You are on page 1of 2

A. .

Ano ang mga dapat gawin at trabaho ng guwardiya upang


masigurado nila na mapangalagaan ang lahat ng bagay na nasa
kanilang nasasakupan?

1. Kilalaning mabuti ang lahat ng taong pumapasok sa kanyang


binabantayan. Humingi ng anumang bagay na magpapakilala sa
kanilang pagkatao tulad ng ID o anumang clearances na may litrato
nila.

2. Matapos na makilala ang taong papasok ,ang susunod na gagawin


ng
guwardiya ay kailangang tanungin niya kung ano ang dahilan ng
kanilang pagbisita at kung sino ang nais nilang makausap at kung
mapansin nila na hindi naman mahalaga ang kanilang pakay ay
huwag na niya itong pahintulutang pumasok sa loob. Kung sakali
namang importante ang kanilang pakay ay hindi dapat na papasukin
kaagad ang bisita dapat lamang na sabihan niya ito na maghintay
sandali at kailangang masabihan ng guwardiya ang taong kanyang
nais na makausap.

3. Ang sinomang papasukin ay kailangang mag iwan ng kanilang ID o


anumang bagay na pagkakakilanlan sa kanila.

4. Matapos na makapagbigay ng Id ng bisita ay bibigyan ng ” visitors”


ID at “pass” kapalit ng kanilang ID . Sa ganitong paraan , malalaman
ng guwardiya kung sino sino ang mga tao sa loob ng kanyang
nasasakupan .

5. Kailangang maitala ng guwardiya sa kanyang logbook o talaan ang


mga sumusunod.

a. Pangalan ng Bisita

b. Saan nakatira at saan konektadong kompanya.

c. Dahilan ng pagbisita.

d. Petsa at oras pumasok at lumabas.

6. Matapos ang pagtatala ang susunod naman ay pagsisiyasat.


Siguraduhin na matingnang mabuti kung ano ang dala ng bisita at
siguraduhin na walang anumang bagay na nakasasakit o
nakamamatay tulad ng baril, anumang uri ng patalim, bomba , na
maaring makamatay o makasakit ng sinoman at makasira ng ari-
arian

7. Kung may metal detector sa inyong puwesto , kailangang gamitin ito


sa pag inspeksiyon ng katawan ng mga bisita .Kung may napansin
kayong hindi maganda ang kinikilos ng bisita , kailangang humingi ng
permiso dito upang matingnan kung meron siyang itinatago sa
kanyang katawan at ipaliwanag dito na ipinapatupad lamang ninyo
ang alituntunin ng ating kliyente.
nakasabit sa kaliwang dibdib ang ID habang nasa loob ng iyong
nasasakupan . Sa ganitong paraan ay madali ninyong makikita ang
sinumang pumasok sa inyong puwesto na hindi humingi ng
pahintulot.

9. Lahat ng ilalabas na sasakyan at kagamitan ng Townhouse ay


kailangang may pahintulot at gate pass na pirmado ng awtorisadong
tao ng kompanya.

10. Kung may maipakita ang sinuman na dokumento o gate pass ng mga
kagamitang ilalabas na nagpapatunay na ito ay legal ito ay hindi
dapat payagan kaagad na mailabas ito. Kailangan ay suriing mabuti
ang dokumento pati ang pirma o lagda ng dokumento kung ito ay
tama at tingnan kung husto sa bilang ang mga gamit na ilalabas.

You might also like