You are on page 1of 2

Pagpapahayg ng Pagtutol sa itinalagang House Bill 258 o SOGIE BILL

Mataas na Paaralan ng Sarrat


29 Setyembre 2019

1. Ako, bilang isang mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Sarrat ay matinding tumututol

sa pagtatalaga ng House Bill 258 o mas kilala bilang SOGIE Bill. Naniniwala ako na

ang panukalang ito ay nagpapakita banta sa academic freedom at freedom of speech

dahil hindi ito patas kung magpapasa ng batas para sa karapatan ng isang sector lamang.

2. Narito ang aking batayan.

3. Una, maabuso lang ang SOGIE Bill ng mga taong mapagsamantala sa mundo. Gaya na

lamang ng inihalimbawa sa sesyon ng Senado ni Sen. Ronald dela Rosa na isang maton

na nagbihis babae para makapasok sa CR ng babae na ang layunin ay makapamboso.

4. Pangalawa, may mga Batas naman na promoprotekta sa mga tao at sa kasalukuyang

panahon unti-unti nang tinatanggap ang LGBTQ+.

a) SEKSIYON 1. Maikling Pamagat. — Ang Batas na ito ay kikilalanin bilang “Batas

sa Reparasyon at Rekognisyon ng mga Biktima sa mga Karapatang Pantao ng

2013.”

b) SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. — Ipinahahayag ng Seksiyon 11 ng Artikulo II

ng Saligang Batas ng 1987 ng Republika ng Pilipinas na hinahalagahan ng Estado

ang dangal ng bawat tao at tinitiyak ang ganap na paggalang para sa karapatang

pantao. Tungo sa ipinahayag na polisiyang ito, ipinagbabawal ng Seksiyon 12 ng

Artikulo III ng Saligang Batas ang paggamit ng tortiyur, lakas, karahasan,

pagbabanta, intimidasyon, o anupamang ibang pamaraan na makasisira sa

malayang loob at nag-aatas ng kabayaran at rehabilitasyon ng mga biktima ng

tortiyur o mga katulad na praktis atang kanilang mga pamilya.


5. Pangatlo, bakit kailangan pang unahing isabatas ang sogie bill andami daming

problemang iba ang bansa. Imbes na pagtuunan natin ng pansin ang mga LGBTQ+

bakit hindi natin unahin ang pagsasagawa ng batas para sa mga magsasaka at pagresolba

sa kahirapan n gating bansa.

6. Pang-apat, Ang kultura ng Pilipino ay sapat na para masabing great nation ang Pilipinas.

Bakit kailangan pa nating umimport ng batas galling sa ibang bansa para lamang

makibagay sa kanila.

7. Buo ang pagkilala ko sa layunin ng mga LGBTQ+ na isakatuparan ang SOGIE Bill

ngunit ang panukalang ito ay nakasentro sa iisang sector lamang at nagpapakita banta

sa academic freedom at freedom of speech ng mga Pilipino.

8. Kaya ako bilang isang mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Sarrat ay matinding

tumututol sa pagtatalaga ng House Bill 258 o SOGIE Bill.

9. Gumawa ng batas para sa ikabubuti ng pilipinas hindi para sa isang sector lamang.

10. Ibasura ang House Bill 258 o SOGIE Bill.

You might also like