Professional Documents
Culture Documents
(Para sa mga uri ng puwesto ng guwardiya gaya ng planta o ‘factory’, o anumang pasilidad
na nasa loob ng ‘compound’ o ‘complex’)
j. Narito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin bago palabasin ang
bisita:
Bago lumabas ang bisita ay pakiusapan na mag-‘out’ siya sa ‘visitors’
log sheet’.
Ibalik ang kaniyang ‘ID card’ at bawiin ang ka-‘partner’ ng ‘visitors’
access control tag’.
Hingin ang na-‘fill-out’ at napirmahan ng empleyado na ‘visit slip’.
Tawagan ang binisitang empleyado sa pamagitan ng ‘intercom’ o iba
pang ‘communication devices’ at ipaalam na aalis na ang kaniyang
bisita.
Siyasatin sa magalang na paraan ang kaniyang mga daladalahan.
Hindi dapat na mailabas ang anumang pag-aari ng kumpanya na
walang kaukulang ‘gate pass’ na pirmado ng Presidente o sinumang
pinayagang representante ng kumpaniya.
k. Narito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin bago palabasin ang
empleyado pati na ang kapuwa guwardiya o karilyebong guwardiya. Kung
polisiya ng may-ari ng kumpanya na isalang din sa mahigpit na ‘access control
measures’ ang mga ‘managers’ ng kumpanya ay gawin ito:
Bago lumabas ang empleyado kung wala pa sa itinakdang oras ng ‘HR
Department’ o ng kaniyang kinabibilangang departamento ay
kinakailangan na mayroon siyang kaukulang ‘gate pass’ na pirmado ng
kaniyang ‘Line Leader / Production Supervisor / Production Manager /
Department Manager’.
Siyasatin sa magalang na paraan ang kaniyang mga daladalahan sa
lahat ng bahagi nito at ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa.
Ang lalaking ‘Gate Guard’ ang dapat na kumapkap sa lalaking
empleyado at ang babaeng ‘Guard’ ang dapat na kumapkap sa babaeng
empleyado.
Hindi rin dapat na mailabas ang anumang pag-aari ng kumpanya na
walang kaukulang “gate pass”.
I-‘check’ din ang ‘compartment’ ng motorsiklo ng empleyado kung ito
ay naipa-‘park’ niya sa loob ng ‘compound’.
Isa-isang palabasin sa bahagyang nakabukas na ‘pedestrian gate’ ang
mga empleyado habang minamatyagan din ang mga nais na pumasok
sa ‘gate’. Huwag hahayaang naka-awang at iiwanan ang ‘gate’. Baka
may manamantala ng pagkakataon.