You are on page 1of 3

Subject Area: Kontemporaryong Isyu

Grade Level: 10
4th Quarter

Felipe R. Sanchez Jr
Lucita U.Grafia
Nilda C. Cabale
Rotelia Cadavos

A.
Learning Content

Mga Isyung Pang-edukasyon


1. Access sa Edukasyon
2. Kalidad ng Edukasyon

Learning Competency

Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa edukasyon.

Code: AP10ICC-IVa-2

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng ____________ ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan


sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang
upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.

2. Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng ______________ sa lahat ng mga institusyong
pang-edukasyon.

3. Sinasaad saligang batas na ang_________________________sa Pilipinas ay libre sa edad mula


tatlong taon hanggang makatapos sa sekondarya at ito ay kinakailangan

4. Binigbigyang proteksyon ng estado ang ibat-ibang uri ng ____________________na magkaroon


ng tama at pantay na karapatan sa edukasyon.
5. Ayon sa bagong batas na pinatupad sa bagong administrasyon, ang__________ sa mga
pamantasang pambansa ay libre at walang bayad.

PAGPIPILIAN

MATRIKULA, KASARIAN, ESTADO, KONSTITUSYON, EDUKASYON, KARAPATAN

B.

Learning Content

Mga Isyung Pang-edukasyon


1. Access sa Edukasyon
2. Kalidad ng Edukasyon

Learning Competency

Nasusuri ang sistema ng edukasyon sa bansa

Code:

AP10ICC-IVa-1

Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan,” linyang winika ni ________________ na kung iyong
pagninilay-nilayan ito ay mga pangarap niya sa mga kabataan upang maging matagumpayan
at maging bahagi ng pag-unlad ng ating bayan.
Simple lamang kung tutuusin. Tanging ang edukasyon lamang ang tanging pag-asa ng mga
kabataan upang sumulong o dili kaya’y makisabay sa agos ng modernong takbo ng
buhay.May kaibahan ba ang edukasyon noon at sa edukasyon sa kasalukuyan ?
Ang ____________________ noon ay tulad ng pagpasok ng isang baka sa butas ng karayom.
Sabihin pa ba ang pagpalit-palit ng mga dayuhang namumuno, na kadalasan pa nga ay siyang
nagsisilbing guro tulad ng mga Kastila, sinundan ng mga Amerkano at mga Hapon. Nakakalito,
iba’t-ibang sistema ng edukasyon. Lalo na nung panahon ni Padre Damaso. Pawang mga
ekslusibo ang paraan ng pag-aaral.
Ang mga nasa ____________________ lamang ang nakakapapasok at nakatutuntong sa
paaralan. Ang mga indiyo at mahihirap ay nagmimistulang alipin ng edukasyon gayundin
nung panahon ng mga Amerkano,pinipilit ang lahat na magsalita ng Ingles gayung sila ang
nagtuturo upang ang mga Pilipinas ay maging bansang demokratiko.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong nabago.Dala ng modernisasyon,makabagong
teknolohiya at mga istralehiya ng pag-aaral ang ________________________ngayon ay
makulay, masining, maalam at maunlad. Ginagamit ang demokratiko ng kaisipan may
malayang pagdedesisyon tungkol sa mga bagay-bagay kung paano ka uunlad bilang isang tao
at ang pagsasagawa ng mga gawi sa pag-angat kung paano mapapaunlad ang sarili, ang bayan
at ang bansa.

alta-sosyedad Gat Jose Rizal


demokratiko pakikibaka
Edukasyon

You might also like