You are on page 1of 3

EXECUTIVE ORDER NO.

___
Series of 2021

MGA ALITUNTUNIN NA IPATUTUPAD SA BAYAN NG TAAL


ALINSUNOD SA MGA PATNUBAY NA ITINAKDA NG INTER
AGENCY TASK FORCE PARA SA IMPLEMENTASYON NG
BAGONG ALERT LEVEL SYSTEM SA ATING BAYAN BILANG
PAGTUGON SA NAKAKAHAWANG SAKIT NA COVID-19

SAPAGKAT, ang Corona Virus Disease (Covid-19) mula ng idineklarang isang


Public Health Emergency of International Concern, ay nakaapekto sa buhay at
kabuhayan ng maraming tao;

SAPAGKAT, nakasaad sa Section 15, Article 2 ng Saligang Batas ang


tungkulin ng Estado na pangalagaan at protektahan ang karapatan ng
mamamayan sa kalusugan at ituro ang kaalaman sa maayos na kalusugan;

SAPAGKAT, ayon sa Section 16 ng Republic Act 7160 o ang Local Government


Code of 1992, may kapangyarihan ang Local Government Unit na ipatupad ang
mga batas para sa ikabubuti ng nakararami;

SAPAGKAT, noong ika-13 ng Oktubre 2021 ay naglabas ng bagong


alintuntunin ang National Inter Agency Task Force for the Management of
Emerging Infectious Diseases na pinamagatang Guidelines on the
Implementation of Alert Levels System for Covid-19 Response in Pilot Areas;

SAPAGKAT, napasailalim sa Alert Level 2 ang buong Probinsya ng Batangas


kabilang ang Bayan ng Taal sa kadahilanang ang mga kaso ng mga
nagpopositibo sa Covid-19 sa ating lugar ay unti-unti ng bumababa;

KUNG KAYA AKO, si Fulgencio I. Mercado, Punong Bayan ng Taal Batangas,


sa bisa ng kapangyarihan iniatang sa aking ng batas, ay inaatas ang mga
sumusunod upang maipatupad ang nasabing mga alintuntunin;

SECTION 1. Pinapayagan ng lumabas ang sinuman na may edad na 18


pababa kung ito ay para sa pagbili o pagkuha nila ng mga esensyal na
pangangailangan o kaya ay para magtrabaho sa mga pinapayagan ng
industriya o opisina ng IATF alinsunod sa batas na nakasaad sa Labor Law;

SECTION 2. Pinapayagan ang pagsasagawa ng anumang uri na indibidwal na


panlabas na ehersisyo ngunit ang lahat ng contact sports ay hindi pa rin
pinapahintulutan;

SECTION 3. Ang mga casino, karera ng kabayo, sabong at sabungan, pagtaya


sa lotto at iba pang mga gaming establishments ay hindi pa rin
pinapahintulutan sa ating bayan maliban na lamang kung ito ay payagan ng
buksan ng IATF o kaya ay Office of the President;

SECTION 4. Ang mga sumusunod na establisyamento ay pinapayagan ng


magbukas at tumanggap ng kanilang mga kliyente basta ang pinaka
madaming bilang na kustomer/kliyente na puwede nilang tanggapin ay
alinsunod sa 50% maximum capacity kung ito ay indoor venue para sa
indibidwal na may kabuuang bakuna lamang at para sa mga nasa edad 18
kahit pa sila ay hindi bakunado at 70% maximum capacity naman kung ang
mga establisyamentong ito ay kabilang sa mga mayroong outdoor venue.
Subalit, mahigpit na ipinagbibilin sa lahat ng mga establisyamentong ito na
ang kanilang mga tauhan at parokyano ay dapat may kabuuang bakuna na
(Fully Vaccinated) at kinakailangan mapanatili ang Minimum Public
Health Standards sa kanilang mga lugar;
a. Venues for meetings incentives conferences and exhibitions;
b. Permitted Venues for social events kagaya ng kasal, annibersayo, debut
at kaarawan;
c. Visit or Tourist Attractions kagaya ng libraries, archives, museums
galleries, exhibits, parks, plazas public gardens;
d. Amusement park or theme parks;
e. Recreational Venues kagaya ng internet cafes, billiard halls, amusement
arcades, bowling alleys, skating rinks, archery halls at swimming pools;
f. Cinemas at movie houses;
g. Limited face to face classes para sa basic na edukasyon kung ito ay may
pahintulot ng Office of the President;
h. Limited face to face classes para sa higher education at para sa
technical-vocational na edukasyon at pagsasanay;
i. Religious gatherings kagaya ng paglalamay at paglilibing sa mga taong
namatay maliban na lamang kung ang sanhi ng pagkamatay ng yumao
nating kasamahan ay dulot ng Covid-19;
j. Licensure or entrance/qualifying examinations na isinasagawa ng
ahensiya ng gobyerno at specialty examinations na isinasagawa ng IATF;
k. Dine-in services of food preparation establishments kagaya ng kiosks,
commissaries, restaurants at eateries alinsunod sa alituntunin na
itinakda ng DTI;
l. Personal care establishments kagaya ng barbershops, hair spas, hair
salons at nail spas at anumang establisyamento na nagbibigay ng
aesthetic/cosmetic na serbisyo, alinsunod sa mga alituntunin na
itinakda ng DTI;
m. Fitness Studios, gyms at iba pang lugar para sa mga indibidwal na non-
contact sports. Subalit kinakailangan sa mga lugar na ito na magsuot ng
face masks ang mga kliyente at lahat ng mga empleyado at walang pang
grupo na activities ang gagawin;
n. Lugar kung saan may banda, tugtugan o kantahan kagaya ng karaoke
bars, clubs at concert halls. Subalit mariin na ipinagbibilin sa mga lugar
na ito na ang lahat ng mga papasok sa kanilang lugar, empleyado at
customers, ay dapat may kabuuang bakuna na;
o. Mga pagtitipon sa mga bahay kahit pa ang mga tao ay hindi kabilang sa
iisang bahay;

SECTION 5. Magkakaroon ng Joint Inspection ang miyembro ng ating mga


kapulisan, bumbero, empleyado at opisyales ng Munisipyo ng Taal sa lahat ng
mga nabanggit na establiysamento upang masusing mabantayan ang
pagsunod sa mga alituntunin at maiwasan ang anumang paglabag;

SECTION 6. Sa kadahilanan na ang Probinsiya ng Batangas ay napasailalim


na sa Alert Level 2, ay ipinapawalang bisa na rin ang curfew sa bayan ng Taal
na itinakda mula ika 10- ng gabi hanggang alas 5 ng umaga. Inaalis na rin ang
liquor ban sa lahat ng establisyamento sa ating bayan ngunit inaasahan ang
disiplina sa paginom ng alak ng bawat isa. Ang pagsunod sa minimum
standard health prtocols ay ugaliin natin gawin.

SECTION 7. Alinsunod din sa kautusan ng Department of Interior and Local


Government, ay aking inaatas na lahat ng mga empleyado at kliyente na
papasok sa ating Munisipyo ay dapat fully vaccinated na. Hinggil dito, ang
publiko ay kinakailangan magpakita ng vaccination card(s) kung sakali na may
transaksiyon silang gagawin sa ating Munisipyo.

SECTION 8.. Ang paglalamay at pagbuburol para sa mga yumao nating


kasamahan ay gagawin pa rin sa loob lamang ng 3 araw o 72 oras alinsunod
sa itinakda na Ordinansa ng ating Sangguniang Bayan at ng kautusan ng
Department of Health. At upang mabatid kung ang sanhi ng pakamatay ng
ating mga yumao ay dulot ng Covid-19, lahat ng mga mamamatay ay
isasailalim sa Antigen Test o d kaya ay RT-PCR Test. Ganumpaman, ang mga
nasabing pagsusuri ay pwede ng hindi isagawa kung napasailalim na ang ating
mga yumaong kamag-anak sa Testing sa hospital 3 araw bago ang kanlang
paglisan at wala silang nagging exposure kaninoman.

SECTION 9. Ayon sa direktiba ng Department of Interior and Local


Government, ang mga Punong-Bayan ay may kapangyarihan na ilagay ang
isang lugar na kanyang nasasakupan sa granular lockdown kung ang mga ito
ay magkakaroon ng madaming kaso ng covid-19. Kaugnay nito, mas mahigpit
na seguridad ang ipapairal ng ating mga kapulisan, bumbero at opisyales ng
barangay kapag ito ay ipinairal sa inyong lugar. Ganumpaman, magbibigay ng
tulong at ayuda ang Munispyo at DSWD sa mga maapektuhang lugar.

Bilang karagdagan, iminumungkahi na gamitin ng ating mga kababayan ang


ating mga isolation centers sakaling mayroong sintomas ng covid-19.
Ipinaalam sa lahat na mas magiging strikto ang pagpapairal ng Home
Quarantine kung ito ang inyong pipiliin. Ayon sa mga bagong kautusan,
isasailalim din sa 14 day-quarantine ang lahat ng mga kasama sa loob ng
bahay ng sinumang nagpositibo sa nakakahawang sakit na nagdesisyong
manatili sa bahay upang magpagaling kaysa sa mga isolation facilities.

SECTION 10. Sa unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya base na rin sa


ipinaguutos ng National IATF, inaasahan ng inyong lingkod ang kooperasyon
ng bawat isa upang maiwasan ang muling pagtaas ng mga positibong kaso ng
Covid-19 sa ating bayan. Aking ipinagbibilin na sumunod ang lahat sa mga
patakaran ng ating pamahalaan at panatilihin ang disiplina at ibayong
pagiingat. Ating pakatatandaan na hindi pa tapos ang ating laban sa Covid-19
ngunit sa tulong ng ating Poong Maykapal ay malalampasan natin ang salot na
ito ng maluwalhati at mapayapa;

SECTION 11. REPEALING. Lahat ng kautusan na kabaligtaran sa


pagsasaling-uri ito ay pinapawalang bisa o binabago ng naaayon ditto.

SECTION 12. SEPARABILITY. Ang anumang probisyon ng Kautusang ito na


matutukoy na hindi wasto, illegal, o hindi maisasakatuparan, ang natitirang
probisyon ay dapat na mananatiling ipatupad.

SECTION 13. EFFECTIVITY. Ang kautusang ito ay magkakaroon ng agarang


bisa.

NILAGDAAN sa Bayan ng Taal, Batangas, ngayong ika-___ ng Nobyembre


2021.

HON. FULGENCIO I. MERCADO


Municipal Mayor

Pinatotohanan ni:

ATTY. MARIA CARLOTA M. CERDEÑA


Municipal Administrator

You might also like