You are on page 1of 1

ALIN ang ALIN?

Ayon kay Sen. Riza Hontiveros, ang pangunahing may – akda ng SOGIE Equality Bill ( Sexual Orientation
and Gender equality and Expression ) ay nagkakaroon ng kalituhan sa Malacanang hinggil sa panukalang
batas na ito at sa Anti – discrimination bill. Para kay Hontiveros, ang SOGIE Bill pa din ang
pinakamaganda at naayon na batas upang maprotektahan ang mga miyembro ng LGBTQ community
mula sa discriminasyon, karahasan at anumang uri ng bayolenteng gawain. Ayon pa sa senadora, layunin
ng panukalang batas na ito na I – promote ang pagkakapantay pantay sa kabila ng pagiging iba ng mga
nasa third sex sa ating lipunan.

Ngunit ayon kay Senate President Vicente Sotto III, malayong maipasa sa Senado ang batas na ito. Ayon
sa kanya ay kailangan pa nito ng masusing pag – aaral. Saad pa ng lider ng senado na ang Anti –
discrimination bill ay ang mas akmang batas na naglalayon din protektahan ang karapatan ng bawat tao
kabilang ang nasa ikatlong kasarian.

Alin nga ba talaga sa mga panukalang ito ang tama at makapagbibigay ng proteksyon sa bawat isang
Pilipino?

Kalimitian sa mga naabuso at nakararanas ng diskriminasyon ay ang mga taong kabilang sa third sex.
Maging sila ay nasa trabaho o nasa paaralan. At hinggil sa datos na pinag – aralan, maraming kaso na
kinabibilangan ng mga nasa LGBTQ communities ang hindi nabibigyan ng pansin at ng tamang proseso.
Ngunit ayon sa panukalang batas na Anti – discrimination bill, ang sakop nito ay ang pangkalahatang
proteksyon ng mga tao sa lipunan ano man ang iyong kinabibilangan o kasarian.

Mariin ding tinutulan ng simbahang Katolika ang SOGIE bill sapagkat ayon sa turo ng Bibliya ay babae at
lalake lamang ang nilikha ng Diyos. Ayon sa ibang panayam, para sa kanila ay lalong hindi magiging patas
ang ating batas kung isasakatuparan ang batas na ito sapagkat ito ay batas na nakapokus lamang sa
isang sector ng lipunan at maaring maaapektuhan ang nakararami.

Sa isang insidenteng naganap na kinabibilang ng diskriminasyon umano sa isang transwoman na nais


lamang na gumamit ng CR na pambabae, dapat nga ba na ihiwalay ang batas na propotekta sa mga
taong kabilang sa third sex at sa mga babae at lalaki sa lipunan?

Marahil, walang batas na makakasiguro sa ninanais na pagkakapantay pantay ng bawat isa sapagkat ito
ay magmumula sa bawat isang Pilipino. Paggalang at respeto sa karapatan ng bawat isa, higit pa ito sa
kahit ano mang batas na kayang ipasa ng senado. Ito ay magsisilbing batayan ng bawat isa upang hindi
makasakit at makatapak ng damdamin ng sinuman.

You might also like