You are on page 1of 1

Panunumpa ng Lingkod Bayan

sa Bagong Milenyo

Ako’y Lingkod ng Bayan

Ang paglilingkod sa mamamayan ay aking katungkulan.

Bilang pagtupad, aking isasa-isip


na ang kapakanan ng buong bansa
ay nakasalalay sa taos-puso,
tapat at mahusay na pagtupad sa tungkulin
ng mga kapwa kong naglilingkod sa pamahalaan.

Tutuparin ko ng higit na husay at katapatan


ang tungkuling naka-atang sa akin.

Hindi ko gagamitin ang aking posisyon


upang magsamantala
o pagbigyan ang pansariling interes,

Ako’y magsisiwalat nang anumang kasamaan


o katiwalian na aabot sa aking kaalaman.

Magsisilbi ako anumang oras kung kinakailangan


at ituturing kong gintong butil ang bawat sandali
na gagawing kapaki-pakinabang at hindi sasayangin.

Ako ay tutulong na mapalaganap ang kaayusan


at kapayapaan sa ating pamahalaan
at magiging halimbawa ako
ng isang mamamayang masunurin sa batas
at alituntunin na pina-iiral sa alinmang tanggapan.

Patuloy kong dadagdagan ang aking kaalaman


upang walang tigil na mapaunlad / ang uri ng serbisyo
na aking inihahandog sa mamamayan.

Sapagkat higit sa lahat


Mamamayan Muna, Hindi Mamaya Na.

Kasihan nawa ako ng Diyos

You might also like