You are on page 1of 1

Sadyang napakahalaga ng edukasyon lalo na sa buhay ng isang kabataan dahil ito ang magsisilbing

stepping stone nila upang maabot ang napakaraming opurtunidad sa mundo na makukuha lamang kung
may diploma kang hawak. Ang edukasyon din ay isang napakabisang gamot upang mabawasan ang ilang
sakit sa ating lipunan katulad na lamang ng poverty o kahirapan dahil tatas ang ekonomiya ng bansa
kung lahat ng mga kabataan o tao ay makakapagtapos ng pag-aaral at makakahanap ng magandang
trabaho. Marapat lamang nating buksan ang ating mga pang-unawa sa kahalagahan ng edukasyon at
kahalagahan ng diploma sa ating buhay dahil sa modernong panahon na ating ginagalawan ay
napakataas na ng requirements kung trabaho lang rin naman ang pag-uusapan. Hindi ba’t malaking
bagay sa ating ekonomiya kung ang lahat ng teenage pregnant sa bansa ay makakapagtapos ng pag-
aaral nang hindi sila hinahadlangan? Hindi lamang pera ang maganda nilang maibibigay sa Pilipinas
bagkus pati inspirasyon ay magagawa rin nilang maibahagi sa iba. Kung pati ang mga matatanda na
nalipasan na ng panahon ay nakakapag-aral ng maayos bakit hindi kayang gawin ng isang teenage
pregnant iyon? Si nanay Judith Tolentino ay isang 53 years old ngunit nag-aaral pa rin dahil siya ay may
pangarap. May mga teenage pregnant na rin na nakapagtaos ng pag-aaral tulad na lamang ni Genevive
Sagario Bachelor of Science and criminology batch 2018 na nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral at
napatunayan na kahit anong alipusta at judgement ang natanggap niya ay hindi iyon hadlang upang
makamit ang kaniyang pangarap. Kung nagawa nila, bakit hindi magagawa ng mga teenage pregnant
ngayon? Kalusugan versus education ang sinasabing dahilan pero hindi ba’t kung lalawakan lamang ng
mga tao ang kanilang pag-iisip ukol sa kaso ng teenage pregnant na nais mag-aral at makapagtapos sa
kolehiyo at kung may respeto’t disiplina sa sarili ang bawat isa ay maiiwasan ang mga toxic na komento
at depresiyon? Uulitin ko ang sinabi ko kanina, kung gusto ay napakaraming paraan at kung ayaw ay
maraming dahilan.

You might also like