Professional Documents
Culture Documents
Ang buhay dito sa mundo ay masasabing walang katiyakan. Iniluwal ang bawat nilalang sa oras nang walang nakaaalam at ang
buhay na kaloob na ito ay maaaring mawala o bawiin sa takdang oras. Kaya naman nararapat na gawin ng tao ang kaniyang tungkulin
habang naririto siya sa mundong ibabaw. Isa na sa kaniyang moral na tungkulin ay ang pagpapamalas ng kabutihan o kagandahang-loob sa
kapwa.
Sa kasalukuyang panahon, maririnig at mapapanood sa mga balita ang tungkol sa iba’t ibang krimeng nagaganap sa ating bansa at sa buong
mundo. Sa Tsina halimbawa, isang munting bata ang hinayaang masagasaan ng sasakyan at walang pakundangang iniwan sa daan. Dito
naman sa ating bansa noong nakaraang taon, isang MMDA traffic enforcer ang pinagalitan at sinaktan ng isang pribadong mamamayan. Sa
isa pang kaganapan, isang bata na nasa unang baitang ang napatay ng isa ring mag-aaral na nasa ika-limang baitang nang dahil lamang sa
paglalaro ng holen. At ang huli, isang kasambahay ang minaltrato ng kaniyang amo sa pamamagitan ng pagplantsa ng kaniyang mukha,
pagkukulong dito, at pagpapakain ng sirang pagkain. Tila nagiging mahirap ng magpakabuti o magpakita ng kagandahang-loob sa kapwa.
Tunay na bang nawala ang kabutihan o kagandahang-loob dito sa mundo? Napakasakit matunghayan at maramdaman na may mga
pangyayaring ganito. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay isa sa mahirap unawain at maisabuhay lalo na kung ang pakikipagkapwa ang
tatalakayin. Ano nga ba ang kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob? Ano ang kinalaman nito sa pakikipagkapwa?
Ang salitang kabutihan o kagandahang-loob ay magkasingkahulugan. Ang una ay hango sa salitang-ugat na buti na nangangahulugang
kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob. Ang loob ay
tumutukoy sa “inner self o real self”. Ang “inner or real self” na tinatawag ay ang kakanyahan ng tao. Dito sa “inner self” na ito naroon ang
tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao. At ayon sa ilang may-akda, ang lahat ng mga pagpapahalaga at birtud ng tao ay bumubukal sa
kabutihan o kagandahangloob.
Kaligayahan, Kabutihan, o Kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles
Binigyang-lalim ni Aristoteles, isang Griyegong pilosopo ang naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob. Siya ay mag-aaral ni
Plato at guro ni Alexander the Great. Ang kaniyang pilosopiya ay nagkaroon ng pangmatagalang impluwensya sa pag-unlad ng lahat ng
“Western philosophy”. Isa sa mga etikang naisulat ni Aritoteles ay ang Etika Nikomakiya. Dito sa nabanggit na etika ay tinalakay niya ang
kaligayahan. Bago niya pinalawig ang tungkol sa kaligayahan, binigyang-diin niya kung ano ang pagpapakatao. Ayon sa kaniya, hindi ang
pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang pagiging tao na tao. Ang pagpapakatao ay nag-uugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang
pagkilos na may layunin (telos). Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan. Pero saan ba natin
matatagpuan ang kaligayahan? Ang kaligayahan ay maaaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay nasa karangalan na
Kinakailangan pa rin ng tao ang kasarapan, karangalan at moral na birtud ngunit isaisip na ang kaligayahan ay may angking katangian. Ito ay
pangmatagalan, may kasarinlan, aktibo at panghabang-buhay. Mula sa mga katangian na nabanggit, dito makikita na ang layuning makagawa
ng maganda o mabuti ay ang magbibigay ng kaligayahan sa tao. Ang tao ay magiging lubos ang pagpapakatao kung siya ay
makikipagkapwa-tao.
Pakikipagkapwa at Kaligayahan
Suriin ang dayagram sa itaas. Ipinakikita rito ang ugnayan ng loob o inner self ng
kaligayahan.
kaniyang pagkatao. Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may
angking kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng mga nilalang dito sa sanlibutan.
Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino ay indibidwal na maaaring tumindig sa sarili niya dahil sa kaniyang kamalayan at
kalayaan. Ang tao dahil siya ay persona ay origihal ang kabutihan at ang paggawa ng mabuti ay pagpakapersona o pagpapakatao Ang
pagkakaroon ng likas na kagandahang-loob ang magbibigay-daan para sa pakikipagkapwa. At ang pakikipagkapwa-tao ang siyang
Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon ng kagandahan ng buhay. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay maipaliliwanag sa
1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha. Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos sa tao. Kaya naman
ang tao ay pinagkalooban ng ispiritwal at materyal na kabutihan. 2. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at
magandang pag-iisip, damdamin, at gawa ng tao habang namumuhay ito nang matiwasay. 3. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi
magiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na magmula sa kalooban at maibahagi sa kapwa para sa kabutihang
panlahat. 4. Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba
Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa. Ang kagandahang-loob ay hindi patungkol sa sarili lamang. Sa
halip, ito ay patungo sa kabutihang panlahat. Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob ay nangangailangan ng
Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa nasusubok kung hanggang saan tayo magiging mabuti o maipakikita ang kagandahan ng
ating kalooban.
Isang magandang halimbawa ay si Blessed Papa Juan Pablo II. Noong siya ay nabubuhay pa, isang Turkish national, si
Mehmet Ali Agca, ang naglagay ng buhay niya sa bingit ng kamatayan. Binaril ni Mehmet at nagtamo ang Santo Papa ng
apat na tama ng baril - dalawa sa kaniyang bituka, isa sa kanang braso at sa kaniyang kaliwang kamay. Matapos ang
pagpapagaling ng Santo Papa ay nakuha pang dalawin, kausapin, at gawaran ng kapatawaran si Mehmet sa nagawa niya.
Isang natatanging ugali at birtud ang magpakita ng kagandahang-loob sa kabila ng sakit na naramdaman. Dahil likas ang kagandahang-loob
sa isang nilalang, walang hanggan ang paggawa nito sa kapwa. Ang magiging daan ng isang indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa
ng mabuti ay ang kaniyang “transcendent self”. Sa Pilosopiya, ang transcendence ay nangangahulugang “going beyond”. Ang isang tao ay
may kakayahang malampasan ang anumang pagsubok o tukso na darating dahil may talino at lakas na nagmumula sa kaniyang kalooban.
Kadalasan ang paggawa ng kabutihan ay nagkakaroon ng limitasyon. Nanaisin na lamang natin gumawa o magpakabuti sa mga taong alam
nating masusuklian ang ating ginawa. Sa pagkakataong ito, masusubok ang ating pagpapakatao: kung likas tayong may kabutihan o
kagandahang-loob.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga tao o grupo ng mga mapagkawanggawa ang patuloy na gumagawa ng kagandahang-loob kahit
na walang kamera o media na nakabantay. Isa na rito ang Buddhist Tzu Chi Foundation dito sa ating bansa. Ang grupo ay binubuo ng mga
Pilipino at Tsino na ginagabayan ng mga turo at aral ng kanilang foundress na si Dharma Master Cheng Yen. Ang grupo ay tumutulong sa
aspekto ng edukasyon, medisina, pangangalaga ng kalikasan, at kawanggawa sa mga nasalanta ng kalamidad. Tulad na lamang ng
magkapatid na Leah and Rachel Awel na nabiyayaan ng kabutihan ng grupong nasabi. Ang magkapatid ay conjoined twin na sa
pamamagitan ng operasyon ay napaghiwalay ang magkadikit na puso noong sila ay bagong panganak. Matapos ang siyam na taon, sila ay
sinusuportahan pa rin ng Foundation. Ang magkapatid ay nag-aaral sa isang ChineseBuddhist na paaralan at ang kanilang ama ay nabigyan
ng trabaho bilang isang volunteer sa Foundation. Patuloy rin silang tinutustusan sa kanilang pangangailangang pinansyal. Ayon sa
magkapatid na Leah at Rachel, pangarap nilang maging doktor at guro upang makagawa rin sila ng kabutihan sa kapwa.
Dito rin papasok ang tinatawag na “unconditional love” o pag-ibig na walang pinipili o pasubali. Sa Bibliya, napatunayan ang kagandahang-
loob sa katauhan ni Hesus ng kaniyang pakitunguhan nang mabuti sina Maria Magdalena, Zakeyo, at Pedro. Si Pedro, sa kabila ng kaniyang
munting pananampalataya, ay nagawa pang ipagkatiwala sa kaniya ang Simbahan. Sa iba pang pangyayari, matutunghayan natin na ang
paggawa ng mabuti o pagpapakita ng kagandahang-loob ay nagmumula sa pagkatao ng tao na nag-aangkin ng “unconditional love”.
Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob at ang tinatawag na “unconditional love” ay mga hamon na nagbibigay-daan upang
maisabuhay din natin ang pagiging mapagbigay ng sarili o maisakripisyo ang sarili para sa isang higit na pinapahalagahan.