You are on page 1of 2

“Diskriminasyon Batay sa Kasarian”

Diskriminasyon batay sa kasarian ay isa sa pangunahing isyu sa ating bansa. Ang sekswal na
pag-aangkop ay mga katangian ng personalidad na bahagi ng kung sino ka. Sinasaklaw nito ang
malawak na hanay ng sekswalidad ng tao, kabilang ang lesbian at bakla, bisexual at straight. Karapatan
ng tao ang pumili sa kung ano man ang kasarian na gusto nilang itawag sa kanila mapa babae, lalaki o
ano mang kasarian na parte ng LGBTQIA+. Ano- ano nga ba ang mga kasarian na pinaka naapektuhan
ng diskriminasyon?

Ang pagtalakay tungkol sa diskriminasyon batay sa kasarian ay dapat binibigyang pansin dahil
malaki ang nagiging epekto nito sa taong nakakaranas nito. Ang kasarian ay maaaring humantong sa
diskriminasyon. Ang salitang diskriminasyon ay maaaring magkaroon ng bahagyang magkakaibang
kahulugan depende sa kung ito ay nangangahulugan ng diskriminasyon sa ilalim ng batas o
diskriminasyon sa pang-araw-araw na buhay. Ayon sa EEOC, government ipinagbabawal ng batas ang
diskriminasyon pagdating sa anumang aspekto ng pagtatrabaho, kabilang ang pagtanggap, pagsisisante,
pagpapasahod, mga pagtatalaga ng trabaho, mga promosyon, pagtatanggal ng empleyado, pagsasanay,
mga karagdagang benepisyo ng empleyado, at anupa ang tuntunin o kondisyon ng trabaho. Dapat lng
itong pag bawal dahil nakakaapekto ang mga isyu ng kasarian sa trabaho sa pamamagitan ng
diskriminasyon. Halimbawa na lamang sa mga babae hindi sila pinagtatrabaho ng mga trabahong pan
lalaki na kaya namang gawin ng mga babae dahil ang tingin nila ay mahihina ang mga ito. Isa ring
naaapektuhan sa diskriminasyon sa kasarian ang mga parte ng LGBTQIA+ dahil sa hindi tanggap ng
lipunan at kung minsan ay nakakatangap din ng pagmamalupit ang mga kababaihan at LGBT sa mga
lalakihan kaya bumababa ang kanilang tiwala sa sarili at dignidad dahil nilalapastangan ang pagkatao
nila. Ngunit aminin natin na ang ibang LGBT ay nakakatulong sa ating lipunan, at minsan sila pa ang
gumagaan ang pamumuhay kaysa sa ating mga isa lang ang kasarian kaya huwag nating laitin ang mga
LGBT dapat ay ipagmalaki natin sila sa mga tagumpay na kanilang natagumpayan. Kahit sa normal na
usapan ang diskriminasyon sa kasarian ay nangyayari pa rin halimbawa nito ay ang pagsasabi na ang
mga lalaki ay dapat matigas at hindi magpakita ng damdamin. Alam naman natin na ang tao ay hindi
pare-pareho may mga lalaking mukhang malambot o mahinhin gumalaw oh kaya hindi kasing tigas ng
mga ibang lalaki ngunit hindi ibig sabihin nun ay bakla na siya oh kaya hindi na siya “straight” na lalaki.
Dapat itigil na ang pag stereotyping sa henerasyon ngayon, hindi porket sinabing maskulado ang babae,
ay tomboy na agad gayun pamandin sa lalaki hindi porket sinabing mahinhin siya, bakla na siya.

Sa kabuoan, tayo ay hindi dapat manghusga ng kasarian ng tao. Maging mapanuri tayo sa
sasabihin natin sa iba dahil hindi natin alam na baka ito ay nakakaapekto na o nakakasakit na sa
damdamin nila. Ngayong 2022 dapat ang mindset natin ay hindi naiiwan sa unang panahon. Dapat
suportado nating lahat ang isa’t isa upang hindi na magkaroon ng diskriminasyon sa kung ano man ang
tingin nating kasarian sa sarili natin. Dapat ang tingin natin sa kapwa ay pantay pantay at hindi dapat
tayo mang lamang ng kapwa tao dahil sa kasarian nila.
SOURCE :

https://www.eeoc.gov/fil/diskriminasyon-batay-sa-kasarian

You might also like