You are on page 1of 2

Trisha Faye Y.

Pasay
Grade 12-Tennessine

Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Lalabintaunin


Roberto E. Javier Jr.

Abstrak

Isang deskriptibong pag-aaral ito na naglalahad ng nalalaman ng mga lalabintaunin


tungkol sa sexually transmitted infection o STI partikular ang HIV/AIDS kaugnay ng panahon
ng pag-unlad sa aspektong pansarili, pang-sekswalidad, at pansosyal. Ginamitan ng pagtatanong-
tanong ang pananaliksik na ito sa paghahagilap ng datos sa larangan, at sinuri ang mga sagot sa
kwalitatibong pamamaraan. Sa mga umpukan isang panahon ng tag-araw, tinanong-tanong ang
mga kabataan sa mga lungsod sa Kamaynilaan at piling nayon sa lalawigan tungkol sa kanilang
libangan, ligawan, lambingan, pati ang tungkol sa libog. Nabatid na sa may 243 mga binata,
binatilyo, dalaga, dalagita't dalaginding ang nananatiling kinatatakutan ang mga sakit kaugnay ng
sekswalidad lalo na ang HIV/AIDS; kabilang din ang mga sakit gaya ng tuberculosis o cancer,
gayundin iyong may kinalaman sa aspektong sosyal, halimbawa'y bunga ng pandidiri pag-iwas
ng iba sa kanila. Marami sa kanila ang salat ang kaalaman tungkol sa banta ng pagkalat at
pagpigil ng HIV/AIDS. Pinatibayan ng mga literaturang naipon ang nananatiling "feminized" at
"stigmatized" na pananaw ng mga lalabintaunin lalo na ng mga lalaki sa HIV/AIDS at ang mga
nakakabagabag na kanilang pag-uugali kaugnay ng kanilang sekswalidad na maaaring maglagay
sa kanila sa tiyak na kapahamakan ng pagkahawa at pagkalat nito. Kahit pa nga marami na ang
nalalaman tungkol sa HIV/AIDS laganap pa rin ang maling kabatiran tungkol dito.

Sanggunian:https://ejournals.ph/article.php?id=7901

Trisha Faye Y. Pasay


Grade 12-Tennessine

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na
batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na
salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo
sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong
pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Keywords: karanasan, batang ina, emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal, sosyal

Sanggunian:http://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-
BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf

You might also like