You are on page 1of 7

NEW PARADISE YOUTH ORGANIZATION

Molave Extension Nagpayong II,


Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City
_____________________________________________________________________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS}
LUNGSOD NG PASIG }
 
KAUTUSANG PINAGTITIBAY NA ANG LAHAT NG OPISYAL, MIYEMBRO,
NAKIKITIRA AT NANGUNGUPAHAN SA SAMAHAN AY SUMUNOD SA MGA
ITINAKDANG PROBISYON NG ENHANCE COMMUNITY QUARANTINE GUIDELINES
O KAUTUSAN BLG. 001-SERIES OF 2020 PANGSAMAHAN.
 
 
RESOLUSYONG NG KAHILINGAN SA MGA MYEMBRO NG SANGGUNIANG
PANLUNGSOD SA PANGUNGUNA NG ATING BUTIHING PANGALAWANG PUNONG
LUNGSOD ANG PAGGAMIT NG WIKANG PAMBANSA SA BUONG BUWAN NG
AGOSTO SA MGA PANGUNAHING USAPIN, HAING RESOLUSYON SA MGA
REGULAR NA SESYON BILANG PAKIKILAHOK SA SELEBRASYON LINGGO NG
WIKA AT ANG PAGHIKAYAT SA MGA BATANGUENO NG PATULOY PAGKILALA SA
SARILING WIKA
 

ITINATADHANA NG SAMAHAN NG NEW PARADISE:

Dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ng National Government hanggang April


30, 2020, ang pamunuan ng kabataan at ng samahan ay bumalangkas ng mga panuntunan legal para
sa samahan at ang lahat ng opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahang New
Paradise ay minumungkahing sumunod sa mga kautusan itinakda Blg. 001-Series of 2020
Pangsamahan.

SEKSIYON 1: Home Quarantine Pass: Dalhin o suotin ang ibinigay na Home Quarantine pass
kasama ang Valid ID.

A. Para lamang sa mga awtorisadong miyembro ng pamilya na maaring lumabas ng


tahanan upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain,
gamot at atbp.
B. Ang home quarantine pass ay iba sa gatepass, Certificate of Employment at
Identification Card o anumang katibayan ng mga nagtatrabaho o frontline workers
(ie. doctors, nurses, drivers, security guard, store clerk atbp.)

SEKSIYON 2: “Window Hour”, ang oras ng paglabas sa komunidad upang bumili ng mga
pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain gamot atbp. ay sa pagitan ng ika lima (5:00 am ) ng
umaga hanggang ika labing-isa (11:00am) ng umaga lamang. Ang mga hindi awtorisadong paglabas
ng komunidad ay mahigpit na ipinagbabawal. (Other important matters is subject for discretionary
measures.)

SEKSIYON 3: Isa (1) lamang sa bawat miyembro ng pamilya, nakikitira o nangungupahan ang
pinapayagan na bumili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagbili ng pagkain, gamot
atbp.

SEKSIYON 4: Ang bawat opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahan ay Mag


logsheet/logbook bago lumabas at pumasok ng gate. Mga nilalaman;

A. Kumpletong Pangalan
B. Quarantine Pass Number
C. Time in ( Pagpasok sa komunidad)
D. Time out ( Paglabas sa komundad)

1
E. Lugar kung saan pupunta.
F. Dahilan ng paglabas.
G. Lagda o Pirma

Paalala: Dapat nakapag log in at out ang bawat miyembro at mag disinfect ang
bawat isa bago pumasok.

SEKSIYON 5: RECORD BOOK: Ang mga mahahalagang pangyayari gaya ng mga hindi kanais
nais na kaganapan sa komunidad ay dapat nakatala sa record book ng samahan.

SEKSIYON 6: Ang bawat opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahan na may mga
sasakyan.

A. May Motor: bawal ang angkas( maaring pahintulutan kung may makatwirang
dahilan gaya ng medical emergency.)
B. May kotse: bawal ang pagsiksikan sa loob.

SEKSIYON 7: Ang bawat opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahan na may


sintomas gaya ng ubo, lagnat atbp ay bawal lumabas hanggang walang pahintulot ng mga awtoridad
na nangangasiwa. Maari lamang na ipagbigay alam agad sa mga boluntaryo ng samahan ang sinuman
mapabalita na may ganitong karamdaman, o ang inyong mga kalagayang medical.

A. Alinsunod sa RA 11332 Section 9: ipinagbabawal ang hindi pakikipag


kooperasyon sa kinauukulan ng sinoman, hindi pagsasabi ng totoo ng kalagayang
medical.
B. Parusa: Multa na hindi tataas ng 50,000.00 at kulong ng isang (1) buwan
hanggang anim (6) na buwan or both.

SEKSIYON 8: Mga Boluntaryo ng Samahan; ang mga boluntaryo ng samahan ay kikilalanin


bilang “Person of Authority” ng samahan sila ay may karapatang magpatupad ng mga pamantayan
nakasaad sa probisyon ng kautusang ito.

A. Direct Assault- ipinagbabawal ang pagsuway, pagiging siga, pananakit,


pamumuwersa, pananakot at pagbabanta sa mga frontliners ng samahan.
B. Parusa - kulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at multa ng di tataas sa
200,000.00

SEKSIYON 9: Para sa mga hindi miyembro at nakatira sa labas ng komunidad. Mahigpit na


ipinagbabawal ang mga sumusunod:

A. Pagpasok sa loob ng komunidad gaya ng pagbisita at pag stay sa loob hanggang


hindi natatapos ang quarantine.
B. Maglako o magtinda sa loob.
C. Mag deliver ng mga tubig, gasul, at softdrinks.
D. Maaring pumasok kung bibili lamang sa mga tindahan sa loob ng komunidad o
may makatwirang dahilan gaya ng emergency atbp.

SEKSIYON 10: Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtambay sa labas., o sa lugar kung saan naroon
ang mga boluntaryo ng samahan.

SEKSIYON 11: Ang mga bata ay pinapayagan na maglaro ngunit sa tapat lamang ng kanilang
bahay.
A. Oras ng Laro sa Umaga: 8:00am – 11:00am lamang.
B. Oras ng Laro sa Hapon: 3:00pm – 5:00pm lamang.

SEKSIYON 12: Ang mga menor de edad ay mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ng komunidad.

SEKSIYON 13: Ang mga mangangalakal na miyembro ng samahan ay pinahihitulutan na lumabas


ng komunidad dalawang beses (2) sa isang araw lamang.

2
SEKSIYON 14: Ang pagtatapon ng basura ay gagawin lamang sa oras na itinakda ng pagtatapon.

SEKSIYON 15: Ang bawat opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahan bata o
matanda ay palagiang magsuot ng Face Mask bago lumabas at pumasok sa gate o kahit nasa loob at
labas ng bahay.

SEKSIYON 16: Ang bawat opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahan ay magdala
ng alcohol /sanitizer bago lumabas ng komunidad, kung walang alcohol maghugas ng kamay at
sumailalim sa disinfection process bago pumasok.

SEKSIYON 17: Para sa mga nagtatrabaho na miyembro ng samahan, mag presenta ng Certificate of
Employment, Company ID o Duty Details Order ( JOB ORDER) galing sa inyong mga employer
upang kayo ay payagan makalabas ng komunidad.

SEKSIYON 18: Mahigpit na ipinatutupad ng samahan ang Social Distancing para sa lahat ng
miyembro.

SEKSIYON19: Mahigpit na ipinatutupad ang curfew hour na 8:00pm to 5:00am sa loob ng


komunidad.

SEKSIYON 20: Alinsunod sa City Ordinance No. 08 Series of 2020 ng Pasig bilang pagtugon ng
samahan, ang lahat ng opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan ay mahigpit na
pinagbabawalan magbenta, bumili, uminom ng alak sa loob at labas ng kanilang mga tahanan

A. Parusa:

Unang Paglabag: Multa 500 at apat (4) na oras na Community Service.


Ikalawang Paglabag: Multa 1000 at walong (8) oras na Community Service.
Ikatlong Paglabag: Multa 2000 at labing anim (16) oras na Community
Service.
Other Measure: Kulong na hindi tatagal ng tatlong (3) Buwan.

SEKSIYON 21: Ang pagsusugal sa loob at labas ng bahay ay mahigpit na ipinagbabawal.

SEKSIYON 22: Ang sinoman opisyal, miyembro, nakikitira at nangungupahan sa samahan na


lalabag sa kautusang ito ay sasailalim sa Legal Counseling upang payuhan at paalalahanan sa
nagawang paglabag.

SEKSIYON 23: Ang sinomang mapapatunayang lumabag sa kautusang ito ay papatawan ng parusa
gaya ng sumusunod.

A. Unang Paglabag: Counseling, Warning at pagboluntaryo sa aktibidad ng


disinfection. Community Service, Paglilinisin sa buong komunidad
B. Ikalawang Paglabag: Isasailalim sa mga pamantayang legal upang maging
delinquent member.
C. Ikatlong Paglabag: Irereport sa barangay para sa kaukulang aksiyon.
 
SEKSIYON 24: Ang anumang kautusan o bahagi ng kautusan umiiral na taliwas sa kautusang ito ay
ipinawawalang bisa.
SEKSIYON 25: Ang Kautusang ito ay magkakabisa matapos lagdaan ng lahat ng miyembro ng
samahan at sumunod sa batas pagpapaskil at hanggang matapos and Enhanced Community
Quarantine.
Pinatutunayan ko ang kawastuhan at katotohanan ng nilalaman ng pasyahang ito.

Inihanda nina;

3
Mr. Allan F. Espenilla, MAS, LPT Rosario C. Tayobana
Educator/ Appointed Youth President Kalihim

Pinagtibay:

Alicia D. Villauz Melchor A. Oliveros


Pangulo ng Samahan Pangulo ng Board

WRITTEN REPLY FORM RATIFICATION OF ORDER

THIS IS TO ACKNOWLEDGE THE RECEIPT OF ORDER AND UNDERSTAND THE TERMS


AND CONDITON STIPULATED HEREIN IMPOSED BY THE HOMEOWNEERS
ASSOCIATION. I CONCUR, AFFIRM AND RATIFY THE ABOVE MENTIONED ORDER AND
HEREBY OBEY.

Complete Name Signature

4
5
WITNESS MY HAND AND SEAL on at ,
Philippines.

Notary Public

Doc. No. ______;


Book No. ______;
Page No. ______;
Series of 2020.

6
7

You might also like