You are on page 1of 4

Camarines Sur National High School

2023-2024

FILIPINO SA PILING LARANGAN

POSISYONG
PAPEL
Francine Alliza T. Alegre
12-STEM-4

Ma’am Rayne Jullianne M. Lagrimas

IKATLONG PANGKASARIANG BANYO:


Pagkakaroon ng palikuran para sa mga LGBTQ+,
kailangan na bang ipatupad?
Sa panahon ngayon, pinag-uusapan na din ng karamihan kung nararapat na nga bang
magkaroon ng palikuran ang mga LGBTQ+. Ayon kay Neil Bryan Llemit, ang LGBT ay inisyal
na nagsasamang tumutukoy sa mga taong “lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga transgender”.
Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base
sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit upang tingnan ang kahit
sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na homosekswal, biseksuwal at
transgender. Ayon naman sa Wikipedia, ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa
mga taong “lesbiyana, gay, biseksuwal, at mga transgender”. Sa pagpapatupad ng pagkakaroon
ng palikuran para sa mga LGBTQ+, ako ay sumasang-ayon dito sapagkat ito’y sumisimbolo ng
ating pagrespeto sa kanila.

Ayon sa kabilang panig, sila ay hindi sang-ayon o sila’y tumututol sa pagkakaroon ng


palikuran para sa mga LGBTQ. Mula kay Al G. Pedroche, “Sabihin man na morally wrong,
hindi maikakaila na aprubado na ng lipunan ang mga members ng LGBT lalo pa’t ikokonsidera
ang kanilang kontribusyon sa iba’t-ibang larangan. Mayroon na nga tayong Represante sa
Mababang kapulungan na isang trans-woman. Ngunit hindi naman ang lahat ng kanilang gusto
ay dapat pagbigyan”. Maramipang sinabi si Al at tinapos niya ito sa pagsabi na “Dapat siguro,
gawin na ring apat ang gender category: Idagdag sa male and female ang TW kung trans-woman
o TM kung trans-man”. Ayon naman sa isang posisyong papel mula sa Batangas Eastern
College, “Isa pa ay kailangang isaalang-alang ang kaginhawaan, seguridad at kaligtasan ng mga
LGBT sa mga pampublikong palikuran sa mga iba’t-ibang establisimiyento. Bagama’t sila ay
tinuturing na minorya kamang, nararapat lamang na ipagtanggol sila at bigyan ng pagpapahalaga.
Sa pamamagitan ng pagpapahintulot nito, hindi lamang ang seguridad ng pangatlong kasarian
ang mabibigyan ng atensyon, kundi rin ang lahat ng kasarian sapagkat ang mga awtoridad ay
mangangailangang gumawa ng mga aksyon ukol sa pagkontra sa karahasang posibleng mangyari
sa palikuran”, pagsalungat sa mga hindi sumasang-ayon.

Ang pagpapatupad ng pagkakaroon ng palikuran para sa mga LGBTQ+ ay hindi naman


mahirap. Ang pagpapagawa ng mga bagong palikuran para sa kanila ay hindi din naman
mahirap. Isa sa aking mga dahilan kung bakit ako sumasang-ayon dit`o ay dahil sa ito ay
nagpapakita ng ating pagrespeto sa kung ano sila. Ang pagkakaroon ng ikatlong palikuran ay
hindi lang sa mga LGBTQ+ makakabuti kundi saatin din na mga “straight” na babae at lalaki.
Ayon nga kay Kate Treinnah Mejia, “Bilang mamamayan ng pilipinas hindi nakabatay sa edad,
kulay, estado sa buhay, kasarian, relihiyon, o trabaho ang makatanggap ng pantay-pantay na
karapatan. Ayon sa seksiyon ll ng artikulo ll ng saligang batas ng 1987 ng republika ng Pilipinas
na pinahalagahan ng Estado ng dangal ng bawat tao at tinitiyak ang ganap na paggalang para sa
karapatang pantao. Ito ay patunay na tayong lahat ay may karapatan na maging masaya at
magawa ang mga bagay na gusto natin, ngunit para sa iba hindi naging madali ang makatanggap
at maranasan ito dahil hanggang ngayon ay hindi parin masyadong nabibigyan ng pansin ang
mga lgbt.”

Sa pagtatapos ng posisyong papel na ito, inuulit ko na ako’y sumasang-ayon sa


pagpapatupad ng pagkakaroon ng ikatlong palikuran para sa mga LGBTQ+ dahil sila ay isang
indibidwal at tao padin naman kagaya natin. Sabihin man natin na ito ay isang pangbabastos o
hindi pagrespeto sa ating relihiyon dahil dalawang kasarian lang naman ang ginawa ng ating
Panginoon, hindi parin natin mababago ang kanilang mga kagustuhan at desisyon sa buhay
kaya’t nararapat na sila’y ating respetuhin. Pagtanggap sa kung ano at kung sino sila bilang isang
indibidwal ay isang mabuting bagay. Ang “LGBTQ+” ay katulad lang din naman natin na
nakatira sa iisang mundo, nilikha ng iisang Diyos, nakatayo sa iisang araw, nangangailangan ng
pagtanggap, pagrespeto at higit sa lahat, lubusang suporta at pagmamahal.

Sanggunian:

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/LGBT#

https://lgbt534.wordpress.com/blog/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/08/17/1944135/cr-para-sa-gay-
lesby/amp/

https://www.studocu.com/ph/document/batangas-eastern-college/humms/posisyong-papel-to-
pass/15699936

https://www.scribd.com/document/509435281/Ang-pagpapatayo-1

You might also like