You are on page 1of 2

HUMSS121

Karapatang Pantao: Dapat na Paghihiwalay ng Estado sa Simbahan

Isa ka bang relihiyosong tao o mas pinapanigan mo ang lohikal na pag iisip?
Pilipinas ay isa sa mga bansa na kilala na napapalibutan ng relihiyon lalo’t lalo na
ang kristiyanismo. Sa kadahilanan na dinala rito ng ating mananakop na mga
Espanyol ang katolisismo. Dahil sa malakas na impluwensya ng relihiyon sa
Pilipinas, naaapektuhan din ang pagsasabatas ng mga Bill para sa karapatang
pantao.

SOGIE Bill ay may layunin na mag bigay ng pantay pantay na pagtrato sa mga
miyembro ng komunidad na LGBTQ. Sa kasalukuyang panahon ay tuloy tuloy pa rin
ang pagtaas ng mga kaso ng deskriminasyon, abuso, at iba pa laban sa komunidad
na ito. Kapag buhay na ng mga tao ang nakasalalay at karapatang pantao na ang
nakasugal. Mas uunahhin pa ba ng mga mambabatas ang paniniwala kahit nasa
harap na nila ang mga datos kung saan nakakabahala na ang mga binibigay na
ibig-sabihin nito.

Sumunod, Same-Sex marriage kung saan ang pinaka-malaking hamon ng mga tao
na puma-pabor at umaasa sa pagpapapasa nito ay lumalabag ito sa Executive
Order No. 209 ng Philippine Constitution kung saan nakasad na ang kasal ay isang
espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at
isang babae na pasok alinsunod sa batas ng ating bansa. Isa sa mga malaking
impluwensya kung bakit hindi naisasabatas ang Same-Sex Marriage ay dahil sa
ating relihiyon at tayo ay isang “predominantly Catholic nation”. Ngunit hindi naman
ito sapat upang hindi natin pagbigyan ng normal na pamumuhay ang mga
magkasintahan na nasa komunidad na ito, hindi ba?

Dahil ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa. Isa rin sa mga naging diskurso
ay ang divorce kung saan ito ay ipinapawalang bisa nito ang pagkakakasal. Marami
akong rason kung bakit gusto kong maipabisa ang batas na ito. Noong 2019,
umabot sa 9,935 ang mga kaso ng domestic abuse. Sa panahon na ikaw ay
nagpakasal, ikaw ay habang buhay na nilang makakasama at magiging isang
pamilya na rin. Ngunit hindi lahat ng pamilya ay nagiging matagumpay. Naituturing
na stigma sa atin ang diborsyo. Iba ang nagiging pananaw ng ibang tao sa iyo dahil
taliwas ito sa nakasanayan sa ating kultura na muli ay naimpluwensyahan ng ating
simbahan.

Nakasaad sa 1987 Philippine Constitution's Article 3, Section 5 na “No law shall be


made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free expression
thereof.” at ang “No religious test shall be required for the exercise of civil or political
rights.” kung saan ang ibig sabihin nito ay walang kahit ano man na relihiyon ang
magiging hadlang sa pag gamit at pag gawa ng mga karapatan na pang sibil o
pampulitika. Hindi sapat ang pahayag ni Remulla na dahil tayo ay isang predominant
catholic nation ay dapat hindi na rin pagtuunan ang mga paksa na iyon. Hindi dapat
kailanman nakikialam ang simbahan sa usapin na ito. Lagi sanang isipin ng ating
mambabasa na walang bahagi ang relihiyon sa usaping SOGIE Bill, Ni ang kasal,
diborsyo, at iba pa. Ang lahat ng ito ay dapat na umiiral at nangyayari nang
nahihiwalay sa relihiyon at lagi nating iisipin ay ang kapakanan ng sambayanan sa
usaping sibil.

Sors:
https://www.pewresearch.org/fact-tank/2015/01/09/5-facts-about-catholicism-in-the-p
hilippines/
https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2014/1015_aquino1.asp
https://www.divinalaw.com/news-and-updates/sogie-equality-bill/
https://www.officialgazette.gov.ph/1987/07/06/executive-order-no-209-s-1987/
https://conventuslaw.com/report/same-sex-marriage-and-its-legal-hindrance-in-the/
https://phil-annulment.com/divorce-laws-in-the-philippines/
https://www.modernfilipina.ph/tips/domestic-abuse-philippine
https://www.onenews.ph/articles/phl-rejects-calls-to-pass-sogie-same-sex-marriage-
divorce-bills?fbclid=IwAR3Q4PHJV0kCOE4rmGeDuUSPUjt0clM9al3dMwml6rCOwV
v92P_g0ZKmuqA
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-
of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-iii/

You might also like