You are on page 1of 1

PAG GAWA NG POSISYONG PAPEL

Luis Angelo R. Veran


12 STEME 10
"Pantay-pantay na Karapatan: Pabor sa Pagkakaroon ng Karapatan sa Same-Sex
Marriage"

Same sex marriage, ito ay isa sa mga napapanahong isyu sa ating bansa at
patuloy na nagiging usapin sa kasalukuyan. Ito ay ang pagmamahalan ng may mag
kaparehong kasarian at ito rin ay isang usapin na karapatang pantao at pagkakaroon ng
pantay pantay na pagtingin sa minamahal ng isang indibidwal ng walang pang huhusga
mula sa iba. Ito ay nagbubukas ng mga pintuan tungo sa pag-unawa at pag sang ayon
sa karapatan ng mga indibidwal na may parehong kasarian. Malinaw na ako’y
sumasang ayon sa pag legalisasyon ukol dito, sa pamamagitan ng pag-aambag ng
positibong impormasyon at malalim na pang unawa ukol sa isyung ito, nais kong
magbigay impormasyon sa paksang ito at mag-ambag ng mas malawak na pag-unawa
sa mga karapatan ng LGBTQ+ na mamamayan. Gayundin, nais kong magbigay-daan
para sa mas mabuting kinabukasan kung saan ang pag-aapruba ng same-sex marriage
ay hindi lamang isang legal na hakbang, kundi isang hakbang tungo sa mas pantay-
pantay, at mas mapayapang lipunan kung saan lahat ay may karapatan na magmahal
at magkaroon ng legal na pamilya, anuman ang kanilang kasarian.

You might also like