You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

FAR EASTERN UNIVERSITY


Cinco, Gwyneth Allen
Concepcion, Caedhleen Mharr
______________________________________________________________________________

Matigas na Layon sa Tinig ng Malambot


Kung maikukumpara sa ibang bansa, maituturing parin ang bansang Pilipinas bilang isa
sa mga nasyong malugod na tinatanggap ang komunidad ng LGBTQIA (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, Queer, Intersex, and Asexual). Nariyan kasi ang Uganda, kung saan ipinasa ang
Sexual Offenses Bill na sinasaad ang mga gawaing sekswal sa parehong kasarian bilang gawaing
kriminal. Bukod pa rito, pitong bansa (Brunei, Iran, Mauritania, Qatar, Saudi Arabia, Sudan, at
Yemen) sa ating mundo ay pinapanatili ang pagpaparusang kamatayan laban sa pagpapakita ng
mga pag-uugaling nakapaloob sa pagiging miyembro ng LGBTQIA. Kabilang dito ang mga
gawaing sekswal tungo sa kaparehong kasarian, at pagpapahayag ng iyong tunay na kasarian
kagaya ng pagsusuot ng damit na hindi angkop sa iyong itinalagang kasarian pagkapanganak.

Subalit, malinaw parin ang karahasan na nararanasan ng mga miyembro ng naturing


komunidad sa ating bansa. Ayon sa pag-aaral ni Espiritu (2022), ilan sa karanasan ng mga
Pilipino na kinikilala ang kanilang sarili bilang kaisa ng LGBTQIA ay ang hindi pantay na
pagtatrato, pananamantala, pagbubukod, diskriminasyon, bullying, at panghuhusga.

Relihiyon at Ideolohiya

Likas ang poot ng ibang mga Pilipino tungo sa mga kababayan nilang kakaiba ang
kasarian. Maaaring isa sa mga dahilan nito ang mga relihiyosong paniniwala ng mga Pilipino.
80.6 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ay kabilang sa Simbahang Katoliko. Sa loob
ng 333 taong pananalagi ng mga Espanyol sa ating bansa, hindi na kataka-takang nakarating na
ang Katolisismo sa bawat sulok ng Pilipinas. Bagaman sinisigurado ng Konstitusyon ang
seperasyon ng simbahan at estado, ang mga argumento at usaping batas ay lubhang na-
iimpluwensiyahan ng mga tuntunin at prinsipyo ng Simbahang Katoliko. Pinatunayan ito ng
tinaguriang “Pambansang Kamao” na ngayon ay Senador, Sen. Manny Pacquiao, nang siya ay
tumutol sa same-sex marriage dahil daw umano sa sinasabi ng Bibliya.
Dahil sa ganitong katangian ng kapaligiran, natural lang na maging konserbatibo ang
ideolohiya ng karamihan sa mga mamamayang Pilipino. Marami sa mga tradisyon, kultura, at
paniniwala na nakapaloob sa sekswalidad ay salungat laban sa mga miyembro ng LGBTQIA. Ito
ay marahil nagreresulta sa pag-aalangan nilang ipahayag ang kanilang sarili sa publiko.

Nariyan din ang pagiging patriyarkal na komunidad ng Pilipinas. Sa sistemang ito


namamayani ang pagiging maskulado o pangingibabaw ng kalalakihan sa lipunan. Hirap
tanggapin ng mga magulang ang pagiging bakla ng kanilang anak na lalaki sapagkat sila ay
inaasahang itaguyod ang kanilang lahi sa susunod pang henerasyon. Maaring mahinuha dito na
hirap ang mga magulang sa ating bansa na kilalanin ang tunay na katangian at sekswalidad ng
kanilang anak at hayaang ipahayag ang kanilang sarili, kung saan maaring humantong sa pisikal
at emosyonal na pang-aabuso.

Kalapastanganan, Karahasan, at Pang-aapi

Lumiliit ang kumpiyansa sa sarili ng mga indibidwal na nabibilang sa LGBTQIA dahil sa


panlipunang kritisismo, pang-mamaliit, at maagang panghuhusga. (Sheshadri at Math, 2013). Sa
panahon ng proseso ng paglaladlad, maraming nakakaranas ng pam-bubully hindi lamang sa
kabataan kundi sa mga matatandang miyembro ng naturing komunidad. Dagdag pa, ayon kay
Ybarra ML (2015), ang mga kabataang biktima ng bullying mula sa LGBTQIA ay konektado sa
mga isyu patungkol sa kalusugang pangkaisipan gaya ng sintomas ng depresyon, mga ideya ng
pagpapakamatay, at mga pagtatangkang magpakamatay.

Ang mga miyembro ng LGBTQIA ay ang mga pangunahing target ng karahasan batay sa
pananampalataya o faith-based violence. Bilang lito sa kanilang sariling pagkakakilanlan at
sekswalidad, sabay pa ang interogasyon sa kanilang pananampalataya ng kanilang lipunan at
pamilya. Dahil dito, hirap silang isangkot sa kanilang araw-araw na pamumuhay.ang mga aral at
prinsipyo na nakapaloob sa kanilang relihiyon.

Batay rin sa pag-aaral ni Espiritu (2022), and mga physical trauma na sanhi ng
pagpapahirap at mental na pang-aabuso ay maaring humantong sa depresyon at anxiety,
paggamit ng pinagbabawal na droga, at pisikal at domestikong karahasan.

Kakulangan ng Suporta sa Gobyerno


Hanggang sa araw na ito, naghihintay parin ang ating mga kababayan na miyembro ng
LGBTQIA na matapos ang diskriminasyon laban sa kanila. Ito ay sa pamamagitan ng pag-apruba
ng Anti-Discrimination Bill o ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE)
Equality Bill, na kung saan ay maaalalang pinanukala noon pang taong 2000 ng yumaong
Senador Mirriam Defensor-Santiago at dating Akbayan Partylist Representative Etta Rosales.
Natapos na ang dalawang dekada, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito naisasabatas.
Layunin nitong wakasan ang diskriminasyon laban sa LGBTQIA sa pamamagitan ng
pagpaparusa sa mga taong sangkot rito. Maraming mambabatas ang tutol o kinukuwestyon ito,
madalas ay gamit lamang ang kanilang rasyonal na pag-iisip at pananampalataya.

Ngunit bukod sa SOGIE Bill, marami ring naisabatas na polisiya na naglalayong wakasan
ang pam-bubully at diskriminasyon sa iba’t ibang komunidad. Gayunpaman, kahit muka itong
matibay kung basahin, hindi naman naipapatupad ng husto at sapat.

Konklusyon

Dahil lantad na ang impormasyon sa internet, marami na ang maaring makakita ng


importansya ng pagkakaroon ng patas at pantay na pagkilala sa mga miyembro ng LGBTQIA.
Subalit, laganap din ang maling impormasyon sa platapormang ito, kung kaya ay kailangan ng
masusing pag-aaral at pag-aanalisa sa mga salik na nakapaloob dito. Marahil maaring bigyan ng
pansin ang pagkakaroon ng karumpatang edukasyon ukol sa sekswalidad at LGBTQIA ang mga
kabataan sa tamang edad. Ito ay upang maunawaan nila ang lalim at importansya ng pagkataong
ito sa murang edad pa lamang. Mawawakasan nito ang diskriminasyon laban sa mga miyembro
ng naturang komunidad dahil maibabatid na nila kung gaano ka-sensitibo ang usaping ito mula
pagkabata pa lamang.

Ang tao ay hindi namumuhay ng mag-isa kailanman, at sa lahat ng panahon ay namuhay sa


isang lipunan. Hindi siya namumuhay mag-isa sapagkat siya ay namumuhay kaugnay ng iba
pang mga tao. Kagaya ng lahat, ang mga miyembro ng LGBTQIA ay naglilingkod at nagbibigay
din ng kanilang sebisyo para sa kabutihang panlahat at kaunlaran ng lipunan. Sila rin ay kabilang
sa mga taong iyong kailangan upang mabuhay, sila rin ay kailangan ang ibang tao, sapagkat sila
rin ay miyembro ng lipunan. At higit sa lahat sila rin ay nangangailangan ng karapatang pantao,
dahil sila rin ay tao.
Biblyograpiya

6 issues the global LGBTQ+ community is still fighting. Global Citizen. (n.d.). Retrieved
October 17, 2022, from https://www.globalcitizen.org/en/content/fight-for-lgbtq-rights-
around-the-world/

Espiritu, E. J. P. (2022). Raise Your Flags: Exploring The Coming Out Process Of Identified
Lgbtq In Davao Del Norte, Philippines. University of Mindanao Tagum College.

Moya, J. (n.d.). How well do you know the sogie equality bill? Tatler Asia. Retrieved October 17,
2022, from https://www.tatlerasia.com/culture/arts/pride-month-2021-sogie-equality-bill-
timeline

Philippines: LGBT students face bullying, abuse. Human Rights Watch. (2020, October 28).
Retrieved October 17, 2022, from https://www.hrw.org/news/2017/06/21/philippines-lgbt-
students-face-bullying-abuse

You might also like