You are on page 1of 8

Magandang araw aking kapwa Pilipino.

Ako po ay si Danica
Amorganda at ako ay magbibigay linaw sa kung ano ba ang
mga karapatan at tungkulin natin bilang isang mamamayang
Pilipino.

Tayo ay may siksik na kasaysayan na nagpapakita kung


gaano pinaglaban ng ating mga kababayan ang ating mga
karapatan at tungkulin sa bansa. Ngunit, ano ba ang
konsepto ng karapatan at tungkulin?
Ang karapatan ay pagkakaroon ng pribelihiyo o kapangyarihan ng isang
mamamayan na magawa o maipagkaloob sa kanya ang mga bagay na
dapat niyang matamasa o makuha. Ang tungkulin naman ay ang mga
bagay na dapat o inaasahan nating gawin o maisakatuparan sa ating
bansa o kapwa. Dito natin makikita ang koneksyon ng dalawang bagay
na ito. Sa bawat karapatan na binigay sa atin, mayroon tayong tungkulin
na kailangan gawin upang maiwasan ang pag-abuso sa mga karapatan
na ito.
Ano ano nga ba ang ilan sa mga mahahalagang karapatan natin bilang
Pilipino? Una, mayroon tayong karapatan na mabuhay at magkaroon ng
pangangalaga nito. Bawat isa sa atin ay inaasahang magiging malaya na
mamumuhay sa ating bansa. Walang sinuman ang maaaring pumutay
ng kanyang kapwa. Pangalawa, mayroon tayong karapatan na
magkaroon ng edukasyon. Sa Pilipinas, inaasahan na ang bawat bata ay
pumapasok sa paaralan, maging ito man ay pribado o pampubliko.
• Itong karapatan na ito ang magbibigay daan upang ang bawat Pilipino
ay may taglay na galing at kaaalaman sa iba’t ibang larangan.

• Mayroon din tayong karapatan sa malayang pananalita o


pamamahayag. May karapatan tayong ihayag ang ating mga naiisip, at
mga ideya sa tamang paraan at lugar.

• Tayo rin ay may karapatan na magkaroon ng malayang


pananampalataya. Ang bawat Pilipino ay maaaring makapamili ng
kaniyang nais na relihiyon at may kalayaan tayo na ipakita at
ipamahagi ito sa iba.
• Sa pamamagitan ng karapatan na ito, ang Pilipinas ay may iba’t ibang
relihiyon tulad ng Kristiyanismo, Katoliko o Islam. Walang sinuman ang
maaaring makialam o magdikta sa nais mong relihiyon.
• Dumako naman tayo sa ating mga tungkulin. Isa sa mga ito ay ang
pagiging kapakipakinabang na mamamayan. Tayo ay may tungkulin na
maging maayos na mamamayan na mayroong adhikain na
makatulong sa ating bansa. Isa rin sa mga tungkulin natin ay ang
pagsunod sa mga batas na ipinapatupad ng ating pamahalaan.
• Ito man ay maging local na batas o batas nasyonal, tayo ay
kinakailangan maging masunurin na tao.

• Tungkulin rin natin na tumulong at makiisa sa ating gobyerno sa


kanilang mga programa. Tungkulin natin na tumulong upang maging
matagumpay ang mga programa na pinpapatupad o sinasagawa ng
pamahalaan.
• Isa pang tungkulin natin ay ang pagiging responsableng mamamayan
sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga pampublikong lugar o
kagamitang pambayan. Hindi natin maaaring sirain at gawing pansarili
ang mga ito. Ating pangalagaan ito para sa ibang Pilipino.
• Panghuli, tungkulin rin natin na magparehistro at bumoto sa araw ng
eleksyon. Ito ay isa nating responsibilidad sa bansa dahil sa
pamamagitan nito, tayo ay maglalagay ng mga tamang lider at
mamumuno sa ating bansa.
Itong mga karapatan at tungkulin na ito ay maaaring humaba pa ang
listahan. Kaya kailangan natin bigyang pansin ang mga ito para sa ating
kapwa. Mga kaibigan, gaano ka man kabata o katanda, mayaman ka
man o hindi, kailangan nating pahalagahan ang ating karapatan at
tungkulin upang maipagpatuloy natin ang pagunlad ng ating bansa.
Maraming Salamat sa panahon at pagkakataon na ito upang mahikayat
ko kayong maging mabuting Pilipino!

You might also like