You are on page 1of 22

Ano ang pangkaraniwang askyon sa

Domestic Violence?
Ang mga biktima ay maaring humingi ng
proteksyon:

BARANGAY PROTECTION
ORDER (BPO)
TEMPORARY PROTECTION
ORDER (TPO)
PERMANENT PROTECTION
ORDER (PPO)
Ano ang PROTECTION ORDER?

• Ang PROTECTION ORDER ay


ibinibigay para maiwasan ang
ano pa mang karahasan sa babae
o bata na nakakaranas nito.

• Ito ay nakatala sa Seksyon 7 ng


Implementing Rules and
Regulations na sumasagot sa iba
pang pangangailangan ng mga
biktima.
Sino ang maaring kumuha ng PROTECTION
ORDER sa barangay o sa hukuman?
• Mga biktima
• Mga magulang o kamag-anak ng biktima
• Social Workers, PB o Kagawad ng barangay
na may kaalaman sa karahasan
• Police officers
• Abogado, Therapist, Healthcare workers
• 2 concerned citizens ng lugar kung saan
naganap ang karahasan at may kaalaman sa
pang-aabuso
BARANGAY PROTECTION ORDER (BPO)
Ito ay isang kautusan galing sa Punong Barangay (o Kagawad
kung may atestasyon na wala ang Punong Barangay) na
nagsasaad ng mga sumusunod:

Bawal ituloy ang pisikal na pananakit sa


biktima
Bawal ituloy ang pananakot sa biktima ng
pisikal na kapahamakan
Bawal makipag-ugnayan sa biktima
Pagbigay ng pansamantala o permanenteng
custodiya ng mga anak sa babaeng biktima
Paano kumuha ng BPO?

1. Pumunta sa tanggapan ng Punong


Barangay o Kagawad
2. Magdala ng isang sulat at
pinanumpaang salaysay ng biktima
bilang patunay na totoo ang reklamo
3. Ibibigay ng Punong Barangay o
Kagawad ang BPO sa araw na
nagsampa ng reklamo ang biktima
Gaano katagal ang bisa ng BPO?

• Ang bisa ng BPO


ay 15 araw.
Ano ang gagawin kung tapos na ang bisa ng
BPO?

Maaring dumulog sa
Hukuman upang mag-
apply ng TPO o PPO.
Paano kung walang pera o kakayahang
kumuha ng sariling abogado ang mga biktima?

Maaring dumulog sa Public


Attorney’s Office (PAO) o sa
sinumang opisyal ng
Department of Justice (DOJ)
para sa serbisyong legal.
Ano ang Temporary Protection Order (TPO)?

Isang kautusan na nagmumula


sa hukuman na inilabas/inisyu
para sa proteksyon at
kapakanan ng biktima.
Gaano katagal ang bisa ng TPO?

Ang bisa ng BPO ay


30 araw.
Ano ang Permanent Protection Order (PPO)?

Isang kautusan na
nagmumula sa hukuman na
may bisa hanggat hindi
binabawi o binabago ng
hukuman.
Paano kung tapos na ang bisa ng TPO ngunit
wala pa ring inilalabas na PPO ang hukuman?

Mapapahaba ng hukuman
ng 30 araw ang bisa ng
TPO. Maari itong i-extend
ng panibagong 30 araw
hanggat wala pang PPO na
inilalabas.
Kailangan bang kumuha muna ng BPO bago
mag-apply ng TPO?

• HINDI. Meron man o walang BPO ang mga biktima


ay maaring mag-apply ng TPO sa kahit anumang
hukuman na malapit sa kanilang Barangay.
Paglabag sa TPO o PPO

• Ang paglabag sa BPO ay may parusang


pagkakakulong ng hindi bababa sa 30 araw
• Ang paglabag sa TPO/PPO ay may kaakibat
na multa: 5,000-50,000 o pagkakakulong
ng hindi bababa sa 6 na buwan
• Maaaring arestuhin kahit walang warrant
Saan maaaring magsampa ng kaso?

• Ang mga kagawad ng Barangay ay maaring samahan ang


biktima na magsampa ng kaso sa kahit saang Family
Court na malapit sa Barangay.
Maaari bang mamagitan ang Barangay upang
magka-ayos ang biktima at ang akusado?

HINDI ito pinapayagan ng batas.

Ayon sa Local Government Code, walang


kapangyarihan ang Punong Barangay na
mamagitan sa mga kaso ng karahasan laban
sa kababaihan at kanilang mga anak.
Iba pang mga programa at serbisyo:

• DSWD at LGU : temporary shelters,


counseling (biktima at nang-aabuso),
rehabilitation programs
• DOH: medical assistance
VAWC Leave

10 days basic salary + mandatory allowance ay maaaring


matanggap ng mga biktima ng VAWC para sa medical at
legal na pangangailangan
BAKIT KAILANGAN TULUNGAN ANG MGA BABAE AT
ANG KANILANG MGA ANAK NA BINUBUGBOG?

• Kahit sino ay walang


karapatang mambugbog ng
babae at bata.
• Ang tunay na pag-iibigan ay
nakabatay sa pagrespeto,
pagkalinga at pantay na
pagturing sa kanilang relasyon.
PAALALA

• Ang pang-aabuso ay hindi isang


pribadong usapin kundi ito ay isang
krimen. Ito ay paglabag ng karapatang
pantao ng babae at kanilang anak.
• Sa tulong ng pamilya at komunidad,
maaaring makawala ang isang tao mula
sa isang mapang-aping relasyon.
IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA BATA AT
KABABAIHAN
MARAMING
SALAMAT PO!

You might also like