You are on page 1of 27

I N G

U R T A N
A PA
K A R
1. LIKAS NA KARAPATAN

 karapatang mabuhay at
magmahal na kaloob ng
Panginoon.
2. KARAPATAN AYON SA
KONSTITUSYON
nasasaad sa ating Saligang
Batas ang Katipunan ng mga
Karapatan. Hindi ito maaaring
alisin o baguhin ng kongreso.
3. MGA KARAPATAN AYON SA
BATAS
Maaaring baguhin ang mga
karapatang kabilang ditto tulad
ng pagtakda ng
pinakamababang sahod o
minimum wage.
Nasasaad sa Artikulo
III(Katipunan ng mga
Karapatan) seksyon I.
“ hindi dapat alisan ng buhay,
kalayaan o ari-arian ang sinomang
tao nang hindi sa kaparaan ng batas
ni pagkaitan ang sino mang tao ng
pantay na pangangalaga sa batas.
URI NG KARAPATANG ayon sa
KONSTITUSYON
1. Karapatang panlipunan at
pangkabuhayan
2. Karapatang pampulitika
3. Karapatan ng nasasakdal
4. Karapatang sibil
1. KARAPATANG SIBIL
Nakatuon sa ugnayan ng bawat
mamamayan sa isa’t-isa.
1. Magtatag ng kapisanang hindi
labag sa batas.
2. Kalayaan sa pamamahayag.
3. Magtipon at magpetisyon upang
maayos ang anumang sigalot.
4. Karapatan laban sa pagkabilanggo
nang dahil sa hindi pagbayad ng
sedula o pagkakautang.
5. Kalayaan sa paninirahan at
pagbabago ng tirahan.
6. Karapatan laban sa sapilitang
paglilingkod.
2. KARAPATANG PANLIPUNAN AT
PANGKABUHAYAN
 saklaw nito ang palipunan at
pangkabuhayan ng mamamayan.
1.Pangangalaga at paggamit ng likas
na yaman.
2.Makapagtamo ng edukasyon.
3. Pagtaguyod ng katarungang
panlipunan
4. Karapatan sa wastong
kabayaran para sa pribadong
ari-arian na gagamitin ng
pamahalaan.
5. Karapatan sa pagmamay-ari.
3. KARAPATANG PAMPULITIKA

Malinaw na tinutukoy dito ang


ugnayan ng mamamayan sa
pamahalaan. Kinakailangang
makilahok sa mga programa ng
pamahalaan.
1. Karapatan sa kabatiran sa mga
bagay-bagay na may kinalaman sa
lahat
2. Karapatan ng pagkamamamayan
3. Karapatang bumoto
4. Karapatan sa tungkuling
pampubliko
4.KARAPATANG PANGKULTURA
Ang lahat ng tao ay may karapatang
makibahagi sa pagdiriwang na may
kinalaman sa kanilang kultura lalo pa’t
ito ay magpapaunlad sa kultura ng
kanilang lahi o komunidad.
Ang bawat tao ay may karapatang
pumili ng kanyang relihiyon o
paniniwalaan.
5. KARAPATAN NG NASASAKDAL
Mga karapatang sibil ng
nasasakdal:
1. Karapatan laban sa pilit na
pagtestigo laban sa kanyang sarili.
2. Karapatan naituring na walang
sala hanggat hindi napatutunayan
3. Karapatan sa piyansa kahit
suspindido ang pribilehiyo ng writ
of habeas corpus
4. Karapatang magmatuwid sa
pamamagitan ng sarili o ng
abogado
5. Karapatan sa labis na paghihirap,
dahas, at pananakot.
6. Karapatan sa makatarungang
paglilitis,nangangahulugan ito na ang
nasasakdal ay dapat magkaroon ng :
a. Pagkakataong magtanggol sa sarili
b. Magkaroon ng abogado
c. Impormasyon tungkol sa akusasyon
sa kanya.
d. Mabilis, walang pinapanigan at
publikong paglilitis.
e. Pagkakataong makaharap ang
mga testigo
f. Pagkakataong magtanong sa
hukom kung tiyak na ang mga
testigo at ebidensya ay ihaharap sa
hukuman.
7. Karapatan sa proteksyon laban sa
dalawang ulit na pagpaparusa sa
magkaparehong kasalanan. Ang
nasasakdal na nahatulan o
napawalang sala sa isang krimen ay
hindi na maaaring ipailalim sa isa
pang paglilitis para sa krimen ding
iyon.
IBA PANG MGA PROBISYON
Ang katipunan ng mga karapatan ay
nagtatakda ng mga hindi dapat gawin ng
pamahalaan,gaya ng mga sumusunod;
1. Pagbilanggo sa hindi makabayad ng
utang
2. Pag-iisyu ng bill of attainder o batas na
nagpaparusa kahit walang paglilitis ng
hukuman
3. Pagpapatupad ng ex post facto law na
nagpaparusa sa kasalanan kahit na
ng gawin ang kasalanan ay hindi
dapat parusahan ang nagkasala.
4. labis-labis na multa at hindi
karaniwan o hindi makataong
pagpaparusa
5.Pagbilanggo dahil sa pampulitikang
paniniwala at adhikain
6. Pagsuspinde sa pribilehiyo ng
writ of habeas corpus o hindi
nagpapahintulot sa ilegal na
pagkapiit maliban sa mga
kasong pananalakay o rebelyon o
kung hinihingi ang kaligtasan ng
taong bayan.
Pangkatang
Gawain
Sa pamamagitan ng mga sumusunod
na gawain tukuyin at ilarawan ang
mga uri ng karapatan.
Pangkat I – pag-uulat
Pangkat II – tula
Pangkat III – awit
Pangkat IV – graphic organizer
Tukuyin kung anong uri ng
karapatan ang inilalarawan
sa bawat pangungusap.
Isulat kung ito ay
karapatang sibil,
pampulitika,
pangkabuhayan/
panlipunan at pangkultura.
____1. Ang bawat mamamayan ay may
karapatang pumili ng kanyang
relihiyon o paniniwalaan.
____2. Karapatan ng mga mamamayan
na bomoto at pumili ng taong
kanilang ihahalal para
maglingkod sa pamahalaan.
____3. Karapatang pangalagaan at
gamitin ang mga likas na
yaman.
____4. Karapatan laban sa
sapilitang paglilingkod.
____5. Karapatang makapag-aral
o magtamo ng edukasyon.

You might also like