You are on page 1of 1

Ang same sex marriage ay ang pag iisang dibdib o pagpapakasal ng dalawang

taong parehas ang kasarian na nag mamahalan. Sa modernong panahon ngayon


mas lumalaganp na ang pagkakaroon ng iba pang kasarian o label ng kanilang
gender, kung kaya’t nagkakaroon ng Same Sex Marriage. Ngunit kahit pa laganap
na ito may iilan paring tumututol sa same sex marriage.

Kung ako ang tatanungin, kalayaan ng bawat isa sa atin ang mahalin kung sino ang
kanilang nais, ang mahalagw ay wala silang naaapakang tao. Ito ay karapatan
bilang isang mamamayan at bilang isang tao na pakasalan kung sino ang kanilang
minamahal. Gaya nga ng kasabihan, kung ikaw ay tamaan ni kupido'y wala ka
nang ibang magagawa kundi sundin ito. Hindi mo matuturuan ang sarili mo kung
sino ang iyong mamahalin, ito ay kusang dumarating. At hindi karapatdapat
mahusgahan ang dalawang taong nagmamahalan. Base sa aking nabasang
artikulo, Suportado rin ng pangulo ang same-sex marriage o pag-iisang dibdib ng
magkaparehas na kasarian. "Ako gusto ko, same-sex marriage. Ang problema,
we'll have to change the law, but we can change the law. Ang batas kasi, marriage
is a union between a man and a woman. I don't have any problems making it,
marrying a man, marrying a woman… o whatever is the predilection of the human
being," ani Duterte. Noon lang Marso, nagpahiwatig ang pangulo sa biyahe sa
Myanmar na tutol siya sa same-sex marriage. "'Yon ang kultura nila. E di kayo
lang, hindi 'yan pwede sa amin, kay Katoliko kami at there is the Civil Code, which
says that you can only marry a woman for me, for a woman to marry a man," sabi
ni Duterte noong Marso 19. Ngunit kung tutuusin, marami parin ang tutol sa same
sex marriage dahil sa kanilang pinaniniwalaan na ang babae ay para sa lalaki at
ang lalaki ay para sa babae lamang. Marami mang sang ayon sa same sex
marriage, ito ay nagagawan parin ng paraan ng dalawang taong nag mamahalan
na iisa ang sexualidad. Marami mang nangpupuna, ito ay binabalewala nila dahil
alam nila sa kanilang mga sarili na ang pag mamahalan ay natural lamang sa isang
tao.

You might also like