You are on page 1of 1

ordinansang pag hingi ng barangay at police clearance sa mga naga nais manirahan sa loob ng barangay

tumapon, Boac marinduque.

tuntunin 1. Sapagkat, alinsunod sa konstitusyon artikulo2. SEK. 4. Ang pangunahing tungkulin


ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
Tuntunin 2. Sapagjat , ninanais ng sangguniang barangay na ma protektuhan ang mga mamayan
sa loob ng barangay at mapanatili nito ang katahimikan laban sa mga taong na sangkot sa krimen
na hindi pa na lilitis ng korte.
Tuntunin 3. Sapagkat, may mga indibidwal ang nag nanais na manirahan sa loob ng barangay.
Tuntunin 4. Mga kahulugan ng mga salitang ginamit.
Barangay clearance- ito ay sertipikong nag mula sa dating barangay na tinirahan na nag
papatunay na siya/sila ay mga walang na irecord na krimen o mga gawaing masama na hindi pa
tapos ang pandinig .
Police clearance - ito ay sertipikong nag mula sa dating presintong kapulisan na tinirahan na nag
papatunay na siya/sila ay mga walang na irecord na krimen o mga gawaing masama na hindi pa
tapos ang pandinig .
Tuntunin 5. Sinaklawan. Ang ordinansang ito ay sumasaklaw sa lahat ng nag nanais na
permenenteng manirahan sa loob ng barangay.
Tuntunin 6. Pag papatupad ng ordinasa. Ipapatupad ang ordinansa na ito sa lahat ng indibidwal o
pamilyang nag nanais na permenenteng manirahan sa loob ng barangay.
Tuntunin 7. Bibibigyan ng palugit ang mga indibidwal na naga nais na manirahan sa loob ng
barangay ng isang linggo mula sa kanilang pag tungtung sa loob ng barangay. Sa mga bibisita
lang sa kanilang mga mga kamag - anak o kaibigan na hindi lalagpas sa 30 araw mula nuong sila
ay umapak sa barangay ay ito ay ipapaalam sa kanilang mga opisyales ng barangay na naka toka
sa kanilang purok.
Tuntuninn 8. Pagkabisa. Ang kautusan na ito ay mag kakabisa 15 araw matapos pag tibayin at
mailathala , maipaskil sa tatlong jayag na lugar.

You might also like