You are on page 1of 16

R.A.

7877
ANTI SEXUAL HARASSMENT
LAW OF 1995
ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?
• Ang tinatawag na sexual harassment ay isang pangaabuso na maaring
mangyari sa pagitan ng guro at mag-aaral/estudyante o sa isang empleyado
at ang kanyang amo o sa isang empleyado at kapwa empleyado

• Ayon sa Republic Act No. 7877, o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995,
ito ay nangyayari kung ang isang kawani o empleyado, manager, bisor,
ahente ng amo o employer, guro, propesor, tagapagturo, coach, trainor, o
isang taong may awtoridad, impluwensiya o iba pang pwersang moral na
maari niyang gamitin laban sa biktima, ay humingi o nagutos sa biktima na
gumawa ng isang pabor na sekswal, gawin man ito o hindi.
ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?
• Sa ilalim ng nasabing batas, ang sexual harassment ay nangyayari sa isang
working environment kung ang paghingi o pagutos ay ginawang kundisyon sa
pag-empleyo o sa patuloy na pagtratrabaho ng biktima, o sa pagtanggap ng
karagdagang sahod, working conditions, promotions, o mga working privileges.

• Nangyayari din ito kung ang pagtanggi sa kautusan ay magdudulot ng anumang


diskriminasyon o aksyon laban sa biktima, tulad ng pagharang nito sa ibang
mga employer, pagbawas sa kanyang labor rights, o magiging sanhi ng
pagkaroon ng isang hostile o di magandang work environment para sa biktima.
ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?
Bukod sa mga administrative sanctions na
pwedeng ipataw sa taong napatunayan na
gumawa ng sexual harassment, maari din
siyang hatulan ng isang husgado ng
parusang pagpapakulong mula isa hanggang
anim na buwan, at maari din siyang patawan
ng multa ng sampu hanggang dalawampung
libong piso. Kung sa tingin ng hukuman na
ito ay nararapat, maari ring magpataw ng
parusang pagpapakulong at magpataw rin
ng multa bukod sa pagpapakulong.
ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?
Ang acts of lasciviousness
(gawang kahalayan) naman ay
maaring gawin ng isang tao na
nagkaroon ng physical contact sa
ibang tao para sa gratipikasyong
sekswal, basta walang ninanais o
binabalak na pagtatalik o sexual
intercourse sa sinabing physical
contact o paglapit ng katawan.
ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?
• Kung ito ay ginawa sa pamamagitan ng force, violence o
intimidation, ito ay papatawan ng hukuman ng parusang
prison correctional, o pagpapakulong mula 2 taon, 4 buwan at
1 araw hanggang 4 taon at 2 buwan.

• Kung ito ay ginawa ng isang taong may public authority tulad


ng guro o hukom, o ng isang pari, katulong, taongbahay,
guardian, o taong ipinagkatiwala ang edukasyon o kustodiya
ng biktima, kung ang biktima ay birhen mula 12 hanggang 18
taong gulang, papatawan siya ng parusang pagpapakulong
mula 6 buwan at 1 araw hanggang 4 taon at 2 buwan.

• Kung ito ay ginawa ng isang kapatid, ama, o lolo, kahit hindi na


birhen o matanda na ang babae, papatawan siya ng parusang
pagpapakulong mula 6 taon at 1 araw hanggang 8 taon at 1
araw.
ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?
• Kung ito ay ginawa sa isang biyuda o birhen,
at pumayag ang babae dahil sa panloloko ng
lalake (tulad ng di makatotohanang
pangakong pagpapakasal sa isang takdang
panahon), paparusahan ito ng pagpapakulong
ng mula 2 buwan at 1 araw hanggang 4
buwan.

• Sa batas, ang birhen ay isang taong hindi


nakikipagtalik sa kung sino-sinong tao lamang.
Hindi porke't hindi na birhen talaga ang isang
bata ay hindi na siya birhen sa batas.
RECAP
Kahulugan

Ang Sexual Harassment ayon sa Republic Act 7877 ay


nangangahulugang

a. Pagamit, paghiling o pag utos ng sekswal na pabor


mula sa isang tao;
b. Pagamit ng awtoridad, impluwensya o
kapangyarihang moral upang mapasunod ang
biktima;
c. Naganap sa lugar na may kinalaman sa trabaho, pag-
aaral o pagsasanay.
RECAP
Kahulugan

Ito ay nangyayari sa mga pulong, asembilya, pagsasanay, seminar at sa


komunidad. Sakop din nito ang mga sekswal na pamamahayag na laban sa
loob ng biktima. Kasama dito ang:
• Panghihipo
• Panghihimas sa maseselang parte ng katawan
• Paghalik sa leeg, batok o likod
• Pambabastos tulad ng paninipol
• Pagtingin ng may malaswang intension
• Paninilip
• Pagpapakita ng mga malalaswang larawan, babasahin at panoorin
• Pagsusulong ng mga dokumento na may seksist na lenggwahe
• Pagkilos na may malaswang kahulugan (ibang kilos sa paghawak ng kamay,
salitang may patungkol sa maselang bahagi ng katawan, at iba pa).
• Iba pang gawain o salitang may sekswal na kahulugan
GR No. 175433 March 11, 2015
Atty. Jacinto C. Gonzales, Petitioner
versus
Maila Clemen F. Serrano, Respondent
• This case arose from an administrative complaint filed by Atty.
Maila Clemen F. Serrano (respondent ) against her direct superior,
Atty. Jacinto C. Gonzales ( petitioner ), Chief, Legal Division of the
Philippine Racing Commission (PHILRACOM), for grave
misconduct, sexual harassment and acts of lasciviousness.
• While seated at the table waiting for their food to be served,
petitioner suddenly took hold of respondent's face and forcefully
kissed her lips…
• Respondent tried to ward off petitioner by pulling her head away from him,
but he persisted on kissing her against her will.
• After releasing her, petitioner said: “Ang sarap pala ng labi ni Maila...”
• Petitioner alleged that at the prodding of his staff, he agreed to treat them for
lunch, as it was respondent's birthday, and she had no money for a
“blowout”.
• He greeted respondent and planted an innocent birthday greeting kiss on
her left cheek,near her lips.
• the Office of the Ombudsman Administrative Adjudication Bureau,
through GraftInvestigation Officer Marlon T. Molina, issued a Decision
finding petitioner guilty ofGRAVE MISCONDUCT
• Penalty of DISMISSAL.
In the absence of MORAL ASCENDANCY

You might also like