You are on page 1of 10

Mga Tungkulin o Pananagutan

ng Mamamayang Pilipino
Bilang isang mamamayang Pilipino, may mga tungkulin at
pananagutan ka sa iyong bansa. Inaasahan ka ng estado, ng
pamahalaan at ng buong pamayanang Pilipino na tumupad sa
mga itinatakda ng batas na dapat mong gawin upang ipamalas
ang iyong pagiging isang tunay at tapat na mamamayan ng
Pilipinas.
Mga halimbawa ng mga tungkulin o
Pananagutan ng mga Pilipino
• Pagbayad ng buwis
Ang buwis ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino sa may hanap-
buhay at ari-arian sa bansa. Ang buwis ay perang panggugol ng pamahalaan
para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamya.
• Pagtulong sa mga nangangailangan
Tungkulin ng bawat mamamayan ang na tumulong sa kapwa na
nangangailangan ng tulong sa abot ng kanyang makakaya.
• Paggalang sa Karapatan ng iba
Hindi dapat abusuhin ang ating sariling karapatan at kalayaan. Igalang din
ang karapatan at kalayaan ng ibang tao.
• Maayos na paggamit ng kagamitang pampubliko
tayo ay may tungkulin pangalagaan at gamitin ng maayos ang mga gamit
pampubliko tulad ng parke o liwasan at paaralan at iba pa upang may magamit
pa ang mga mamamayan sa hinaharap
Matapat na paglilingkod ng mga manggagawang
pampubliko at pampribado.
• Ang tungkuling ito ay maipakita sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pagpasok sa takdang oras
2. Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa paggawa
3. Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabubuting gawain
• Makatarungang paggamit ng karapatan
Ang paghahanap-buhay na nakakapinsala sa iba ay dapat ilipat sa pook na
walang mapipinsala o itigil kung kinakailangan. Hindi natin pwedeng tirhan o
ariin ang pag-aari ng iba ng walang pahintulot ang may-ari o pamahalaan. Hindi
natin puwedeng pilitin ang iba na sumanib sa isang relihiyon. Ito ay kalayaan
niya ayon sa kanyang paniniwala.
• Pangangalaga sa kalikasan
May tungkulin ang isang tao na pangalagaan ang kalikasan dahil ito ay
pinagkukunan ng kabuhayan ng marami.
Halimbawa:
Ang pagtatanim ng puno at pangangalaga sa iba pang likas na yaman ay
pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran, isa sa mga tungkulin ng
mamamayan.
• Paggalang sa Bata
Tungkulin nating igalang ang batas at ang mga may kapangyarihan . Kung
wala ang mga alagad ng batas, maaaring mawala ang kapanatagan ng
kapayapaan ng pamayanan. Tungkulin din nating ipagbigay-alam sa kinauukulan
ang mga pulis at iba pang lingkod-bayan na naliligaw ng landas.
• Pagpapaunlad sa Sarili
Tungkulin nating mapaunlad ang ating sariling upang maging kapaki-
pakinabang sa bansa. Dapat tayong maging yaman ng bansa kaya’t kailangang
mag-aral ng mabuti kumain ng sapat, at magpahinga sa takdang oras. Ibahagi
natin sa iba ang ating mga kaalaman, kasanayan, at talino.
THANK YOU!

You might also like