You are on page 1of 2

FOURTH QUARTER LECTURE 2

Uri ng Pakikilahok batay sa Makabagong Pananaw ng Pagkamamamayan:


1. Personally Responsible ⮚ tumatalima sa kanyang mga responsibilidad
sa komunidad na kinabibilangan. Ilan sa kanyang karaniwang ginagawa: a.
responsable at maingat sa kanyang mga ginagawa at ikinikilos b. may
trabaho at nagbabayad ng buwis c. sumusunod sa mga batas d. boluntaryong
nagsisilbi o tumutulong sa panahon ng krisis at kalamidad
2. Participatory⮚ isang mabuting mamamayan na aktibong nagpaplano at
nag-iisip ng mga gawaing pansibiko at panlipunan na makabubuti sa iba
pang mamamayan.
Mga katangiang taglay ng isang participatory citizen:
a. aktibong miyembro ng mga organisasyong pansibiko o nakikilahok sa mga
gawain para sa pagpapabuti ng komunidad
b. namumuno o nag-oorganisa ng mga gawain na naglalayong makatulong sa
mga nangangailangan, nagsusulong ng pag-unlad ng pamumuhay, o kaya ay
pangangalaga sa kalikasan
c. alam ang mga ahensiya ng pamahalaan at tungkulin ng mga ito d. alam
ang mga estratehiya upang makahikayat ng iba pang mamamayan upang
makiisa sa mga gawain ng komunidad
3. Justice-Oriented Citizen ⮚ hindi gaanong binibigyang-pansin sa
konsepto ng pagkamamamayan ⮚ sila ang mga uri ng mamamayan na malalim
ang pagsusuri sa mga sanhi ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
Ginagawa nila ang mga sumusunod:
a. sinusuri at binibigyang-aksyon ang mga isyu at gawaing hindi
makatarungan para sa mga mamamayan
b. kritikal na sinusuri ang mga institusyong panlipunan, pampolitika,
at pang-ekonomiya upang matukoy ang pinaka-ugat ng mga isyu at hamon
na kinakaharap ng mga mamamayanMga Katangiang Taglay ng Isang Aktibong
Mamamayan na Nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibika
1. Nauunawaan nila ang kanilang karapatan at hindi nahihiya na
ipahayag o ipaglaban ang mga ito
2. Ang mga taong ito ay sumusunod sa mga batas at patakaran dahil
batid nila ang mga ito.
3. Pinapahalagahan ng mga aktibong mamamayan ang pagkapantay-pantay,
dignidad, at kalayaan.
ANG PAPEL NG KABATAAN SA PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING PANSIBIKO
KARAPATAN NG KABATAAN
1. Magkaroon ng magandang kalidad ng edukasyon
2. Makapagtrabaho at mapangalagaan ang sariling kapakanan
3.Makatanggap ng serbisyong pangkalusugan
4. Makasali sa pagbuo ng batas na sumasaklaw sa kabataan
5.Maging ligtas sa lahat ng uri ng pang-aabuso at pananampalataya
Maging ligtas sa lahat ng uri ng diskriminasyon
6.Malaman at makatanggap ng mga pangunahing serbisyo
7.Manirahan sa isang tahimik at maayos na kapaligiran
8. Magkaroon ng pribadong buhay at kalayaan sa pagpili
TUNGKULIN NG KABATAAN
1.Tuparin ang mga tungkulin sa lipunan gaya ng pagiging mag-aaral, at
iba pa
2. Kumakatawan sa pagbuo ng mga batas
3.Makilahok sa mga gawaing tutulong sa pagunlad ng pamayanan at
pangangalaga ng kapaligiran
4.Panatilihin ang pagiging malusog
5.6.Sumunod at igalang ang mga batas
7.Magpanatili ng katahimikan at kaayusan
8.Magpanatili ng maayos na pamumuhay Linangin at gamitin nang wasto
ang talento at kakayahan
9. Magkaroon ng disiplina sa sarili
12 LITTLE THINGS OUR YOUTH Can Do TO HELP OUR COUNTRY Ni Alexander L.
Lacson
1. Be on time. Honor your commitments
2. Fall in line. Respect others and follow the law
3. Sing our National Anthem with pride and honor.
4. Study well. Give your best in everything you do.
5. Be Honest. Say NO to cheating, lying, stealing. Report any crime or
any illegal act.
6. Conserve water. Plant a tree. Throw your trash properly.
7. Speak positively of the Filipino and our country.
8. Buy Pinoy. Do not buy fake or smuggled goods.
9. Save. Plan ahead. Learn business early.
10. During elections, choose and support candidates who stand for what
is right and good.
11. Respect your elders. Practice “mano po”. Say “po” and “opo”
12.Pray for our country and our people.
“No man is an island” Kasabihan na lagi nating
naririnig sa bibig ng bawat isa. Kailangan natin ang bawat
isa sa pagkamit ng ating pangarap. Bawat pagtupad natin sa
tungkulin natin bilang isang aktibong mamamayan ay malaki
ang naiaambag natin sa pagbabago ng ating bansa para sa
kaunlaran na ating minimithi. Hindi kinakailangang hintayin
ang iba na makita mo na sila din ay may ginagawa. Tayo
mismo sa ating mga sarili dapat may pagkukusa. Dahil ang
pagbabago sa ating lipunan ay nagmumula mismo sa atin.
Maging kabataang may pakialam, ginagawa ang kanyang
tungkulin ng hindi naghihintay ng utos at walang hinihintay
na pabuyang kapalit sa bawat ginawang kapakinakinabang sa
ating bansa. Maging isang aktibong mamamayang nakikilahok
sa ating bansa.

You might also like