pinag-isang sistemang pangedukasyon na
naaangkop sa pangangailangan ng sambayanan at lipunan.
Sumakatuwid, nararapat lang na matamasa ng masa ang libreng
edukasyon noon pa lamang.
Ang edukasyon ay karapatan! Ayon sa International Human
Rights Law, ang edukasyon mula sa primarya hanggang sekundarya
ay nararapat na libre. Maging ang matrikula ng kolehiyo ay libre
din. Dagdag pa rito, kinakailangan din na ang bawat estado ang
siyang unang gumawa ng hakbang para sa pagkamit ng libreng
matrikula. Bukod pa rito, nakasaad din hindi dapat ipairal ang
konsepto ng kahit anong uri ng diskriminasyon sa larangan ng
edukasyon (Talata 38, General Comment) Ang pagsasabatas ng
libreng edukasyon ay tagumpay ng bawat Pilipinong mag-aaral gaya
ng pagkakakahulugan ng AnakBayan. Ipinahayag naman ng
Presidential Spokesperson na si Aquillino Pimentel III na ito ay
isang napakahalagang pangyayari sa kabila ng opresyong nagaganap
sa Marawi.
Sabi nga ‘Education is the most powerful weapon that you
can use to change the world.’ Ang pagsasabatas nito ay katumbas
ng pag-asa ng ginhawa, katumbas nito ang kinabukasan ng mga
kabataan at ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng libreng edukasyon
ay malinaw na indikasyon na ang bansa ay may kakayahang
makipagsabayan sa integrasyon at modernisasyon. Ano na lamang
ang maiaambag natin sa mundo kung walang kakayahan ang mga kapos
na makapag-aral? Paano tayo makikipagsabayan sa mundo kung
mang-mang ang karamihan sa atin?
Nararapat lang na gawing libre ang edukasyon!
Nararapat lang na ilaan ang buwis sa edukasyon!
Nararapat lang na punlaan ng kaalaman at hindi ng kasakiman ang
utak ng mga Pilipino.
Nararapat lang na pandayin ang isip ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng libreng edukasyon.
Mabuhay ang bansa!
Mabuhay ang matatalinong Pilipino!

You might also like