You are on page 1of 2

Legalizing Same-Sex Marriage (Posisyong Papel)

Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang karapatan ng mga


“homosexual” sa bansa kaya malaya ang lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender Community) na maipahayag ang kagustahang ipatupad na sa bansa ang kasal ng
parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na maisulong ang Same-Sex Marriage ay ibang usapan
na; maaring magdudulot ito ng malaking dagok sa Simbahang Katoliko at pagkasira sa
kahulugan ng isang tradisyonal na pamilya.

“Same-sex marriage” ay isang legal na pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, hindi


lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas. Isa ito sa mga isyung panlipunan na
dapat na binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na ang legalisasyon nito sa mga karatig
na lugar. Kaya naman, ang pagnanais ng LGBT Community na makilala ang indibidwal at sosyal
na karapatan ay lubhang lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same-Sex Marriage na
siyang tinutulan ng simbahan at makapilipinong lipunan.

Una, binbuo ang malaking populasyon ng bansa ng mga Katoliko kaya naman isa itong
malaking insulto sa simbahan. Sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ginanap,
sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na labag ang same sex marriage sa kagustuhan ng
Diyos dahil babae at lalaki lamang ang dapat na ikasal.Labag din umano hindi lang sa “natural
law” kundi pati sa “Canon Law” ang pagpapakasal ng parehong lalaki at babae sa Simbahang
Katoliko. Pangalawa, ang papel ng kasal ay upang magbunga ng anak at magsimula ng pamilya,
na may ina at ama sa isang tahanan na kinikilala. Kaya naman, ang magkasintahang pareho ang
kasarian ay kailan may hindi makakamit ang ganitong pangangailangan.

Ayon sa SWS Survey na ginawa noong nakaraang Mayo 2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi
sang-ayon sa pagpapatupad ng Same-sex Marriage dahil una, labag ito sa batas ng Diyos at
maging batas moral ng tao. Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag
ng saloobin sapagkat ito ay isang karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas ng
“Kasal” ay kailanma’y hindi tanggap ng simbahan at lipunan. Ang pagnanais ng isang
organisasyon o indibidwal na maging legal ang Same-sex Marriage ay higpit sinasang-ayonan.
Bukod dito, ang mga taong kasapi sa 52 porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay nag-iisip din na
ang pag-legal nito sa batas ay walang epekto sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na ito
ay makakapagbigay ng masamang dulot sa lipunan.

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa
bansa. Maraming kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi
pa bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi
nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan ang Same-sex Marriage. Ayon kay
Presidente Rodrigo Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay angkop
lamang sa mga Kanluraning bansa.

You might also like