You are on page 1of 21

MGA

KONTEMPORARYONG
ISYUNG
(PANGKABUHAYAN)
1. OPEN TRADE
Ay ang malayang pakikipagkalakalan.
Nagiging madali ang pagluluwas o pag-
aangkat ng mga produkto dahil sa
pagtanggal ng mga balakid sa
kalakalan. Walang buwis ang mga
kalakal mula sa ibang bansa.
Sa open trade, naipagbibili ang produkto
sa murang halaga kaysa sa mga local na
produkto.
Epekto ng Open Trade
1. Nahihirapan ang mga local na
negosyante na maipagbili ang
kanilang mga produkto dahil sa mas
mahal ang halaga nito kaysa sa
produkto na galling sa ibang bansa.
2. Sanhi ng pagkawasak ng mga local
na industriya dahil sa nababalewala
ang mga patakaran na nagbibigay
proteksiyon sa kanila.
3. Pagtindi ng kahirapan sa ating
bansa dahil sa pagsusulong at
pagbibigay pabor sa mga
dambuhalang kapitalista at
dayuhang namumuhunan.
4. Pagdami ng mga taong walang
trabaho dahil sa natutumba ang
maliliit na negosyo.
5. Pagbaba ng halaga ng sahod
ng mga manggagawa.
6. Pagsasara o pagkalugi ng
mga local na kompanya at
industriya na hindi
makasabay sa
pandaigdigang kumpetisyon
2. GLOBALISASYON
Ang globalisasyon ay ang
Malaya at malawak na
pakikipag-ugnayan ng mga
bansa sa daigdig sa mga
gawaing pang-ekonomiya,
panlipunan,pangteknolohiya at
kultura.
Dahil sa globalisasyon,
1.mabilis na pag-unlad ng
kalakalan sa pagitan ng iba’t
ibang bansa ng daigdig.
2. Mabilis na ang paglago ng
pandaigdigang transaksiyon sa
pananalapi.
3. Lumaki ang pamumuhunan
ng mga dayuhang
mangangalakal na
nakapagbibigay ng trabaho
sa mga mamamayan at
paglaki ng produksiyon na
makatutugon sa
pangangailangan ng mga tao.
4. Lumaganap ang teknolohiya at
kaalaman sa tulong ng mabilis
na transportasyon at
komunikasyon sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
5. Lumago ang iba’t ibang sangay
ng agham na nakatutuklas ng
gamot sa pagsugpo ng iba’t
ibang sakit.
EPEKTO NG GLOBALISASYON
1. Paglaki ng kakulangan sa
mahuhusay na manggagawa o brain
drain sa bansa dahil naaakit ang
mga tao sa mataas na pasahod ng
mga bansang umaangkat ng mga
manggagawa tulad ng mga bansa
sa Europa, Canada, at sa Kanlurang
Asya.
2. Pagdami ng armadong labanan
tulad ng nagaganap sa
Mindanao na binigyang suporta
ng ibang bansa.
3. Pagkasira ng kalikasan dahil sa
paggamit ng mga likas na
yaman na pinagmumulan ng mga
materyales at sa polusyong dulot
ng paggawa at industriyalisasyon.
4. Pagkawala ng katutubo o
indigenous na kultura ng bansa
dahil sa pagpasok ng makabago at
iba,t ibang kultura ng ibang bansa.
5. Pagkawala ng pagkakakilanlan ng
bansa dahil sa pagiging sunud-
sunuran sa mga mayayamang
bansa na nagmamay-ari sa mga
naglalakihang kumpanya.
6. Pagpasok at pagkalat ng mga
nakakahawang sakit sa iba,t
ibang panig ng mundo.
7. Pagkawala ng mga karapatan
ng mga bansa na pairalin ang
kanilang mga patakaran dahil
sa pagsunod sa mga
patakaran ng mga institusyong
sumusuporta sa globalisasyon.
PANGKATANG
GAWAIN
Sa pamamagitan ng mga sumusunod
na gawain tukuyin at ilarawan ang
mga kontemporaryong isyung
pangkabuhayan na nakakahadlang sa
pag-unlad
Unang pangkat – (tula)
Ikalawang pangkat – (pagbabalita)
ikatlong pangkat – (awit)
Ikaapat na pangkat –(graphic organizer)
Sagutin ng TAMA o Mali.
__1. Ang open trade ay ang
malayang pakikipagkalakalan na
nagiging sanhi ng pagkawasak ng
mga local na industriya dahil sa
nababalewala ang mga
patakarang nagbibigay
proteksiyon sa kanila.
___2. Walang masamang epekto ang
globalisasyon sa kabuhayan ng mga
Pilipino.

___3. Ang globalisasyon ay isang


pamamaraan kung saan binubuksan
ang ekonomiya ng bansa para sa
mga dayuhang produkto at
mamumuhunan sa pamamagitan ng
pag-alis ng taripa o buwis para sa
mga inaangkat na produkto.
____4. Ang pagdami ng bilang
ng mga produktong banyaga
sa ating bansa ay
nangangahulugang maunlad
ang kabuhayan ng mga
Pilipino.
____5. Ang pagtaas ng bilang
ng mga taong may matatag
na hanapbuhay ay isang
palatandaan ng maayos at
maunlad na kabuhayan ng
bansa.

You might also like