You are on page 1of 1

Libreng Edukasyon para sa Lahat

Sinasabing ang edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan ng isang indibidwal pati
narin ang kanyang bansa, dahil ang edukasyon ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman. Ngunit
paano natin makakamit ang magandang benepisyo ng edukasyon kung mahal ang matrikula sa kolehiyo?
Nawawalan ng opurtunidad ang mga mamamayang Pilipino na kapos-palad upang ipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral at gumanda ang kanilang buhay.

Inaprubahan ni pangulong Duterte ang batas na nagsasabing libre ang matrikula para sa mga
“State University” at kolehiyo. Isa itong magandang opurtunidad para sa lahat ng mga Pilipino upang
ipagpatuloy ang kanilang pagaaral ng libre. Ito ay pabor sa mga mag-aaral sapagkat ano man ang iyong
estado sa buhay ay hindi hadlang upang ikay makapagaral. Ito naman ay hindi magandang desisyon
para sa paaralan sapagkat marami paring bayarin ang kailangang tustusan ng paaralan.

Kami ay pumapabor sa panukalang ito sapagkat maraming mahihirap ang gusting makapagaral
at umangat sa buhay. Kung may bayarin man kailangang tustusan ng paaralan nariyan naman ang
gobyerno upang tugunan ito.

You might also like