You are on page 1of 2

PLEDGE

Ako ay isang Pilipino

Nangangako akong makikiisa sa

hangaring maitanim sa puso't isipan

ng bawat Pilipino ang

kultura ng disiplina

sa pamamagitan ng kampanyang

Disiplina Muna.

Pangungunahan ko ang pagpapakita

ng disiplina simula sa aking tahanan

hanggang sa anumang gawaing

aking kinabibilangan sa pamayanan

bilang aking ambag para sa bansa.

Bilang isang disiplinadong mamamayan,

taos-puso akong tatalima sa mga batas

at susuporta sa mga programa

ng pamahalaan tungo

sa mas maunlad na Pilipinas.

Makikiisa ako sa mga programa

sa paglilinis ng kapaligiran,

sa paghahanda sa kalamidad

sa road clearing operation,

anti-smoking, ease of doing business,

laban sa iligal na droga at korapsyon

at iba pang gawain na lalo pang

magpapabuti ng aking buhay


at ng pamumuhay

ng aking mga kapwa Pilipino.

Nauunawaan ko na sa pamamagitan

ng disiplina malaki ang

aking maiaambag tungo sa tunay

na pagbabago at kaunlaran ng bansa

na matagal ng inaasam ng bawat Pilipino.

Ito ay aking isasabuhay at paninindigan

sapagkat naniniwala akong

walang hindi magagawa

ang mga mamamayang nagkakaisa tungo

sa isang hangarin at namumuhay ng may

DISIPLINA.

You might also like