You are on page 1of 3

PAGLALAHAD:

Sa kasalukuyang panahon lubos nang lumalaganap sa ating lipunan ang mga


kapatid nating homosexual o kung tawagin ng iba ay bakla, tomboy, transgender at marami pang
iba. Napakabilis nang kanilang paglaganap kung saan iba't ibang organisasyon na ang naitatatag
upang sumuporta at makibahagi sa ginagawa nilang laban tungo sa pagkakapantay- pantay.
Marami na rin ang isinusulong na batas at ordinansa upang sila ay pangalagaan.
Ngunit atin bang masasabi na sapat na ang mga ito upang sila ay ilayo mula sa iba't ibang
kapahamakan, diskriminasyon at karahasan na patuloy nilang nararanasan? Para sa amin hindi
maituturing na sapat na ang mga ordinansang ipinapatupad sa ating bansa upang sila ay
proteksiyonan. Dahil kung sapat na ito, sa aming palagay dapat ay wala nang kahit sinumang bakla,
tomboy o tao na parte ng LGBTQI ang nakakaranas ng diskriminasyon at pangaabuso. Pero kung
ating titingnan ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan makikita agad na napakalaki ng
kakulangan natin pagdating sa pangangalaga sa kanilang lahat. Marami ang napeperahan,
naaabuso, napapagtawanan dahil lamang sa pagpapakatotoo nila. Marami rin ang nayuyurang
dignidad dahil sa iba't ibang masasakit na salitang ibinabato laban sa kanilang pagkatao. Dahil dito
sa ating bansa, kapag ikaw ay naging isang bakla, tomboy o ano pa man, hindi ka pa nila nakikilala
mababa na agad ang tingin nila sayo. Marami rin ang hindi kumikilala sa kakayahan nila at higit
sa lahat marami sa atin ang nandidiri at nasusuklam sa kanilang pagkatao. Itinuturing sila bilang
mga taong hindi dapat seryosohin at mahalin. Oo, maaaring hindi lahat pero marami ang ganito
ang pananaw sa atin. Gayundin naman hindi rin sila nakaligtas mula sa mga karumaldumal na
pagpasalang. At ayon nga sa UNDP o United Nation Development Program nakapagtala ng halos
41 pagpatay ng mga transgender dito sa ating bansa mula taong 2010 hanggang sa kasalukuyan.
Hindi pa kasama rito ang mga bakla, tomboy at marami pang iba. Maaaring sabihin ng iba na
kakaunti lamang ito, pero ang ating pinaguusapan ay buhay ng tao. Mapabakla, tomboy o anumang
kasarian ang meron ka, karapatan mong mabuhay. At ang mga pangyayaring ganito ang siyang
nagpapatunay na hindi talga sapat ang ibinibigay nating proteksyon para sa kanila. Isama mo pa
doon ang mga taong hindi sumusunod sa mga ipinapatupadad o naipataupad na batas hinggil sa
kapakanan ng LGBTQI. Isang mambabatas rin ang nagsabing meron tayong mga batas, ngunit sa
kasamaang palad hindi ito nasuaunod. Kasalanan ba nilang ipinanganak silang ganoon, kasalanan
bang sumunod sa kagustuhan ng kanilang puso? Hindi, dahil bilang isang tao karapatan natin yun.
Karapatan nating magpakatotoo, umibig at ibigin kahit ano ka man.
Oo meron tayong mga batas gaya na lamang ng LGBT APPLICANTS TO
GOVERNMENT SERVICE o batas na nagbibigay karapatan sa mga LGBT members na
makapagtrabaho sa mga government agencies, CIVIL SERVICE COMMISION’S UNIFORM
POLICY o ordenensang nagbibigay karapatan sa mga kapatid nating homosexual na suotin ang
anumang gusto nilang pananamit kung wala namang sinusunod na polisiya ukol dito. Ngunit kung
ating mapapansin wala sa mga ito ang maaring magbigay proteksyon sa kanila. Ang tanging
magagawa ng mga batas o ordenansang ito ay bigyan sila ng pantay na karapatan gaya ng sa ibang
kasarian pero hindi ang proteksiyon. Maaring sabihin natin na meron namang ANTI-
DISCRIMINATION ACT ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa ito naiisabatas at nakabinbin pa sa
senado. Kaya paano nating masasabi na may sapat tayong batas upang proteksiyonan sila? OO
MERON TAYONG BATAS PERO SA AMING PALAGAY KULANG AT HINDI ITO SAPAT.
Bukod sa hindi ito naususunod ay marami paring Pilipino ang tumataliwas at hindi kumikilala sa
mga miyembro ng LGBT bilang isang taong dapat irespeto at igalang. Sama mo pa ang katunayang
maging ang kanilang puso ay hindi natin napoprotektahan. Dahil hanggang sa kasalukuyan ay
hindi pa rin naipapasa sa ating bansa ang ordinansang magbibigay pahintulot sa SAME SEX
MARRIEGE. Pano natin masasabing may sapat tayong batas upang pangalagaan sila kung
mismong ang pangunahing pangangailangan o isa sa mga pinakaimportanteng karapatan ng isang
tao ay hindi natin maibigay sa kanila tulad na lamang ng karapatang magmahal at makipagisang
dibdib sa taong maaari nilang makatuwang panghabangbuhay. Hindi ba’t sa parteng ito ay hindi
na agad natin sila napoprotektahan mula sa pighati at kapaitan ng pagiging mag-isa sa buhay. At
sa atin bang palagay ay magkakaroon ng iba’t ibang pagkilos ang mga organisasyong sumusuporta
sa LGBT kung sa tingin nila ay sapat na ang mga ito?

REBUTT:
 Ngayon paano nyo masasabing may sapat tayong batas upang protektahan sila kung may
mga miyembro pa rin ng LGBT community ang nakararanas ng iba't ibang pang-aabuso,
diskriminasyon at maging pagpatay hanggang sa kasalukuyan? Paano nyo masasabing
may sapat kung wala pa namang tuwirang batas na pumoprotekta sa kanila? Paano nyo
masasabing tama na ang bilang ng batas na mayroon tayo kung hanggang ngayon ay
nakakarinig pa rin tayo ng mga hinaing mula sa kanila? Hindi ba't ang mga pagdaing na
ito ay nangangahulugang may pagkukulang pa tayo? Sa tingin nyo ba dadaing sila at
magwewelga kung kuntento at sapat na ang mga batas na binibigay natin para
proteksiyunan ang mga kapatid nating homosexual?

 Sa punto namang ito mapapatunayan nyo bang sapat na ang mga batas na ipinapatupad sa
ating bansa ukol sa mga kababayan nating homosexual gayong wala namang batas na
tuwirang nagbibigay proteksiyon sa kanila laban sa iba't ibang diskriminasyon at pang-
aabuso? Masasabi nyo bang sapat na ang mga ito kung may mga tao pa ring namamatay
dahil lang sa pagiging miymbro ng LGBT community? Masasabi nyo ba na meron at
sapat na ito? kung sa kasalukuyan ay hindi pa rin naiisabatas ang Anti Dicrimination Act
para sa ating mga kababayang miyembro ng LGBT. Oo merong batas pero hindi naman
ito nakatutulong upang protektahan ang kapakananan ng LGBT community.

FINAL:
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may magandang pakikitungo at pagtanggap sa LGBT
community. Ngunit hindi natin maikaka-ila na marami pa rin sa kanila ang nakakaranas ng iba't
ibang pang-aabuso at diskriminasyon mula sa mga mamayan ng ating bansa. Marami ang nalalait
at namamaliit dahil sa kanilang pagkatao o dahil sa kasarian na meron sila. Dito rin natin
mababakas ang kakulangan ng ating lipunan pagdating sa mga ordenansang maaring magbigay
proteksyon para sa mga kababayan nating homosexual. Dahil kung meron na tayong sapat na
batas ukol sa usapin, marahil ay wala nang kahit isang bakla o lesbian ang nakakaranas ng kahit
anong panghuhusga at di makatarungang pang-uusig. Marahil ay wala na rin tayong nakikitang
iba't ibang organisasyon na nagwewelga at humingi ng pagkakapantay- pantay ng bawat kasarian
sa ating pamahalaan. Siguro ay natatamasa na rin nila ang mga bagay na dapat matamasa ng
isang tao, gaya na lamang ng pagpapakasal. Ngunit sa kasalukuyan malayo pa sa kasapatan ang
mga batas na mayroon tayo upang sa gayon ay tuwiran nating maprotektahan ang ating mga
kababayang kasapi ng LGBT community. Dahil karamihan sa mga batas na may kaugnayan sa
kanila ay kasalukuyan pa lamang dinidinig ng hukuman at wala pang kasiguraduhan na
maipapasa ito at maipapatupad bilang isang saligang batas. Masasabi rin naman na may batas,
ngunit marami rito ay patungkol sa mga ordenansang nagbibigay sa kanila karapatang kagaya ng
sa mga lalake at babae. Pero wala ni isa ang maaaeirng maituring bilang ordenansa na
magbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa iba't ibang uri ng diskriminasyon, pang- aabuso at
hindi pantay na pagturing. Dahil dapat nating pakatandaan na hangga't may nahihirapan at
naagrabiyado, hindi natin tuwirang masasabi na sapat na ang aksyong ginagawa natin upang
tugunan ang suliranin. Bagkus, nangangahulugan ito na dapat pa nating pagpursigihan ang ating
ginagawa upang sa gayon ay maresolba natin ang problemang ating kinakaharap. At ito rin ang
dapat nating gawin upang tugunan ang kakulangan sa batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT
community. Dapat nating gawin ang lahat hangga't nakakakita tayo ng mga homosexual na
naabuso at nahuhusgahan upang sa gayon ay masolusyonan natin ang hindi kasapatan o sulirinin
dito sa ating bansa.

You might also like