You are on page 1of 7

PANUNUMPA NG WATAWAT SA PILIPINAS

Ako ay Pilipino /
buong katapatang nanunumpa /
sa watawat ng Pilipinas /
at sa bansang kanyang sinasagisag /
na may dangal,

katarungan, at kalayaan /
na pinakikilos ng sambayanang maka-Diyos, /
maka-tao,
maka-kalikasan, /
at maka-bansa
PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN
Ako’y isang lingkod bayan. /
Katungkulan ko ang maglingkod /
nang buong katapatan at kahusayan/
at makatulong sa katatagan /
at kaunlaran ng aking bayan

Sisikapin kong patuloy na maragdagan /


ang aking kaalaman. /
Magiging bahagi ako /
ng kaayusan at kapayapaan sa
pamahalaan.

Susunod at tutulong ako /


sa pagpapatupad ng mga umiiral
na batas at alituntunin /
nang walang kinikilingan

Isasaalang-alang ko /
ang interes ng nakararami /
bago ang pansarili kong kapakanan.
Isusulong ko /
ang mga programang mag-aangat/
sa antas ng kabuhayan ng
mamamayan

Aktibo akong makikibahagi /


sa mga dakilang layunin sa lipunan.
Hindi ako magiging bahagi /
at isisiwalat ko /
ang anumang katiwalian /
na makaaabot sa aking kaalaman

Gagawin kong kapaki-


pakinabang ang bawat sandali. /
Sa lahat ng panahon, /
sisikapin kong makatugon /
sa mga hamon sa lingkod bayan

Ang lahat ng ito /


para sa ating Dakilang Lumikha /
at sa ating bayan. /
Kasihan nawa ako ng Maykapal
DICT CORE VALUES
• Dignity
• Integrity
• Compassion and Competence
• Transparency
DICT QUALITY POLICY
The Department of Information and Communications Technology (DICT)
commits to lead in pushing the National ICT Development agenda in
transitioning the Philippines toward a world-class digital economy.
The DICT shall endeavor to support the achievement of national development
goals through innovation and provision of quality and secure information and
communications technology (ICT) products and services compliant with
pertinent regulatory and statutory requirements and international standards.
The DICT shall adhere to the continual improvement of its Quality Management
System by maintaining highly competent and committed public servants and
by delivering quality services that exceed the expectations of its stakeholders.

Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno


Ako'y kawani ng gobyerno, / tungkulin ko ang maglingkod / nang tapat at
mahusay./ Dahil dito, / ako'y papasok nang maaga / at magtatrabaho ng
lampas sa takdang oras / kung kinakailangan.
Magsisilbi ako nang magalang at mabilis / sa lahat ng nangangailangan./
Pangangalagaan ko ang mga gamit, / kasangkapan / at iba pang pag-aari ng
pamahalaan./

Pantay at makatarungan / ang pakikitungo ko sa mga lumalapit / sa aming


tanggapan./ Magsasalita ako / laban sa katiwalian at pagsasamantala./Hindi
ko gagamitin / ang aking panunungkulan / sa sarili kong kapakanan./

Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol, / sisikapin kong madagdagan / ang


aking talino at kakayahan / upang ang antas ng paglilingkod sa bayan / ay
patuloy na maitaas./

Sapagkat ako'y isang kawani ng gobyerno / at tungkulin ko ang maglingkod /


nang tapat at mahusay, / sa bayan ko at sa panahong ito, / ako at ang aking
mga kapwa kawani / ay kailangan tungo sa isang maunlad, / masagana / at
mapayapang Pilipinas./
Sa harap ninyong lahat / ako'y taos pusong nanunumpa.

You might also like