You are on page 1of 1

Posisyong Papel Hinggil sa Karapatang Pantao ng mga Kabataang LGBTQ+

Dian Joe Mantilles

Ang kultura at kasariang sumasaklaw sa kaluluwa ng bawat kabataang Pilipino: kailanpama’y hindi
magiging batayan upang mahusgahan ang kakayahan, abilidad at karunungang pantao.

Tunay ngang nakaukit na sa kamalayan ng bawat mamayang Pilipino na ang pagiging LGBT (Lesbiyan,
Bakla, Biseksuwal at Transgender) ay tumataliwas sa kautusan ng Diyos at sa kung ano pa mang relihiyon ang
laganap sa buong kapuluan. Ang pagkasadlak ng ilang mamayang Pilipino sa aspektong ‘idyotismo’ patungkol
dito ang siyang nagbubunga ng walang katapusang diskriminasiyon, panghuhusga at pagkamuhi sa mga
miyembro nito. Laganap din sa bansang Pilipinas ang mga berbal, pisikal at katakot-takot na pagtatanggi sa
kalayaan ng mga kabataang ito upang maipakilalang lubos ang kanilang mga sarili sa bawat lipunang
kinabibilangan.

Buhat sa aking nag-aalab na damdamin at bukas na kamalayan patungkol isyung ito, nagsaliksik ako ng
mga umiiral na ordinansang nagmula sa ating lokal na gobyerno na siyang nagbibigay proteksyon, kalayaan at
karapatan sa aming komunidad. Mabigat man ang kinahaharap ng LGBT sa umiiral na kultura at pamumuhay sa
bansang Pilipinas, hindi ako nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na tuluyan nang mabubuksan ang
saradong mga isipan ng ilan sa ating mga kababayan. Narito ang ilang patunay na ang bansang Pilipinas ay nasa
proseso na sa pagsang-ayon at pagpapalit-kondisyon ng mga naturang suliraning kinahaharap ng LGBT
Community:

Mainit ang usapan tungkol sa “Bill 18” – a proposed law which combats bullying, protects our children
and ensures that our schools are safe spaces. Kabilang dito ang pagrespeto sa anumang sexual orientation ng
isang tao o estudyante. Sa aking pananaw, ito ay isang pagdiriwang ng civil liberties at fundamental human
rights o karapatang-pantao ng sinumang nilalang.

Bukod dito, ang Anti-discrimination Bill ay isinusulong na rin ng mga lider ng Kamara. Ang LGBT ay
kabilang sa poprotektahan. Inihayag ng dalawang lider ng Kamara de Representantes na isusulong nila ang
panukalang batas na naglalayong alisin ang diskriminasyon sa iba’t ibang sektor kabilang na sa lesbians, gays,
bisexuals, and transgenders (LGBT).

“I am for the anti-discrimination bill,” deklarasyon ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., kasunod ng
paghahain nina Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao at Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat Jr., ng magkahiwalay na
panukalang batas tungkol sa nasabing usapin. Layunin ng inihaing panukala sa Kamara na maalis ang
diskriminasyon at stigma na nararanasan umano ng tinatawag na LGBT community.

Idinagdag ni Baguilat na mas makabubuting ang Anti-discrimination Bill ang isalang sa deliberasyon sa
halip na ang mas kontrobersiyal na same-sex marriage na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko.

Ilan lamang ang ito sa mga ordinansang patuloy na sumasailalim sa ating gobyerno. Ang pakikibaka ng
mga nasa LGBT Community ay patuloy na mananatili sa mga kamara at korte suprema. Higit pa rito, marami na
ring mga international na samahan ang tumutulong sa LGBT Community nang sa ganoon ay matuldukan na ang
diskriminasyon sa bawat bahagi ng buhay. Sa tulong na rin ng teknolohiya, maraming websites ang nagbibigay
serbisyo upang matugunan ang anumang hustisya ang hangarin nakararami sa mga miyembro nito.

Napakaraming kabilang sa LGBT Community ang matagumpay ngayon sa buhay sa iba’t ibang larangan –
mula sa pag-aartista, pagnenegosyo at maging sa politika. Hindi ko iniaangat ang aming komunidad upang
maliitin ang kakayahan ng isang tunay na babae at lalaki. Ang nais ko lamang ay patayin na ang diskriminasyon
na tila humahadlang sa ating kapatiran bilang tao na nilikha ng Diyos. Masasabi kong ang kasarian ay hindi
ganoon kahalaga sa usapin ng pagiging totoong tao. Ano man ang iyong kasarian, mapa-lalaki o babae ka man,
bisexual o homosexual, ang mahalaga ay ang pagpapakatotoo at ang mga nagawa mong kabutihan hindi lamang
upang paunlarin ang sarili mo kundi maging ng kapwa mo. Sa ispiritwal namang usapin, lahat tayo ay pantay-
pantay sa mata ng Panginoong Lumikha ano man ang ating napiling kasarian at pagkatao. Siya lamang at wala
nang sinuman ang maaring makaalam at makapanghusga kung karapat-dapat tayong makapasok sa kanyang
kaharian at makadama ng walang katapusang kaluwalhatian!

You might also like