You are on page 1of 3

SOGIE bill hindi sersertipikahang ‘urgent’ ni Duterte

Kontra-diskrimininasyon sa pangkalahatan at 'di lang kasarian, 'yan daw ang tipo ng panukalang
sesertipikahan bilang "urgent" ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kagabi kasi, inakala ng lahat na pinapapaspasan na ni Duterte ang Sexual Orientation and Gender
Identity and Expression Equality Bill, na magpaparusa sa diskriminasyong batay sa kasarian at
pagkaakit.

"Anumang magpapasaya sa kanila. Gusto ko kagaya kay Senator Enrile, 'gusto ko happy siya,'" sabi
ni Duterte nitong Martes.

Pero ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, tinutukoy niya yaong panukala na
kahawig ng sa meron sa Davao.

"Ang tinutukoy niya ay 'yung anti-discrimination law o bill, hindi 'yung SOGIE bill. Hindi 'yon,"
paglilinaw ni Panelo.

Duda naman ang tagapagsalita ng presidente kung sesertipikahan ito ng pangulo bilang urgent: "Sa
tingin ko hindi."

Aniya, dapat ay walang paboran na iisang sektor ang gobyerno. Magkakaroon daw kasi ng problema
pagdating sa "class legislation," na una nang ipinunto ni Sen. Vicente Sotto III.

"'Yung anti-discrimination law sa Davao, patungkol sa lahat. Hindi mo pwedeng i-discriminate ang
may kapansanan, special children 'yung may piniling kasarian. Sa lahat," dagdag niya.

"Dapat talagang general. 'Yun ang ayaw ni presidente kasi, 'pag nagdi-diskrimina ka laban sa isang
uri."

Matagal na itong inilalaban ng mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender at kanilang mga kakampi
para magawaran ng mas pantay na turing sa lipunang Pilipino.

Gayunpaman, tinututulan ito ng ilang konserbatibong grupo, kabilang ang ilang relihiyoso, sa
dahilang matatapakan daw nito ang "religious" at "academic freedom" nila.

'Walang dapat ika-dissappoint'

Sa kabila ng 'di pagsuporta sa SOGIE bill, sinabi ni Panelo na mas makatutulong pa nga kung ang
mas "general" na anti-discrimination bill ang maisabatas ng Kongreso.

"[B]akit naman madi-disappoint sila? 'Pag anti-discrimination bill, na mas malaking bill kumpara sa
iniisip niyo, oh 'di sasama rin sila doon," dagdag pa ni Panelo.

Nang tanungin si Panelo kung nabasa na ni Duterte ang SOGIE bill, winika ni Duterte na, "Sa tingin
ko hindi." Basta't ayaw lang daw ng presidente ang diskriminasyon.

Hindi pa naman daw alam ng spokesperson kung maglalabas ng executive order ang pangulo
patungkol sa paghihiwalay ng mga banyo.
Uminit kasi noong nakaraan ang isyu ng pag-aresto sa isang transgender woman sa Quezon City,
matapos igiit na makagamit ng banyo ng babae.

Pakambyo-kambyong tingin sa isyung LGBT

Sa paglaon ng panahon, paiba-iba ang tindig ng presidente pagdating sa pagkilala sa kasal ng mga
LGBT.

Marso 2017 nang sabihin ni Duterte na para lang sa lalaki at babae ang kasal.

Disyembre 2017 naman nang bumaliktad siya at sabihing pabor na siya rito.

Pero pagdating naman ng Hulyo 2018, sinabi ng Palasyo na tutol si Duterte sa same-sex marriage at
pinapaboran ang isang civil union.

Bumuhos muli ang galit ng publiko ngayong 2019 nang sabihin ni Digong na "gumaling" na siya sa
pagiging bakla noon.

Ilang beses na rin ginamit ng presidente ang salitang bakla bilang pag-atake sa kanyang mga
kritiko — 2018 laban sa mga paring Katoliko at 2019 laban sa rebeldeng New People's Army.

Sotto: Sogie bill hindi papasa

Muling tiniyak kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malabong pumasa ang
panukalang naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon base sa sexual orientation and gender
identity or expression (SOGIE) bill.

Ayon kay Sotto kaduda-duda ang pagpasa ng panukala dahil marami ang kontra rito.

“Very doubtful (pumasa) maraming kontra as it is,” sabi ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na hindi dapat ikumpara ang halos kalahati ng populasyon ng mundo o ang mga
babae sa isang grupo lamang. 

“Wag nyo ikumpara yung entirety of the half of the world to a certain group, wag nila kumpara…yung
women cannot be compared to a group,” dagdag ni Sotto.

Tahasan ding sinabi ni Sotto na kahit kailan ay hindi maaaring maging babae ang isang lalaki at kahit
na anong mangyari ay hindi manganganak ang isang lalaki dahil wala silang obaryo.

Maliwanag din aniya na kontra sa karapatan ng mga kababaihan ang SOGIE bill na isinusulong ni
Senator Risa Hontiveros.

Pagtutol ng isang trans woman sa SOGIE Bill, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa
netizens

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang post ng isang netizen na isang trans woman. Nagpahayag ito ng
pagtutol sa SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill at sinabi na
hindi niya ito kailangan kahit siya ay isa ring miyembro ng LGBTQ+ community.
Sa Facebook post ng transgender na si Rommel Espera, ipinaliwanag nito kung bakit hindi niya
sinusuportahan ang bill na ‘magpapalawak’ sa karapatan ng mga taong tulad niya.

“Yes, you read it right. I don’t need Sogie Bill,” ayon sa post ng trans woman.

Giit niya, “I don’t need acceptance and approval from the society. My mom has accepted me and it’s
more than enough.”

Ayon kay Rommel, sapat na ang pagtanggap ng kaniyang ina para maging maligaya siya sa gender
orientation niya. Sinabi rin nito na nirerespeto niya ang karapatan ng kababaihan dahil parte nito ang
kaniyang ina.

“I was raised by such a very beautiful woman. That is why I do respect the women’s right, because it
is also my mom’s right,” ani Rommel sa post.

Marami naman ang nagbigay ng kanilang saloobin tungkol sa matapang na pahayag ng trans
woman.

“Hoping na marami makabasa ng post mo about empowerment especially iyong baklang feeling
entitled. Galing niyo po at ang lawak ng pananaw mo,” ani ER.

“Equality within the society, you are lucky to have your mom, but not everyone has the same fate as
you do. Whatever happens, I hope the respect within among ourselves should always be implied,”
komento ni JDC.

“Hindi mo na talaga kailangan ng SOGIE Bill. Dahil sa mga sinabi mo, nasa iyo ang respeto naming
lahat,” sabi naman ni LO.

You might also like