You are on page 1of 3

Paano ang PROSESO ng Pagdinig?

1. Notice Padadalhan ng PLEB ng kopya ng sumbong ang inirereklamo upang kaniya itong sagutin. 2. Sagot Ang sagot sa sumbong o reklamo ay dapat nakasulat at Notaryado kasabay ng mga dokumento para sa kanyang depensa. 3. Pre-hearing Conference paghaharapin ang magkabilang panig upang linawin at gawing simple ang usapin, magtakda ng petsa ng Hearing, at iba pa. 4. Pormal na pagdinig - paglalatag ng mga ebidensya ng magkabilang panig, Pag eksamin sa mga magkabilang panig at saksi. TANDAAN! Ang Pagdinig sa PLEB ay tinatawag ng SUMMARY PROCEEDINGS kaya iniiwasan dito ang mga taktika upang mapabagal ang proseso ng pagdinig Hindi Pinpayagan sa PLEB ang pagkakasundo o amicable settlement And desisyon ng PLEB ay ilalabas sa loob ng 60 araw matapos ang huling pagdinig Maaaring ilagay sa Preventive Suspension ang inirereklamo _______________oo0oo_________________

Ang Isang Pulis ba ay Pwedeng Magsampa ng Reklamo laban sa kapwa Pulis?


Oo, kung ang Pulis na nagrereklmo ay nagsasampa ng sumbong bilang isang sibilyan o pribadong mamamayan at hindi bilang isang Pulis. =====================================

PEOPLES LAW ENFORCEMENT BOARD

KATIWASAYAN AY KAMTIN, HUSTISYAY ATING PALAGANAPIN!

===================================== Para sa Dagdag na Kaalaman, Katanungan, at Mungkahi, Magsadya o sumulat sa PLEB sa:

PLEB Chairperson c/o PLEB Desk Office of the Mayor Quezon, Palawan _______________oo0oo_________________
Prepared for by : rvg/IDEAS

A Primer
For the People of Quezon, Palawan

Ano ang PLEB?


Ang PLEB o Peoples Law Enforcement Board ay isang grupo ng mga taong pinili at itinalaga ayon sa batas upang magdinig at magdesisyon kaugnay sa reklamong pormal na isinampa rito ng mamamayan laban sa mga kasapi ng Pulis. o0o

Ano/anu-anong uri ng reklamo ang maaaring isampa sa PLEB laban sa Pulis?

Ano/anu-ano ang maaaring parusa sa pagkakasala ng Pulis?


Pagsuspinde sa mga prebilihiyo Limitasyon sa lugar na maaaring puntahan Pagsuspinde sa trabaho Pagkatanggal sa sahod Pagbaba ng ranggo Pagkatanggal sa serbisyo o0o

Anong legal na Basehan sa pagbuo ng PLEB?


Ang section 43 ng Republic Act 6975 of 1990 (An Act Establishing the Philippine National Police under a Reorganized Department of the Interior and Local Government) ay nagtatakda ng proseso sa pagbuo ng PLEB. o0o

Sinu-sino ang bumubuo sa PLEB?

Ayon sa Sec 3 Par. (b) ng RA 6975, ang mga bubuo ng PLEB ay ang sumusunod: 1. Isang (1) Kinatawan ng Sangguniang Bayan o Lunsod; 2. Isa (1) sa mga Punong Barangay; at 3. Tatlo (3) mula sa komunidad na pipiliin ng Municipal Peace and Order Council. _______________oo0oo_________________

Neglect of Duty (Pagpapabaya sa tungkulin, halimbawa - hindi pag responde sa reklamo na idinulog sa kanya samantalang siya ay nasa kaniyang duty); Irregularity in the performance of duty (hindi tamang paggampan sa tungkulin, halimbawa - amoy alak habang nasa duty) Misconduct/Malfeasance (Pag aabuso o pagmamalabis, halimbawa -. pangongotong, paninirang puri) Incompetence (Kawalan o kakulangan ng kakayanang gampanan ang tungkulin ) Oppression (Paggamit ng Dahas o sobrang paggamit ng kapangyarihan, halimbawa - pambubogbog) Dishonesty (pagsisinungaling) Disloyalty to the Government (pagpapakita ng Kawalan ng Pananalig sa Pamahalaan, halimbawa nanawagan ng pagpapabagsak ng pamahalaan) Violation of Law (Paglabag sa Batas)

Paano Ang Pagsampa ng Reklamo?


Ang sinumang sibilyan na magsasampa ng reklamo laban sa pulis ay maaring Dumulog sa opisina o Maghain ng nakasulat na reklamo sa PLEB na nagsasaad: ng pangalan, ranggo, address at/o ostasyon ng inirereklamo; ng detalye ng pangyayari tulad ng lugar, petsa, at oras ng inirereklamong gawi ng kasapi ng pulis ng iba pang mahahalagang impormasyon hinggil sa pangyayari Tandaan: Dapat Nakasulat at Notaryado ang sumbong na isasampa sa PLEB. _______________oo0oo_________________

_______________oo0oo_________________

You might also like