You are on page 1of 13

Legalisasyon ng Same-Sex Marriage sa Pilipinas(Posisyong

Papel)
Posted on September 30, 2017

“Same-sex marriage” ay isang legal na pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, hindi lang sa mata ng tao ngunit pati
na rin sa mata ng batas. Isa ito sa mga isyung panlipunan na dapat na binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na
ang legalisasyon nito sa mga karatig na lugar. Kaya naman, ang pagnanais ng LGBT Community na makilala ang
indibidwal at sosyal na karapatan ay lubhang lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same-Sex Marriage na
siyang tinutulan ng simbahan at makapilipinong lipunan.

Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang karapatan ng mga “homosexual” sa bansa kaya malaya
ang lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Community) na maipahayag ang kagustahang
ipatupad na sa bansa ang kasal ng parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na maisulong ang Same-Sex Marriage ay
ibang usapan na; maaring magdudulot ito ng malaking dagok sa Simbahang Katoliko at pagkasira sa kahulugan ng isang
tradisyonal na pamilya.

Una, binbuo ang malaking populasyon ng bansa ng mga Katoliko kaya naman isa itong malaking insulto sa simbahan. Sa
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ginanap, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na labag ang
same sex marriage sa kagustuhan ng Diyos dahil babae at lalaki lamang ang dapat na ikasal.Labag din umano hindi lang
sa “natural law” kundi pati sa “Canon Law” ang pagpapakasal ng parehong lalaki at babae sa Simbahang Katoliko.

Pangalawa, ang papel ng kasal ay upang magbunga ng anak at magsimula ng pamilya, na may ina at ama sa isang
tahanan na kinikilala. Kaya naman, ang magkasintahang pareho ang kasarian ay kailan may hindi makakamit ang
ganitong pangangailangan.
Ayon sa SWS Survey na ginawa noong nakaraang Mayo 2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng
Same-sex Marriage dahil una, labag ito sa batas ng Diyos at maging batas moral ng tao.

Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag ng saloobin sapagkat ito ay isang karapatang
pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas ng “Kasal” ay kailanma’y hindi tanggap ng simbahan at lipunan. Ang
pagnanais ng isang organisasyon o indibidwal na maging legal ang Same-sex Marriage ay higpit sinasang-ayonan.
Bukod dito, ang mga taong kasapi sa 52 porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay nag-iisip din na ang pag-legal nito sa
batas ay walang epekto sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na ito ay makakapagbigay ng masamang dulot sa
lipunan.

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa bansa. Maraming kahaharapin na
pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi pa bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa
ang LGBTQ ngunit hindi nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan ang Same-sex Marriage. Ayon kay
Presidente Rodrigo Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay angkop lamang sa mga
Kanluraning bansa.

You might also like