You are on page 1of 2

Ano ang parusa sa VAWC?

Ang mga aktong VAWC o ang pagsasagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit ay may kaakibat na
mga parusa.

Q. Sa inyong palagay, nararapat ba na parusahan ang mga taong nagsagawa nito?

Ayon sa batas, ang mga taong makagagawa o gumawa ng aktong VAWC ay maaaring makulong o
mabilanggo. Ang tagal ng pagkakabilanggo nito ay naka depende sa bigat ng krimeng ginawa. Isang
halimbawa nito ay  Kung ang pananakit ay nagresulta ng malubhang pagkasugat na tatagal ng
mahigit isang (1) buwan, ang parusa ay pagkabilanggo ng hindi bababa sa anin na taon at isang
araw at hindi lalagpas sa labindalawang (12) taong pagkabilanggo. Ayon din sa batas, ipinagbabayad
ng danyos na hindi bababa sa P100,000 at hindi hihigit sa P300,000 t kinakailangan din na sumailalim sa
psychological counseling o psychiatric treatment ang may sala.

Q. Bakit nga ba kinakailangang sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment ang may
sala?

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan, mayroong mga ipinagbabawal na akto. Kabilang rito ay ang pisikal
na pananakit sa biktimang babae o bata.

 Kapag ito ay nagresulta sa Homecide: Ang homicide ay kung nakapatay kahit walang
intension na gawin ito. Ito ay maaaring magkaroon ng parusa na pagkakakulong o
pagkakabilanggo ng may sala mula 12 taon at 1 araw hanggang 20 taon.
 Kapag ito naman ay nagresulta ng Parricide: Ito ay isang krimen kung saan ang isang
akusado ay nakapatay ng ina, anak, o ama legitimate man o illegitimate. Maaari ring
napatay ng akusado ang kaniyang legitimate na apo o alin man sa mga anak nito.
Halimbawa nito ay ang pagpatay sa nanay o tatay ng isang anak at pagpatayan ng mag
asawang kasal. Ang parusa nito ay mula 20 taon at 1 araw na pagkabilanggo hanggang
kamatayan.
 Murder: Alam namana diba ng lahat na ang murder ay ang pagpatay na pinagplanuhan.
Halimbawa ay sinaksak sa likuran o binaril, niresbakan, patraydor, karumal-dumal, at
walang laban ang biktima. Kapag ang ipinagbabawal na aktong ito ay nagresulta sa
Murder, maaaring mabilanggo ng 20 taon at 1 araw hanggang kamatayan.
 Mutilation: Ang parusang kaakibat nito ay ang pagkakabilanggo mula 12 taon at 1 araw
hanggang 40 taon.

Q. Ano ang mutilation?

 Kapag ang ipinagbabawal naman na akto ay nagresulta sa serious physical


injuries ay maaaring mabilanggo mula 6 na taon at 1 araw hanggang 12 taon.
 Kapag ito pa rin ay nagresulta sa less serious physical injuries ay maaaring
mabilanggo mula 6 na buwan at 1 araw hanggang 6 na taon.
 Kapag nagresulta rin ito sa Slight Physical Injuries: ang parusa nito ay
pgkakabilanggo mula 1 buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan.
Pangalawang ipinagbabawal na akto ay ang pagbanta ng pisikal na pananakit sa biktimang
babae o bata. Ito ay ang pananakot o pagtakot sa mga babae o bata na sila ay kanilang
sasaktan. Ang parusang kaakibat nito ay mas mababa ng 2 degrees o antas sa parusa na
nakakabit sa krimen na ginamit sa pagbabanta, pero di bababa ng pagkabilanggo ng 1 buwan.

Isa rin sa mga ipinagbabawal na akto ay ang pagtangka ng pisikal na pananakit sa


biktimang babae o bata. Kumpara sa aking unang nabanggit, ito naman ay ang pag-attempt o
pagsubok na saktan ang biktima nang pisikal. Ang parusa naman para sa ipinagbabawal na
aktong ito ay ang pagkakabilanggo mula 1 buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan.

Ang paglagay sa biktimang babae o bata sa takot na gawan ng kagyat na pisikal na


pananakit ay isa rin sa mga ipinagbabawal na akto. Ang aktong ito ay maaaring mag resulta ng
traumatikong pangyayari sa mga biktima. Sa aktong ito ay maaaring mabilanggo ang maysala
mula 1 buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan.

Q. Kung kayo ang tatanungin, sumasang-ayon ba kayo sa mga parusang aming nabanggit para
sa mga maysala na nagsagawa ng mga ipinagbabawal na akto?

You might also like