You are on page 1of 7

Roman Catholic Diocese of Urdaneta

Diocesan Schools of Urdaneta


Urdaneta City

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4


(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL1)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ______________


Seksiyon: _____________________________________
Paksa: Mga Kagalingang Pansibiko

Layunin:
 Matukoy ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga mamamayan sa mga programa at
pamahalaan
 Mabigyang halaga ang kontribusyon ng mga mamamayan sa pag-unlad ng bansa
 Maisa-isa ang mga gawaing pansibiko na dapat lahukan ng mga mamamayan

Pangkalahatang-ideya
Sa araling ito matatalakay ang mga pansibiko at kung paano nakikibahagi ang mga
mamamayan sa mga gawaing pansibiko ng pamahalaan.

Pagtatalakay
Ang mga mamamayan, bilang pinakamahalagang sangkap o element ng isang estado, ay
may responsibilidad na makibahagi sa mga gawaing tungo sa pagsusulong at pagpapaunlad ng
bansa.
Malaki ang magagawa kung sama-sama at nagtutulungan ang mga mamamayan.
Magiging madali para sa pamahalaan na pangasiwaan ang mahal nating bayan kung nakikiisa
ang mga tao.
Pakikibahagi sa Mga Gawain sa Pamahalaan
Ang mga mamamayan ay mas nagiging aktibo kapag sila ay nasasangkot sa iba’t ibang
gawain sa pamayanan.
Maraming programa na maaari nilang salihan gaya ng pakikiisa sa kampanya laban sa
masasamang gawain na karaniwang kinasasangkutan ng mga kabataan tulad ng pagkagumon sa
bawal na gamot, pagnanakaw, at pakikipag-away. Ang ibang samahan ay nalulunsad ng mga liga
o palaro nang sa gayon ay mailayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo.
May mga seminar at pagsasanay na pwedeng lahukan ng mga kababaihan kung saan sila
ay matuturuan ng iba’t ibang kasanayan na maaari nilang pagkakitaan.

Pakikiisa sa Pangangalaga at Pagbabantay sa Kalikasan


Ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. Dito
nagmumula ang kabuhayan ng mga mamamayan. Dahil dito, nararapat lamang na ito ay
mapangalagaan upang hindi ito tuluyang masira.
Kung ang bawat pamilya ay makikiisa sa kampanya ng pagtitipid, mas marami ang
mababahagian nito at malilimitahan natin ang paggamit sa mga likas na yaman na pinagkukunan
ng mga ito. Malaking tulong din ang sama-samang pagbabantay sa ating kalikasan upang mas
mapangalagaan ito. Agad nating ipagbibigay alam sa mga kinauukulan ang anumang ilegal na
gawain na maaaring makasira sa ating mga likas na yaman.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Pagbabahagi ng Kakayahan at Talino
Ang mga Pilipino ay likas na magaling sa iba’t ibang larangan. Marami sa atin ang
mahuhusay sa sining ng pagsasayaw at pag-awit. Mayroon magaling magsulat at tumula. Ang
iba naman ay mahusay sa iba’t ibang uri ng laro at palakasan.

Pakikilahok sa Mga Pagdiriwang at Kapistahan


Ang bawat lugar sa mga bayan at lalawigan ng bansa ay may mga pagdiriwang sa iba’t
ibang pamaraan. Karamihan sa mga ito ay makukulay at kakaiba. Ang mga pista sa Pilipinas ay
nahihikayat ng mga dayuhang turista. Sa pamamagitan ng kapistahan, napapasigla nito ang
turismo sa bansa at nadaragdagan ang kita ng ating bansa.

Gawain 1 Sagutin ang “Gawin Natin” titik A-B. Isulat sa ibaba ang sagot.

Titik A
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Titik B
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Sanggunian:
Tenorio Rosario L. et.al.,2017 “The Inteligente” Lower Ground Unit LG 10 Tower D Victoria Towers
Mother Ignacia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City. Pahina 276-283

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4


(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL2)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor:_____________


Seksiyon: _____________________________________
Paksa: Karapatan ng Mamamayang Pilipino

Layunin:
 Matutukoy ang mga Karapatan ng mamamayang Pilipino
 Matatalakay ang konsepto ng Karapatan
 Mapahalagahan ang Karapatan ng mga mamamayan

Pangkalahatang-ideya
Sa araling ito malalaman ang mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino.
Matatalakay rin ang uri ng karapatan at konstitusyunal.

Pagtatalakay
Ang bawat isa sa atin ay may karapatan. Ang mga karapatang ito ay dapat nating matamo
upang makapamuhay tayo nang may kalayaan at katiwasayan.

Mga Uri ng Karapatan


1. Likas na mga Karapatan (Natural Rights)
Ito ang mga karapatan na tinataglay ng tao kahit hindi nakasaad sa konstitusyon. Ilang
halimbawa nito ay ang karapatang mabuhay, karapatang maging maligaya, at Karapatan
magmahal.

2. Karapatang Konstitusyunal (Constitutional Rights)


Ito ang mga karapatang nakasaad at pinangangalagaan ng ating konstitusyon. Maari itong
alisin, baguhin, o dagdagan sa pamamagitan ng mga sa ating konstitusyon

3. Karapatang Kaloob ng Batas (Statutory Rights)


Ito ay ang mga karapatang itinatakda ng pamahalaan sa mga mamamyan at ipinapatupad
bilang mga batas. Ilang halimbawa nito ang karapatang makatanggap ng pasahod, karapatang
magkaroon ng ari-arian at karapatang makapag-aral nang libre sa paaralang pambubliko.

Mga Karapatang Konstitusyunal


1. Mga Karapatang Politikal
Ang mga mamamayang Pilipino na nasa tamang gulang ay may karapatang lumahok o
mamalakad sa pamahalaan.
2. Mga Karapatang Sibil.
Ang mga mamamayan ay may karapatang lumigaya at mabuhay nang maayos at
matiwasay. Pinangangalagaan ng batas ang karapatan nating magkaroon ng mga ari-arian,
kalayaang maglakbay at pumili ng relihiyon.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


3. Mga karapatang Panlipunan
Ang karapatang ito ay nakaugnay sa magandang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa.
Kabilang sa karapatang ito ang bumuo at sumapi sa mga samahang panlunan, karapatang
makipagkasundo at karapatang mag-asawa.

4. Mga Karapatang Pangkabuhayan


Ang mga mammayang Pilipino ay may karapatang magkaroon ng hanapbuhay o
pagkakakitaan,

5. Mga Karapatan ng Akusado o Nasasakdal.


Pinangangalagaan nito ang karapatan ng mga taong nagkasala at nasasakdal.

Gawain 1: Sagutin ang “Gawin Natin” Titik A-B isulat sa ibaba ang sagot.
Titik A.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Titik B.
1.
2.
3.
4.
5.

Sanggunian:
Tenorio Rosario L. et.al.,2017 “The Inteligente” Lower Ground Unit LG 10 Tower D Victoria Towers
Mother Ignacia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City. Pahina 287-298

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4


(IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 3)

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ____________


Seksiyon: _____________________________________

Paksa: Mga Tungkulin at Pananagutan ng Mamamayang Pilipino


Layunin:
 Matutukoy ang mga tungkuling kaakibat ng bawat Karapatan
 Matatalakay ang konsepto ng tungkulin
 Masusuri ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin ng mga mamamayan

Pangkalahatang-ideya
Sa araling ito, matatalakay kung paano nais isa katuparan ng pamahalaan ang mga
tungkulin at gampanin nito sa tulong ng mga maliliit na yunit ng pamahalaan.

Pagtatalakay
Ang tungkulin ay ang mga gawain na kailangang gampanan bilang mabuting kasapi ng
pamilya, ng pamayanan, at ng bansa.
Mga tungkulin ng Bawat Mamamayang Pilipino
Ayon sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987, ang sumusunod ang mga tungkulin ng
isang mamamayang Pilipino.
1. Tungkuling maging matapat sa Republika ng Pilipinas
Karapatan mong maging mamamayang Pilipino. Kung ang isa o pareho sa iyong mga
magulang ay Pilipino, ikaw ay Pilipino saang bansa ka man ipinanganak. Bilang isang
mamamayan ng bansa, ikaw ay binibigyan ng proteksiyon at serbisyo ng ating pamahalaan.

2. Tungkuling igalang ang bandila ng Pilipino


Ang bandila ay sagisag ng ating bansa. Ito ay dapat igalang. Ang pagbibigay galang dito
ay nagpapakita ng pagkilala at pagmamahal sa ating bansa. Maaari nating ipakita ang paggalang
sa ating bandila sa pamamagitan ng pagtayo nang tuwid at wastong pag-awit ng ating
pambansang awit, ang “Lupang Hinirang”

3. Tungkuling magbayad ng buwis


Bawat mamamayan ay tumatanggap ng mga tulong at serbisyo mula sa pamahalaan.
Dahil dito, kailangang suportahan ng bawat isa ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad
ng buwis.

4. Tungkuling itaguyod ang kagalingan at kaunlaran ng bansa


Ang Pilipinas ang ating bansa. Ito ang nangangalaga at tumutugon sa ating mga
karapatan. Dahil dito, tungkulin nating makiisa sa pamahalaan at itaguyod ang mga gawain,
programa, at proyekto ng pamahalaan na makabubuti sa ating bansa.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


5. Tungkuling ipagtanggol ang bansa
Ang ating bansa ay katulad ng ating mga ina o nanay dahil ito ang kumukupkop sa atin at
nagbibigay ng proteksiyon at mga pangangailangan natin. May mga paraan na magagawa ang
mga mamamayan upang ipagtanggol ang bansa. Ilang halimbawa nito ang tulad ng ginawa ng
ating mga bayani laban sa mga mananakop sa dayuhan o pagtatanggol ng mga pulis at sundalo
laban sa pagrerebelde ng ilang grupo at panggulo ng mga terorista.

6. Tungkuling ipagtanggol at sundin ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
Ang ating Saligang Batas ang batayan ng lahat ng mga batas, ordinansa, direktibo,
kautusan, o tuntunin ng ating pamahalaan. Ito ay naglalaman ng mga prinsipyo tungkol sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng kalipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) ng mga
mamamayan.

7. Tungkuling pangalagaan at igalang ang buhay ng bawat tao


Karapatan ng bawat tao sa mundo ang mabuhay. Ang sinumang nananakit sa iyo at sa
ibang tao ay lumalabag sa karapatang ito. Katumbas ng karapatang mabuhay ang tungkuling
pangalagaan at igalang ang buhay ng bawat tao.

8. Tungkuling paunlarin ang pamumuhay


Karapatan nating maging malaya sa kahirapan at magkaroon ng maunlad na pamumuhay.
Ang ating pamumuhay ay nakasalalay sa pag-unlad ng ating mga likas na yaman na
pinagkukunan ng mga produkto at kalakal ng ating bansa.

9.Tungkuling gamitin ang mga karapatan nang may kalakip na pananagutan at may
marapat na paggalang sa mga karapatan ng iba.
Ang bawat mamamayan ay may layang gamitin ang maraming karapatang kanyang
tinatamasa. Ngunit, kailangan din tiyakin na hindi tayo makapipinsala sa ating kapuwa habang
tinatamasa ang mga Karapatan.
Karapatan natin ang maging malaya. Katumbas ng karapatang ito ang tungkuling igalang
ang karapatan ng iba na hindi maging malaya. Malaya nating magagawa ang nais nating gawin
kung hindi ito labag sa anumang batas. Isang paglabag sa ating tungkulin ang paggamit ng ating
karapatan na nakakasakit o nakasisira sa iba.

10. Tungkuling pangalagaan at igalang ang mga ari-arian ng iba.


Karapatan nating magkaroon ng sariling kagamitin at iba pang-ari-arian tulad ng bahay,
lupa, at mga kasangkapan. Ngunit dapat natin itong makamit sa pamamagitan ng mabuti at legal
na paraan.

11. Tungkuling makapag-aral at linangin ang kakayahan


Karapatan ng bawat mamamayan ang makapag-aral. Itinadhana ng batas ang libreng pag-
aaral ng bawat Pilipino sa elementarya at sekundarya.

12. Tungkuling pangalagaan ang mga pook pasyalan


May mga pook pasyalan at parke na inilaan ng ating pamahalaan upang matamasa natin
ang ating karapatang makapaglibang. Katumbas ng karapatang ito ang ating tungkulin na
pangalagaan ang mga pook pasyalan at parke.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta


13. Tungkuling gumawa ng kapaki-pakinabang na gawain
Karapatan natin ang mabigyan ng mga serbisyo mula sa pamahalaan. Ngunit, hindi natin
dapat iasa lamang sa estado ang paggawa ng paraan upang maging kapaki-pakinabang ang ating
lipunan. Tungkulin din nating magsikap at gumawa ng mga paraan na maging kapaki-
pakinabang hindi lamang sa ating sarili, kundi para sa ating lipunan at bansa.

14. Tungkuling igalang ang relihyon at paniniwala ng iba


Karapatan natin ang makapili ng relihiyon at ng gusto nating paniwalaan. Iginagalang
ang karapatang ito lalo na ng pamahalaan. Dapat din itong igalang ng lahat ng tao.

15. Tungkulin maging malinis at ligtas ang bansa


Hangga’t hindi tayo nakapeperwisyo ng ating kapuwa, Karapatan nating makapaglakbay
at mamalagi saan mang lugar sa ating bansa.

16. Tungkuling Bumoto


Kung tayo ay may sapat ng gulang na 18 taon pataas, karapatan nating bumoto ng mga
mamumuno sa ating pamahalaan. Dahil dito, tungkulin nating iboto ang mahusay at matapat na
pinuno. Kailangan natin itong gawin dahil ang ating pamahalaan ay may malaking impluwensiya
sa pag-unlad ng ating pamumuhay at ng bansa.

Gawain 1 Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na tumutukoy sa iyong mga tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
_____1. Linangin ang kakayahan.
_____2. Basahin ang sulat ng iba.
_____3. Pumasok sa paaralan.
_____4. Pangalagaan ang mga gamit sa parke.
_____5. Sumali sa mga protesta at demonstrasyon.
_____6. Magdaos ng mapayapang pagtitipon.
_____7. Magpunta sa mga lugar na nais marating
_____8. Pumasok sa simbahan ng piniling relihiyon.
_____9. Isumbong sa may kapangyarihan ang masamang gawain ng iba.
_____10. Sabihin ang kahit ano tungkol sa ibang tao.

Gawain 2 Ipaliwanag ang isyung sagot sa bawat tanong. (5 puntos bawat isa)
1. Bakit mahalagang tuparin ang ating mga tungkulin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano natin mapapangalagaan ang mga karapatan ng ating kapuwa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. May kaugnayan ba ang pagtupad natin sa ating tungkulin sa pag-unlad ng ating pamumuhay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sanggunian:
Tenorio Rosario L. et.al.,2017 “The Inteligente” Lower Ground Unit LG 10 Tower D Victoria Towers
Mother Ignacia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City. Pahina 287-295

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

You might also like