You are on page 1of 1

Espesyal na Pagtrato sa mga LGBT

Sa bawat panukalang batas malinaw na dapat ang bawat mamamayan ay makinabang dito ngunit ang Sexual Orientation Gender
Identity or Expression Bill na mas kilala sa tawag na SOGIE Bill o Anti Discrimination Act ay malinaw na pumapabor lamang sa mga
miyembro ng LGBT.

Isa sa nilalaman ng panukalang batas na ito ay ang pagbabawal sa mga paaralan na tanggihan ang isang bakla o tomboy na
pumasok sa kanilang paaralan, halimbawa isang paaralan na eksklusibo lamang para sa mga babae, may isang lalaki na nasa
anyong babae ang nais mag-aral dito kaya't hindi maaaring tanggihan ng pamunuan ng paaralan ang lalaki sapagkat ito ay nasa
batas. Magiging kabastusan din ito lalo na sa mga katolikong paaralan sapagkat itinuturo dito na babae at lalaki lamang ang ginawa
ng Diyos.

Sa pampublikong palikuran, kamakailan lang ay pumutok ang balita tungkol kay Binibining Gretchen Diez, isang transgender na
gumamit umano ng palikuran ng mga babae. Ito ay hindi katanggap-tanggap, hindi tama na magsama sa iisang palikuran ang isang
babae at isang bakla. Lubhang mapanganib ito dahil kahit pa sabihin natin na pusong babae si Diez hindi maikakaila na mayroon
siyang pag-aari na hindi katulad ng sa babae kaya magiging delikado ito para sa mga kababaihan.

Sa panukalang batas ring ito, tinatanggalan ng karapatan ang mga magulang na ituwid o pakialaman ang kasarian ng kanilang mga
anak. Bilang magulang hindi ka matutuwa na ang anak mo ay iba ang tinatahak na daan kaya hangga't maaga pa nais mo na siyang
ituwid, ngunit dahil sa batas na ito, maaari kang ipakulong o sampahan ng kaso ng iyong anak sa ilalim ng SOGIE Bill.

Ang mga sanggol naman ay walang tiyak na kasarian sapagkat nakasaad sa batas na ito na dapat sa kanilang paglaki, sila ang
tutukoy sa kanilang sariling kasarian kaya't ang ilalagay sa kanilang kasarian sa birth certificate XX.

Hindi pa naaaprobahan ang panukalang batas na ito sapagkat maraming umaalma at hindi sumasang-ayon dito. Para sa akin, hindi
ito ang pagkakapantay pantay na hinihingi nila. Ito ay ang pagkakaroon nila ng spesyal na pagtrato. Masyado na silang nagiging
abusado, dapat na unahin ang problema ng bansa kaysa sa kanilang mga hinaing. At mas may karapatan ang mga tunay na babae
at lalaki sa kanila.

You might also like