You are on page 1of 3

Naging isyu nitong mga nagdaang araw ang mga tinatawag na trans-woman na inaresto dahil

sa pagpasok sa CR na pambabae. May mga nagsasabing ito’y diskriminasyon. Sabi naman ng Ilan, tama

lang na huwag payagan sa lady’s room ang mga bakla kahit pa sila’y sumailalim na sa sex change.

Talamak din ang misrepresentasyon ng LGBT sa Pilipinas – tulad na lang ng bakla na nahuhulog sa

straight na kaibigan, tomboy na laging nakapanglalaki lang, pinapatay lang ang mga bakla sa mga horror

movies, at marami pang iba. Naging uso rin na kapag ang lalaking attracted sa kapwa lalaki ay laging

malamya o kaya tago ang pagiging malamya. Hindi lahat ay ganito dahil kailangan nating i-consider ang

SOGIE dahil ‘di naman lahat ng bakla ay parang babae kung kumilos. Minsan, pinapakita rin sa midya na

ang bakla ay hayok sa init ng laman na malayo rin sa katotohanan. Ang mga bakla, tulad ng mga straight

na lalaki at babae, ay may iba’t ibang preferences o kagustuhan pagdating sa pakikipagtalik. Kahit sinasabi

ng iba na mas nagiging empowered na ang mga LGBT ngayon, marami pa ring negatibong danas ang

ating mga kapatid sa komunidad.


Ito ang obserbasyon ng US Professor na si Lee Badgett mula sa Center for Public Policy and

Administration ng University of Massachusetts sa kaniyang dalawang linggong pananatili at paglilibot sa

ilang mga lugar sa bansa. Si Badgett ay author ng librong When Gay People Get Married: What Happens

When Societies Legalize Same-Sex Marriage. Nagsagawa rin ng mga pag-aaral si Badgett kaugnay sa

kahirapan sa LGBT community at sa relasyon ng LGBT inclusion sa paglago ng ekonomiya. Wala pang

‘total acceptance’ sa mga LGBT members sa Pilipinas. Ayon kay Badgett sa kaniyang pakikipag-usap sa

LGBT community sa Pilipinas, masasabi niyang marami pa ring LGBT members ang nakararanas ng

diskriminasyon mula sa kanilang mga employers. Ang iba ay nahihirapang makakuha ng trabaho. “What I

heard from the LGBT people I talked to is that, there’s a certain level in many cases of tolerance for them

but not necessarily total acceptance people still sometimes face discrimination from their employers, or

they have a hard time getting a job,” sinabi ni Badgett sa panayam ng Radyo Inquirer. Ayon kay Badgett isa

rin sa mga isyung nabanggit sa kaniya ng mga nakausap niyang LGBT groups ay ang hindi pantay na

benepisyong kanilang nakukuha hindi gaya ng mga babae at lalaki. Dagdag pa ni Badgett, dito sa Pilipinas,

‘socially accepted’ ang mga LGBTs pero hindi ‘morally accepted’. Naniniwala naman si Badgett na kung

mabibigyang pagkakataon lang ang mga LGBT members na mapagkalooban ng pantay na oportunidad sa

trabaho, edukasyon at institusyon ay mas maipapakita nila ang galing at kakayahan para makapag-ambag
sa ekonomiya ng bansa. “I think there is some room for the Philippines to become more inclusive whether it

is legally or socially in workplaces, families, education and institution. And that might make LGBT people a

better contributor to the economy,” dagdag pa ni Badgett. Kailangan nating intindihin ang kanilang mga

karanasan at pagsubok sa buhay at intindihin pa lalo ang kanilang pagkatao para mas lumawak ang ating

isipan na hindi lang naka-focus heterosekswal na lalaki at babae lamang ang mayroon. Sana’y dumating

ang araw na maging ganap na ang pagtanggap sa mga LGBT, at hindi lamang tolerated dahil tao rin ang

mga LGBT, at sila’y karapat dapat lang na igalang at tratuhing kapantay ng kanilang kapwa tao, ano pa

man ang oryentasyon at gender ng mga ito.

SANGGUNIAN:

www.philstar.com

news.abs-cbn.com

radyo.inquirer.net

You might also like