You are on page 1of 1

PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN

1. Ako’y isang lingkod bayan


2. Katungkulan ko ang maglingkod nang buong katapatan at kahusayan at makatulong sa katatagan
at kaunlaran ng aking bayan.
3. Sisikapin kong patuloy na maragdagan ang aking kaalaman
4. Magiging bahagi ako ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan
5. Susunod at tutulong ako sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin nang walang
kinikilingan
6. Isasaalang- alang ko ang interes ng nakararami bago ang pansarili kong kapakanan
7. Isusulong ko ang mga programang mag-aangat sa antas ng kabuhayan ng mamamayan
8. Aktibo akong makikibahagi sa mga dakilang layunin sa lipunan
9. Hindi ako magiging bahagi at isisiwalat ko ang anumang katiwalian na makaabot sa aking
kaalaman
10. Gagawin kong kapaki- pakinabang ang bawat sandali
11. Sa lahat ng panahon, sisikapin kong makatugon sa mga hamon sa lingkod bayan
12. Ang lahat ng ito para sa ating Dakilang Lumikha at sa ating bayan
13. Kasihan nawa ako ng Maykapal

You might also like