You are on page 1of 19

Aralin 4:Mga

Tungkulin ng
Mamamayang Pilipino
Inihanda ni: Bb. Niña Alyanna Marte
Paggalang sa Watawat
ng Bansa
• Ang pambansang watawat
ang kumakatawan sa
Pilipinas at sa mga tao o
mamamayan nito.
• Ito ang sumasagisag sa ating
pagiging Malaya.
• Tungkulin ng bawat Pilipino na
igalang ito.
• Kaya naman sa tuwing itinaas sa
tagdan kasabay ng pag-awit ng
“Lupang Hinirang” ay nabibigay-
pugay tayo rito sa pamamagitan ng
paghinto, pagtayo nang tuwid, at
pag-awit nang maayos sa
pambansang awit.
Paggalang sa
Karapatan ng Kapwa
• Isa sa pinakamahalagang
tungkulin ng bawat Pilipino ay
ang igalang ang karapatan ng
kanyang kapwa.
• Tayo ay pantay-pantay sa
paningin ng Diyos at maging sa
harap ng batas.
• Kung ang bawat isa ay
matututong igalang ang
kanyang kapwa, tiyak ng ang
kapayapaan at kaayusan ng
bansa ay matatamasa.
Pagiging Kapaki-pakinabang na Mamamayan
• Ang bawat isa ay may tungkuling
maaaring gampanan sa pamayanang
ating kinabibilangan.

• Ang mabuting edukasyon o sapat na


pagsasanay ay kailangan upang maging
kapaki-pakinabang ang isang tao.
• Sa ngayon, ang mga batang
katulad mo ay maaaring maging
kapaki-pakinabang kung kayo ay
tutulong sa inyong magulang sa
paggawa ng mga gawaing-bahay
na maaari na ninyong gampanan.
Paggamit nang Maayos ng
mga Pampublikong Lugar
o Kagamitang Pambayan
• Mahalagang laging isipin ang
kapakanan ng lahat ng taong
gumagamit ng mga
pampublikong lugar at hindi
lamang ang sarili.
• Ang pagpapahalaga at paggalang
sa mga pampublikong lugar o
mga kagamitang pambayan ay
makatutulong nang malaki upang
magamit ang mga ito nang
matagal at mapakinabangan ng
marami.
Pagsunod sa mga Batas ng
Pamahalaan at Pakikiisa sa
mga Programa nito
• Tungkulin ng mga mamamayang
sumunod nang maluwag sa loob
sa lahat ng mga alituntunin ng
pamahalaan at gayundin
tumulong o makiisa nang kusa sa
mga proyekto at programa nito
upang maging maayos ang ating
lipunan.
Kung ang mga ito ay magagawa,
makikinabang ang bawat isa.
• Pagiging tapat sa Republika
• Pagtatanggol sa bansa
• Pagtulong sa kaunlaran at kagalingan ng
bansa
• Pagtatanggol sa Konstitusyon at paggalang sa
batas ng ating Republika
• Pagpapatala at pagboto sa araw ng eleksiyon
Kung ang Kalayaan at
karapatan ay maayos na
natatamasa ng bawat
mamamayan, ito ay
makatutulong nang malaki
upang makamit ng bansa
ang inaasam-asam na
kaunlaran.
Ang bawat mamamayang produktibo na
nakababatid ng kanyang mga karapatan at
tungkulin ang siyang magsisilbing yaman
ng bansang maghahatid tungo sa mabilis
na pagsulong.

You might also like